Nine Months Later NAKAUPO lang ako sa harap ng salamin habang inaayusan ng dalawa kong kaibigan. Si Halle ang naglalagay ng makeup sa akin, at si Bea naman ang nag-ayos sa buhok ko. “What a beautiful bride!” puna ni Halle na maarte pang pumalakpak matapos akong lagyan ng makeup. “For sure maglalaway na naman si Mr. Dimitriou sa 'yo mamaya kapag nakita ka.” “Ano ka ba naman, matagal nang naglalaway ang lalaking 'yun sa kanya, 'no. Alam mong patay na patay 'yun kay Shen noon pa man,” sagot naman ni Bea na hindi pa tapos sa pag-aayos sa buhok ko. Napangisi naman ako at nagkibit-balikat. “Well, he's my groom and soon to be my husband. Dapat lang na maging patay na patay siya sa akin dahil magiging asawa na niya ako after this day.” Yes, ngayong araw na ang kasal namin ni Axle. Sa loob ng

