Episode 4

1251 Words
Five Years Before the Wedding Hindi nagtagal ay nakarating na rin kami sa ground floor at lumakad na rin papalabas ng building. 'Yung lalaki naman ay nagtungo papunta sa front desk kung saan ngayo'y parang kinikilig ang front desk officer habang kausap siya. Napailing na lang ako habang natatawa. Mabilis na kaming nagtungo doon sa coffee shop na ilang lakad lang ang layo mula sa building namin. Ilang minuto lang ang ilalaan namin dito dahil isang tumpok pa ng mga papel ang kailangan naming matapos ngayong araw. Matapos naming maka-order ay naupo na kami sa bakanteng upuan na nasa gilid nitong glass wall ng coffee shop. Dito kami laging pumupunta kapag hindi na namin kaya ang hirap sa trabaho. Maganda kasi dito. Hindi mo aakalain na coffee shop ito dahil sa dami ng mga libro na libre mong mababasa kapag dito ka tumigil para mag-kape. Kung bata-bata nga ako, siguro ay araw-araw akong nandito para isa-isahing tapusin ang mga libro dito. Matapos ang ilang minuto ay lumapit na sa amin ang waitress na may kulay dilaw na uniporme. Sobrang cute noon. Kung ako lang talaga, pwede kong idagdag iyon sa mga damit kong pang-gala. Inilapag ng waitress ang cappuccino sa harap namin. Agad din naman kaming nagpasalamat sa kanya bago siya bumalik uli sa counter. "Sana, magkaroon talaga ng himala. I really doubt na matatapos natin ang gawain natin ngayong araw. " Humugot muna ako nang malalim na hininga bago humigop sa kape ko, "Hindi talaga kaya, eh." "Agree. Kapag talaga nagkaroon ng himala ngayong araw, willing akong i-revive ang role ni Nora Aunor sa most iconic niyang movie." "Gaga," tumatawa ako habang inilalapag ang kape sa lamesa. "Pero ganito," tumingin sa akin si Sassie. Her eyes is twinkling. "What if . . . what if may biglang dumating na good news? Tapos, that good news will be brought by a dashing, manly, and stupid hot guy?" I poker face. Heto na naman siya sa kakaganiyan niya. That was the reason why I made a mental note of burning all of the romance movies on her house kapag binisita ko siya. "Tapos 'yung tao na 'yon pala ang magiging first jowa mo, ayie!" Sinundot sundot pa niya ako tagiliran ko. Napatalon tuloy ako sa kinauupuan ko. Then her tone started to began neutral. Bipolar talaga ang isang 'to. "Wala lang, just a random thought." Inirapan ko siya nang pabiro. "Pera before jowa because jowa will come after pera." "Ayan ka na naman!" Bulyaw niya sa akin. Pinanlakihan ko siya ng mga mata. Gagang 'to, maraming nakakarinig! Hininaan niya ang kanyang boses. "Matanda ka na, kailangan mo na talagang magka-boyfriend. Gusto mo bang tumanda nang dalaga?" Dagdag niya habang natatawa pa rin. "Ayokong tumandang dalaga, siyempre." I pout. "Pero ayoko namang madaliin ang love. Dadating naman 'yan sa tamang panahon, eh. Kailangan ko lang talagang maghintay." "Paano kung naghihintayan lang pala kayo?" "Eh paano kung pag-untugin ko ang ulo niyong dalawa ni Stephanie? Mas excited pa kayo sa akin magkafirst boyfriend, eh." Natatawa ko namang biro sa kanya. "Narinig ko na naman ang pangalan ni Stephanie." Umirap siya. "Wala na, ayoko na. Sira na ang araw ko." Naiiling na lang ako habang natatawa. Sinubukan ko kasi silang iintroduce sa isa't isa. Para tatlo na kaming magsasama lagi kapag dayoff. Pero magkaiba talaga ang ugali nila kaya hindi sila ganoong nagkasundo. Kasi, ang dapat sanang pagkakaibigan sa pagitan nila ang mabuo, isang debate na nagtapos sa pagtatarayan ang kinahinatnan ng una nilang pagkikita. Matapos talaga noon, hindi ko na tinangka pang paglapitin silang dalawa. The last thing that I want is to attend their funeral. "Siguro mean girl si Stephanie noong Junior High School pa lang kayo, ano?" "Naku, Sassie. Mahabang kwento, 'wag mo nang itanong." Natatawa ko namang sagot sa kanya kasi baka mapagalitan ako ni Author dahil mai-spoil ko ang mga hindi pa nakakabasa ng "Who Killed Agatha?" "I knew it. Itsura pa lang kasi niya, halatang spoiled brat siya na walang alam kundi ang magpaka-selfish. Hindi naman sa judgemental ako pero parang ganoon na nga." "Baliw, mabait naman 'yon. Siguro kailangan niyo lang talaga ng tamang oras para magkasundo." "Kapag dumating ang oras na 'yon, puti na siguro ang uwak." Umirap pa siyang muli. Tumawa na lang ako nang malakas dahil may punto nga naman siya. Kilala ko si Stephanie, kapag ayaw niya sa isang tao, ayaw niya talaga hanggang dulo. Pero wala namang imposible, baka nga dumating ang oras na mas maging close pa sila, eh. Makalipas ang kalahating oras ay nagpasya na rin kaming harapin uli ang realidad namin. Kailangan na talaga naming tapusin ang mahigit ilang daang papel na naghihintay sa amin sa office. *** Nang makapasok na kami sa office ay nakakapagtakang parang naglaho ang mga officemates namin na parang bula. May dumaan bang alien at kinuha silang lahat? Ito na ba ang sagot ni Lord sa himalang hinihiling ni Sassie kanina?! Ngunit halos mapasigaw ako sa gulat nang may mag-salita mula sa gilid namin. "Cath and Sassie, andiyan na pala kayo. Kayo na lang ang hinihintay namin para makapagsimula na si boss sa announcement niya. Bilisan nyo na't pumunta na kayo sa conference room." Sambit ng HR officer na ngayo'y aligaga sa pagprint ng mga papers na siguro'y naglalaman ng pag-uusapan namin ngayong araw. Ang mga sinabi niya ang dahilan kung bakit nakangiti kaming nagkatinginan ni Sassie. Pareho kami ng naiisip. Ma-e-extend ang deadline ng paperworks namin! Jusko, humanda ka na Ms. Nora Aunor! Totoo ang himala! Papalitan ka na ni Sassie! Noong nakapasok na kami sa loob ng conference room ay ganoon na lang ang gulat namin. Parang tigreng pinangaralan kami ni boss. Nag-sorry na lang kami dahil mali nga naman talaga ang ginawa namin. Hindi pa naman break time, pero nag-break na kami. Nakayuko kaming dalawa ni Sassie habang umuupo sa upuan kung saan nakaharap sa amin si boss na masama pa rin ang tingin sa amin. Hindi ko na lang siya pinansin dahil masaya ako ngayon at maaaring makauwi ako ngayon nang maaga. Wala pang-ilang saglit ay nagsimula na rin si boss magsalita. Sa tono niya ay para bang napakahalaga nitong iaanunsyo niya. Mahalaga pa sa peluka niyang lumakas lang ang hangin ng aircon ay talagang lalaglag mula sa nakakalbong ulo niya. "Kararating lang ng balitang 'to at maski ako ay nagulat dito. Pero 'wag kayong mag-alala dahil wala namang magbabago sa posisyon niyo sa Company." Tahimik kaming nakatingin kay boss na seryosong nakatingin sa amin. Medyo naiinis pa nga ako dahil ang dami niyang paligoy-ligoy. "Hindi na pagmamay-ari ni Mr. Crimson Sy ang Sy Land Corporation at mula ngayon, mapapalitan na ang pangalan ng Company natin ng . . ." Habang nagpapatuloy sa pagpapaliwanag si boss ay may inabot na papel ang HR Officer sa amin. Hindi ko na na namalayang dumating siya dahil focused na focused ako sa mahalagang sasabihin ng boss namin. Agad ko namang binasa ang nakalagay doon sa papel. Ganoon na lang ang gulat ko noong makita ang nakasulat doon. Nanlaki ang mga mata ko! Inilapit ko pa ang papel sa aking mga mata. Baka kasi nagkakamali lang ako ng basa! Letche, walang nagbago! Seryoso ba 'to?! Ilang segundo pa akong napatulala doon sa papel habang pilit na pinoproseso sa utak ko ang mga nabasa ko. Totoo ba 'to?! Boss naman! Sabihin mong joke lang ito, please! "Cua Land Corporation na pamumunuan ni Mr. Lucas Cua, ang bagong CEO ng kumpanya natin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD