Six Days Before the Wedding Excited na excited akong pumasok ng bahay ni Stephanie. Hindi mawala-wala sa labi ko ang tamis ng ngiti ko. Katulad kasi ng ipinangako niya, ngayong araw na niya ipapakita ang final look ng wedding dress na ginawa niya para sa akin. Sa totoo lang, I can never put into words how excited I am today! "Luh, excited siya oh." Tawang tawang pagbati sa akin ni Sassie. Ngayon ay naiiling siya habang nakatabi kay Stephanie sa couch. Habang pinagmamasdan ko sila ay hindi ko maiwasang maalala ang mga araw na akala ko ay hindi na sila magkakasundo. Hindi ko talaga inakalang dadating din 'yung araw na mas magiging close pa silang dalawa. Nakakatawang isipin na sobrang ayaw nila sa isa't isa noon pero ngayon ay para silang kambal na talagang pareho pa ang napiling isuo

