Hindi ako nakagalaw dahil sa kanyang pagyakap sa akin mula sa likuran. Hindi ko rin alam kung ano ang dapat kong isagot sa kanyang sinabi. “Are you still waiting?” mahinang tanong na lumabas sa bibig ko makalipas ang ilang sandali. Pero iba ang kanyang isinagot sa akin. “One year is not a joke. Even my own son, pinaubaya ko sa kanya. Tiniis ko lahat para lang pakawalan ka dahil alam kong 'yun ang tama at nararapat kong gawin kasi 'yun naman talaga ang gusto mo, ang mawala ako para magkaayos na kayo ng lalaking mahal mo. Sino ba naman ako sa 'yo? Isa lang naman akong pagkakamali,” sagot niya na parang may hinanakit pa sa boses. Hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagpatong ng kanyang mukha sa balikat ko at sumiksik pa sa leeg ko kasabay ng paghigpit ng kanyang yakap sa baywang ko. “And

