Episode 3

1046 Words
Five Years Before the Wedding Napahikab na lang ako noong makita ang mga notes na nakadikit sa gilid ng PC ko. Napakarami na namang gagawin ngayon. Napabunsangot ako. Hindi ko alam kung ano ba ang sisimulan. Nandito ang maraming cash flow analysis na dapat kong gawin nang tama. As in, perfect. One hundred percent na walang mali. Kasi kung hindi, mapapagalitan na naman ako ng boss ko. Ang malupit pa nito, bukod doon ay nandito rin ang mga clerical tasks na dapat kong matapos sa araw rin na ito. Which is impossible. Mas magkakatotoo pa yata ang pagputi ng uwak keysa sa matapos ko ang mga ito ngayong araw, eh. Nakaka-drain na. Sobra. Gusto ko na lang bumalik sa panahong teenager pa ako. Iyong walang iniisip kundi ang maglibang. Iyong easy-easy lang. Iyong walang pinoproblema kung hindi ang kabahang mag-report sa harap ng mga kaklase. Keysa ngayong adulthood na puro pagbabayad ng bills ang dahilan para mabuhay. Ngayon ko na talaga pinagsisisihan ang mga gabing dapat ay natulog na lang ako nang maaga noong teenager pa lang ako. Nitong adult na kasi ako, gusto ko na lang talagang matulog nang matulog. Kaso hindi na pwede dahil marami pang trabaho na dapat tapusin. Dahil kapag nag-petiks ka, gutom ka. "Cath, pinapatapos din ang mga ito ni boss." Nanlulumo akong nakatingin sa inabot ng kaibigan kong si Sassie. Sa obserba ko'y mahigit fifty pages itong nadagdag sa mga gawain ko. Iyon ang dahilan kung bakit lahat lahat, mahigit almost nine hundred pages na mga papel ang ngayo'y patong-patong na nakalagay sa tabi ng computer ko.  "Be strong, kaya natin ito." Tinapik ako ni Sassie sa balikat ko habang natatawa. Maski siya siguro'y nanlulumo na rin sa dami ng trabaho na kailangan naming tapusin ngayong araw. May bago kasing tinatayong real estate sa Cavite kaya't kailangan naming itong matapos para masimulan na nila ang pagtatayo ng mga bahay doon. "Lutang na lutang ako ngayon, sa totoo lang. Gusto kong magpatuloy dito pero ayaw namang makisama ng mga mata ko. Kusang napapapikit, eh." I am wincing. Gusto ko nang maiyak. "Namamali tuloy ng formula 'tong mga nagagamit ko dito sa income statements. Malalagot talaga ako kay boss nito." I sigh habang malungkot na napatitig doon sa tumpok ng mga papel. "Sana lang talaga ay maghimala ang langit. Sana lang talaga ay pagbagsakan naman ako ng swerte. Sana lang talaga," tumingin muna ako sa paligid at nang makita ko si boss, napairap ako at muling nagpatuloy sa pagsasalita nang may mahinang boses, "ma-extend ang deadline ng letcheng mga paperworks na 'to." Sassie chuckled for a moment. "Coffee break muna kaya tayo? Mukhang mababaliw ka nang bruha ka, eh." And that was the word I am really waiting this whole day. Para bang biglang nagliwanag lahat ng nasa paligid ko nang marinig ko ang sinabi niya. Kailangan ko na talagang ipahinga itong utak ko dahil baka itong trabaho pang ito ang ikamatay ko! "I really need that, let's go." Agad na akong tumayo at hinila ang kamay niya papalabas ng office namin. Nagpumiglas pa nga siya dahil wala daw siyang dalang pera pero sinabi kong ako na ang bahala. Gustong gusto ko na lang kasing magpahinga muna ngayon. Nang makasakay na kami sa elevator ay mabilis ko nang pinindot ang groundfloor at tahimik na naghintay. Nasa 10th floor pa kasi ng building 'yung office namin. Biglang tumigil ang elevator nang makarating na kami sa 8th floor. Nanatiling nasa sahig ang mga mata ko. Kaya nagulat ako nang siniko ako ni Sassie. Nang mapatingin ako sa kanya ay ngiting-ngiti ang gaga. "Ang gwapo, shocks." Bulong niya sa akin. "Saan?" I blink. Malandi rin ako minsan, eh. Tinuro ni Sassie ang kanyang labi sa aming harap. Kaya't mabilis pa sa alas-kwatro ang pagbaling ko doon. Doon, tumambad sa akin ang isang lalaki na may katangkaran. Sa kaputian niya ay mukha siyang malinis. Sa tindig niya ay mukha rin siyang model ng mga sikat na clothing brand. Nakasuot siya ng long sleeves na navy blue na bahagyang naka-tuck in sa ripped jeans niya na kulay black. May puting earphones na nakapasak sa mga tainga niya. Dahil nakatalikod siya ay hindi ko makita ang kanyang itsura. Pero para bang ito na yata ang swerteng hinihintay ko nang ibaling niya ang tingin sa kanyang gilid! Iyon ang dahilan kung bakit nakita ko ang side view niyang mukha! And shocks, ang gwapo nga . . . Pero teka, bakit parang may kamukha siya?  Nakanguso, pilit kong inaalala kung sino ba ang kamukha niya. Pero agad siyang tumalikod sa amin kaya't naguluhan na talaga ako. "Ang gwapo 'no?" Bulong sa akin ni Sassie habang pigil na pigil ang kilig. Ngiting-ngiti siya habang nakatitig sa malapad na likod nitong lalaking ngayon ay nakatalikod sa harap naming dalawa. "Tumigil ka nga." Hinampas ko ang haliparot na si Sassie. Sinimangutan ko siya, nagkukunwaring hindi ako nagwagwapuhan sa lalaking nasa harap namin. "Kamukha niya si Grim Reaper. Remember? 'Yung sikat na Korean Drama na Goblin noong Junior High School pa tayo." She continued to gush like a teemager. And thinking about what she just said . . . Oo nga! Kamukha niya nga si Lee Dong Wook na gumanap na Grim Reaper sa Goblin! Noong panahon namin, sobrang sumikat iyong Korean series na iyon dahil sa ganda ng kwento. "Oo nga 'no? Siya talaga 'yung iniisip ko kanina pa, eh." Teka, siya nga ba? "Willing akong ibigay sa kanya ang kaluluwa ko basta siya ang grim reaper." Bungisngis ni Sassie na medyo napalakas. Iyong ang dahilan kung bakit napatingin sa amin itong lalaki. Nagulat kami. Automatic na sumeryoso ang mukha namin bago pa niya makita ang parang kinikilig naming mukha noong nakatalikod pa siya. Malandi kami, oo. Pero discreetly lang, uy! Pigil na pigil ang tawa ko habang nakatingin sa mga botton ng elevator. Nang mapatingin ako sa reflection niya sa salamin na nasa gilid namin, naisip kong hindi lang si Lee Dong Wook ang kamukha niya. May iba pa siyang kamukha na personal kong kilala pero hindi ko lang talaga maalala kung sino. Biglang napadako ang tingin ko sa mapulang labi niya na nakapagpalunok naman sa akin. Pamilyar talaga ang mukha niya lalo na itong itsura at kulay ng labi niya, eh. Sino nga kaya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD