HINDI ko alam kung ilang minuto na ba akong nakatitig sa mag-ama ko na pareho nang malalim ang tulog sa kama at humihilik pa. Nakasuot lang ng white bathrobe si Axle at nakatihaya ng higa habang ang isang braso nito ay nakayakap sa anak na ngayo'y nakataob naman sa kanyang tiyan at komportableng natutulog. How cute. I can't help but smile. Ang sarap nilang pagmasdan, parang may humahaplos sa puso ko habang tinitingnan silang dalawa. Mula sa hubog ng labi at matangos na ilong ay talaga namang magkaparehong-magkapareho. Talagang mag-ama nga silang dalawa. I let out heavy sigh. Napag-isipan ko na 'to mula pa kanina. Ayoko maging selfish sa totoo lang. Siguro ay wala namang masama kung pagbibigyan ko ang lalaking 'to na makapiling ang anak namin, deserve niya pa rin naman na makilala at ma

