Episode 2

1310 Words
Seven Days Before the Wedding Naiiling ako habang tinitignan sina Blake at Kellan na nagtatalo dito sa bahay ni Stephanie. Pinagtatalunan kasi nila kung sino ang magiging abay sa kanilang dalawa. Isa na lang kasi ang natitirang pwesto para sa mga abay kong lalaki. Maski ako ay hindi makapili sa kanila dahil pareho ko silang naging malapit na kaibigan magmula noong mag-set up si Stephanie ng blind date sa amin. Thinking about that, wow, that was five years ago already. Sobrang dami na ng nangyari. On those five years, Kellan and Blake kept on courting Stephanie. No one dared to give up. Akala ko nga noong una ay si Kellan na ang magiging boyfriend ng bestfriend ko. Hindi ko talaga inaasahan nang sabihin niyang pareho na siyang na-inlove sa kanilang dalawa. Kaya heto siya ngayon, limang taon nang pumipili sa pagitan nilang dalawa. Mabuti na lang at marunong maghintay sina Kellan at Blake. Aaminin ko, maski naman ako ay nahihirapan sa sitwasyon ni Stephanie. Napakahirap ngang pumili sa pagitan nila. Pareho kasi sila ng ugali na gugustuhin ng kahit na sinong babae. Pero sana naman ay pumili na agad siya para hindi na niya masaktan pa iyong hindi niya mapipili. "Cath, ako na lang kasi!" May pagkainis sa tono na sambit ni Blake sa akin. Para siyang bata na nagtatrantums dahil hindi ko maibigay ang gusto niya. "Ako na lang, Cath. Mas bagay akong maging abay mo dahil mas gwapo ako keysa sa isip batang 'to." Sabat naman ni Kellan habang tinatakpan ang bibig ni Blake para hindi na makasagot pa. Tumawa na lang ako dahil para silang mga batang nagtatalo sa isang laruan. Bahala na nga! "Boys, 'wag niyo na munang guluhin ang bride. I have something to show her. So," Stephanie yawned lazily, "behave." On cue, the two smiled at her. Para ba silang mga batang umaaktong sini-zip ang bibig nila. Napailing na lang ako. Lakas talaga ng tama ng dalawang ito sa best friend ko. Wala akong laban noong hinigit ako ni Stephanie papunta sa working area. Iyon ang lugar kung saan naroroon ang mga gown at suits na isusuot ng bride's maid at groom's men namin ng groom ko. Sobrang laking pasasalamat ko nga na I have Stephanie. Siya na kasi ang nag-aasikaso ng lahat sa kasal ko. As in, lahat talaga. Magmula sa isusuot ng mga abay hanggang sa reception ng kasal, siya lang talaga ang sinandalan namin ng groom ko. Pareho kasi kaming walang alam sa kung papaano mag-plano ng kasal. Hindi kasi ako nadalo sa kasal ng kahit na sino, kaya wala talaga akong kaide-ideya sa kung papaano ba ito iplano. Kaya sobrang thankful lang talaga ako na may Stephanie ako na siyang nanguna sa lahat ng kailangang gawin three months matapos mag-propose sa akin ang fianceè ko. Katunayan niyan, para pa ngang mas excited pa siya keysa sa akin, eh! Ako 'tong pa-chill chill lang tapos heto siya, stress na stress. Para ko na talaga siyang kapatid. Itinuring ko nang kapatid si Stephanie since wala na akong kamag-anak na buhay pa. Wala na rin kasi sina Mama at Papa kaya't ang natitira na lang sa akin ay si Stephanie na hindi ako iniwan. Kaya't sa kasal ko, itong bestfriend ko ang maghahatid sa akin patungo sa altar. "Pwede ko na bang makita ang bridal gown ko?" Excitement was obvious to my tone. Magaling na fashion designer si Stephanie kaya't nakakasiguro akong mas maganda pa ang gagawin niya keysa sa mga detalyeng sinabi ko sa kanya. Ang gown na gusto ko talaga ay simple lang. I don't want it to be flashy. I want to resonate myself with it which is through simplicity. Basta ang ni-request ko lang talaga sa kanya ay sana, may embroided white roses doon. It's for the reason white roses has the meaning that is close to my heart. And it's true love. Yes. True love. Big word. True, long lasting love. That was the foundation that my soon to be husband grab ahold with. And I am glad that he didn't give up on me. That he let his true love to overpower him. Kaya gusto ko, sa araw ng kasal namin ay may white roses ako sa gown ko. I want to wear my groom's true love as we face the beginning of our happy ending. "Nope, hindi pa pwede." Ngumisi naman sa akin si Stephanie na para bang nang-aasar pa. Napabusangot tuloy ako. "Bukas na para surprise." She winked at me and I just playfully roll my eyes at her. "For now, i-check mo muna itong isusuot ng sponsors mo kung umakma ba sa dream wedding mo." Hindi pa ako nakakasagot noong inalis na niya ang telang itim na nakapatong sa gown at suit na ginawa niya. And when it all finally proudly flash after my gaze, I was stunned. Wow. Just wow. Ganoon na lang ang pagkamangha ko dahil higit pa ito sa gusto kong mangyari! Sobrang ganda ng mga royal blue dresses na ginawa niya para sa mga abay kong babae. Plain lang ang top noon pero ang nakapag-paganda talaga doon ay ang mga white roses sa palda nito. It was embroided with a falling pattern down the bottom of the gown. Napanganga na lang talaga ako. At one moment pa nga, parang mas gusto ko na lang na maging abay?! Nang idinako ko naman ang mga mata ko sa susuutin ng groom's men ng groom ko, I grin. s**t, ang gwa-gwapo siguro nilang tignan kapag suot na nila 'to! Plain lang na white long sleeves iyong nasa loob ng suit nila. Plain royal blue lang din iyong trousers nila. What really made it special is the suit. May stem with thorns na naka-embroid sa right shoulder nila. Then may kaunting white roses rin ang makikita doon. "You really exceed my expectations, Steph." Naiiling at parang hindi makapaniwalang sambit ko sa kanya habang nakatitig doon sa mga gawa niya. "Pero hindi pa diyan natatapos ang lahat." Blinking, I confusedly turn my gaze at her. Ano raw? Mayroon pa siyang ipapakita? 'Yung gown ko na ba ito? Jusko! I am so ready for it! Ngiting-ngiti ako sinundan ng tingin si Stephanie. Lumakad siya patungo sa pintuan ng fitting room. She is with her teasing smile when she grabbed the door knob. And then little by little, she started to open the door. Slowly, I was . . . I was dumbfounded of what came before my eyes. On that fitting room, I saw him. I saw my groom. I saw my groom wearing his wedding suit. Kulay puti iyon. White suit and trousers. But what made it special was the black long sleeves inside of it. May naka-embroid na golden stem with thorns at white roses pababa sa katawan niya. With the wedding suit, his sturdy legs and biceps are evident. Ganoon na rin ang malapad niyang dibdib. And the god damn hard suface on his tummy! It was proudly prominent as he breathe! He looks more of a walking s*x rather than a loving groom. Kung wala lang talaga dito si Steph, I will gladly throw myself at him! Shit. Ang gwapo naman ng magiging asawa ko! At ang landi ko! Nagsimula tuloy akong mamula noong lumakad siya papalapit sa akin. He is smiling with his damn perfect smile. Para ba siyang isang international male model na rumarampa papalapit sa akin. Lalo akong namula noong kinindatan niya ako! I am close at covering my face when he finally reached me. He cupped my cheeks and stared right into my eyes. "I'm really looking forward at changing your surname with mine. The f**k, baby. Hindi na talaga ako makapaghintay." He smiled while biting his lower lips. Nakakainis! Iyon lang ang sinabi niya pero parang gusto kong mangisay sa kilig?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD