Chapter 10

1470 Words
Nagtatakang bumalik ng seventh floor si Sandra kung saan ang opisina nila ng boss niyang si Mr. Almeda. Naibigay na niya rito ang nakuhang niyang documents kay Jasper ngunit hindi pa rin maalis sa isip niya ang cold treatment na ipinakita sa kanya ng lalaki. " Anong nangyare don? bakit parang galit siya sa'kin? di ba dapat nga humingi siya ng sorry sa akin ng makaharap niya ko. Lokong yon ah! ang lakas ng tama sa utak, nakalimutan na ata niyang may kasalanan pa siya sakin dahil hinalikan niya ko. " pa angil niyang sabi sa sarili dahil sa naiinis siya sa kaibigan ng boss. Tumunog ang intercom niya kaya na agaw ang kanyang atensyon. ( Yes boss, may iuutos ka? ) ( Pumasok ka rito Ms. Pereira ) Pinatay niya ang intercom at pumasok ng opisina ng boss niya na seryoso naman sa harap ng computer nito. " Sir, bakit mo ko pinapasok, may ipapagawa ka po ba? " formal niyang tanong kay Marvin " Two days akong hindi makakapasok. Ikaw na muna ang bahala rito sa opisina. Sa monday na ang balik ko mula sa bakasyon. In case na may mangyare o important matters just call me okay. Ms. Pereira. " habilin sa kanya ng kanyang boss. " Copy boss " sagot niya " Eh boss, mag out of the country ka po ba o out of town lang? " dugtong pa niyang ani sa boss. " Out of town sa Batangas lang " ang sabi naman nito sa kanya. " Sandra, tulad ng dati ha! call me kapag may emergency at kapag tumawag si Jen wag na wag mong sasabihin kung nasaan ako. Is that clear? " wika pa ni Marvin kay Sandra. " Clear and noted na yan boss Marvin, dapat may increase na ang sweldo ko sa dalas mong mag absent sir dito sa opisina eh! ginawa mo pa kong tagasalo ng reklamo ng jowa jowaan mo sayo. " biro niya sa boss niya na inilingan naman siya ng ulo dahil kilala naman na siya ng boss niyang mapagbirong prangka. " That's all boss? " tanong niya ng hindi na nagsalita ito. " You may go now Ms. Pereira " saad naman nitong itinutok ng muli ang paningin sa computer nito sa ibabaw ng lamesa. " Hindi talaga pinansin ang huling sinabi ko.tsk. " bulong niya sa sarili habang naglalakad palabas ng opisina ng boss niya. Lunch time ng puntahan siya ni Valerie sa table niya. Dahil sa busy siya ay hindi na niya namalayaan ang oras. " Sandra, hindi ka ba bababa para mag lunch? kanina pa kita tinatawagan hindi mo pinapansin ang cellphone mo ang dami na naming missed call sayo. Pinuntahan na kita rito at baka kung ano na nangyare sayo. " ang sabi ni Valerie ng makalapit na sa lamesa niya kinuha naman niya ang cellphone niya at marami ngang tawag at text. Nawalan kase siya ng gana mula ng makaharap niya si Jasper hindi mawala ang inis niya sa lalaki kaya inabala niya ang sarili sa pag tatrabaho. " Bakit ang tahimik mo na naman Ms. Secretary? may problema ka? " pansin sa kanya ni Valerie ngunit hindi siya sumagot kinuha niya ang bag niya at tumayo. " Tara, mag lunch na lang tayo gutom na ko. " pag aaya na niya nauna na siyang naglakad kaya sinundan na lang siya ni Valerie. ngunit napigilan naman siya nito makapasok ng elevator at kinausap pa siya ng masinsinan. " Wala ka na naman sa mood Sandra may nangyare siguro noh! hindi ka naman ganyan kaninang umaga pagpasok mo. Tell me, what happen Sandra? " seryosong saad ni Valerie " Si sir Jasper kase kanina hindi ko siya maintindihan Val. madalas sinusungitan niya ko pero minsan naman pakiramdam ko gusto niya ko hindi ko alam siguro asyumera lang ako dahil hinalikan niya ko nung nasa resort tayo pero kanina ang cold ng treatment niya sa akin. " pagsusumbong niya sa kaibigan. Natawa naman ng bahagya si Valerie sa sinabi niya kaya sinamangutan niya ito. at nag diretso na ng lakad sa harap ng elevator. " Bakit naman affected ka diyan? totoo, hinalikan ka ni Sir Jasper? hahahaha... " natatawang saad naman ni Valerie " Iniisip mo ba na gumagawa ako ng kwento? umayos kang babae ka, hindi ako ganon noh! kaya nga iniiwasan ko siya nung nakaraan dahil nahihiya ako sa kanya, hindi ko kase alam kung papaano ko pa siya pakikiharapan uli pagkatapos nya kong halikan imbes na mag sorry siya sa ginawa niya aba susungitan lang pala ako. Sino hindi maapektuhan, sige nga kung ikaw ang nasa sitwasyon ko hindi ka kaya mainis din? " pag ra rant niya pa sa kaibigan dahil napipikon na siya dahil pinagtatawanan siya nito. " Oo na sige na. Sorry, wag ka nang magalit hindi na ko tatawa promise. " ang sabi ng kaibigan ngunit matipid naman ang pagkakangiti kay inirapan niya pa si Valerie Nang nasa isang chinese noodles restaurant na sila kung saan siya hinila ni Valerie dahil nandoon na raw sina Megan at Chad na naghinihintay sa kanila ay napansin naman niya agad si Jasper at Rodjun pagkapasok pa lamang nila ni Valerie. Nasa tapat lang ng lamesang inuupuan nila Megan ang lamesa ng mga ito kaya aatras na sana siya ngunit hindi naman pumayag si Valerie na umalis pa siya at hila hila siya nitong lumapit sa dalawang kaibigan. " Bakit naman ang tagal nyo? kanina pa kami rito nag order na kami ng para sa inyo ha. Maupo na kayo ni Sandra, Valerie dito. " wika ni Megan ng nakalapit na sila at pasimpleng nag ngitian sina Megan at Valerie ng hindi napansin ni Sandra. " Hi! sir Jasper, sir Rodjun. Dito rin po pala kayo nag lunch! sana kasama niyo si sir Marvin at boss Arnel para kompleto kayo. " bati ni Valerie sa kanilang mga boss na binati rin naman ito. " May mga lunch meeting sila sige next time ayain ko sila dito. Hi Sandra, kumusta? " baling na tanong naman sa kanya ni Rodjun " I'm fine sir. " sagot niyang nakangiti kay Rodjun na umiiwas na mapatingin sa kasama nito dahil inis pa rin siya sa lalaki. Dumating na ang inorder na noodles ni Megan para sa kanila. Nagsisimula na silang kumain ng magsalita si Chad. " Sandra, nabalitaan mo na ba na nag resign na kanina si Roel? " agaw atensiyong tanong ni Chad sa kanya. Alam kase ni Chad na dinidiskartehan siya ni Roel. " Ah Oo, nagkausap kami kagabi at nag chat siya sa akin kanina. " nakangiti niyang sabi sa boyfriend ni Megan " So alam mo nang mag aabroad si Roel dahil may offer sa kanya ang isang company sa Canada ata naka base? " muling tanong ni Chad " Sinabi niya, good opportunity yon para kay Roel and im happy for him. " dinig ni Jasper na sagot ni Sandra sa mga tanong ni Chad kaya napatayo ito. " Oh bakit ka tumayo? " tanong ni Rodjun sa kaibigan na napansin naman nila Sandra. " Mag c cr lang ako " ang sabi ni Jasper na parang galit naman. " Kaya ayokong magkaroon ng Special someone sa puso ko, masasaktan lang ako. Nakakagawa pa ng mga bagay na hindi naman dapat. aishh.. " sambit ni Rodjun na iiling iling pa na rinig naman nila Sandra ang sinabi nito kaya napakunot noo ang dalaga at napapangiti naman sina Megan at Valerie. Nagtungo ng banyo si Jasper hindi dahil sa naiihi siya. Tumayo siya dahil naririnig niya ang usapan nila Sandra na ikinainis at selos niya dahil si Roel ang pinag uusapan ng mga ito idagdag pa ang nalaman niyang nagkakausap at nag cha chat pa ang dalawa. Siya ang gumawa ng paraan para umalis na ng kompanya si Roel. Ninong niya ang may ari ng kompanyang pagtatrabahuhan ni Roel sa Canada siya ang nag recommend upang padalhan ng job offer abroad si Roel na alam niyang hindi mahihindian ng lalaki. Gusto niyang mawala sa landas ni Sandra ang mga lalaking napapalapit at nagkaka interest sa dalaga. Kanina nang magpunta si Sandra sa Opisina niya upang kuhanin ang documents na hinihingi ni Marvin ay hindi niya alam kung paano kakausapin ang dalaga. Nais niyang mag sorry sana dahil sa paghalik niya rito pero hindi iyon lumabas sa bibig niya bagkus ay naging rude pa siya sa pakikipag usap, siguro dahil masama ang loob niya kay Sandra dahil sa pag iwas iwas nito sa kanya. Susundan niya sana si Sandra ng makalabas ito ng opisina niya ngunit naduwag na naman siyang harapin ang dalaga. “ Nahihibang na ko. s**t s**t s**t damn it. " ang sabi niya sabay suntok ng tatlong beses sa pader ng banyo dahil hindi na niya kayang pigilan ang selos na nararamdaman niya ng dahil kay Sandra.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD