Chapter 9

1256 Words
Naglakad ng mabilis si Sandra pabalik ng kwarto nila. Hindi na siya bumalik kina Megan dahil naisip niyang baka sundan at balikan pa siya ni Jasper. " bakit niya ko hinalikan? nakakahiya pumayag akong hagkan niya!. self naman bakit ka bumigay alam kong crush mo siya pero bakit ang rupok mo!? " kausap niya sa kanyang sarili. " naku self mag ingat ka alam mong babaero si sir Jasper tulad ng boss mo dapat guwardiyahan mo ang sarili mo self. " mahinang bulong niya sa kanyang sarili at napatampal pa siya sa kanyang noo. Pagpasok niya ng kwarto ay hindi na siya lumabas pa nagkulong na lamang siya sa kwarto sinubukan niyang matulog pero hindi siya nagtagumpay dahil palaging bumabalik sa alaala niya ang nangyare sa kanila kanina ni Jasper. Samantalang si Jasper naman ay nag aalala na kay Sandra hinanap niya ang dalaga ngunit hindi niya ito makita kaya naman nilapitan na niya sina Megan at Valerie. " hi! kasama nyo ba si Sandra hindi ko kase siya napapansin.kanina ko pa rin siya hinahanap. " pagtatanong ni Jasper sa kaibigan ni Sandra. " Sir Jasper, hindi po ba kayo ang kasama ni Sandra kanina. Hinila niyo pa nga ang kaibigan ko kanina nung naglalaro kami ng volleyball. Hindi pa rin po namin siya nakikita magmula kanina. " sagot naman ni Megan " Hindi kaya bumalik ng kwarto ang babaeng yon.? " ani naman ni Valerie sa kanila " Okay, lang ba kung pakitignan naman pero wag nyo na lang sanang sabihin pa sa kanya. Sige salamat. " saad pa ni Jasper sa dalawa " Okay sir, copy " malokong sagot ni Valerie " Pero sir Jasper, nanliligaw po ba kayo kay Sandra? huwag nyo po sanang masamain kase halata namang type nyo ang kaibigan namin eh!. Sir, baka naman paglalaruan niyo lang ang kaibigan namin wag nyo na lang po sana ituloy kung masasaktan lang din si Sandra. " prangkang pagsasaad ng saloobin ni Megan " Tama ka, i like her at seryoso ako sa kaibigan niyo. Pero hindi pa niya alam ang nararamdaman ko para sa kanya. Naghihintay lang din ako ng tamang panahon at pagkakataon aamin rin ako sana lang wag nyo ako pangunahan at wag kayong mag alala alam kong kaibigan kayo ni Sandra kaya natural lang na maging concern kayo sa kanya." ang sabi naman ni Jasper na nagpapasimpatya. " Naiintindihan ka namin sir, dont worry hindi kami magsasalita. Wala rin kaming sasabihin kay Sandra. Sana lang sir wag mong patagalin dahil baka maunahan ka pa ng iba, hindi lang naman ikaw ang nagpaparamdam sa kaibigan namin. " sabat naman ni Valerie kina Megan at Jasper. Tumingin si Jasper ng seryoso sa dalawang magkaibigan at tumango. " Sige sir, kaming bahala kay Sandra hindi namin siya paliligawan sa iba hanggang sa umamin ka na. tss.. tss.. hindi ako makapaniwala na may pagka torpe ka rin pala sir Jasper hehehehe.. " wika pa ni Megan na naiiling sa pagka realize niya sa inaakto ni Jasper sa kaibigan niya. Hindi nila akalain na ang isang Jasper Curtis na kilala nilang may pagka playboy ay takot din palang umamin ng nararamdaman sa babaeng nagugustuhan nito. Napa cross arm na lang si Jasper at sumandal sa pader sabay iling ng kanyang ulo. Iniwan na siya ng dalawa at tinungo na ang kwarto nila Sandra. Naghintay na lamang siya kung saan siya iniwan nung dalawa.Nadaanan siya nila Rodjun at Marvin kaya inaya siya ng mga itong mag swimming na lamang sa beach at dahil gustong i try ng mga kaibigan ang mag banana boat at bumper boat ride na water sports activities sa resort. Uwian na ng makitang muli ni Jasper si Sandra na nasa loob na ng bus. Kahit inaasahan na niya na makikita niya ang dalaga sa pag uwi nila ay hindi pa rin niya mapigilan ang sarili na maexcite na masilayan ang mukha nito. Theres a huge na gusto niyang lapitan ito pero ang isipin na umiiwas ito sa kanya ang nagpapatigil sa kanyang lumapit sa babaeng nagugustuhan. Napa buntong hininga na lamang siya pagka upo niya sa kanyang pwesto hindi na sumabay sa kanila sina Celine at Ericka dahil nagpasundo ang dalawa sa driver nila Celine ng hapon din na yon. At dahil ramdam niya ang pag iwas ni Sandra sa kanya ay hinayaan na muna niya ang dalaga. Lumipas ang isang linggo na hindi siya iniimik nito ramdam niya ang paglayo ng loob sa kanya ng dalaga ng minsang makakasalubong niya sana ito pero bigla itong umatras at bumalik sa pinang galingan sa tuwing ipaparamdam sa kanya ni Sandra ang pag iwas ay mas nararamdaman niya ang kawalang pag asa na magugustuhan siya ng babaeng mahal na ata niya dahil mula ng mahagkan niya ang labi nito ay palagi na lamang niyang naiisip ang dalaga hindi na nawala sa kanyang alaala ang tagpong iyon. Sa nakalipas na araw naman ay hindi pa rin malimot ni Sandra ang halik na namagitan sa kanila ni Jasper, ilang gabi na rin siyang hindi nakakatulog ng ayos dahilan ng pagkakapuyat niya. Alam niya sa sarili na gusto niya si Jasper ngunit natatakot naman siyang tuluyang mahulog sa binata. Na kay Jasper na lahat ng hinahanap ng isang babaeng katulad niya pero alam din niya na mapaglaro rin sa babae ang binata na katulad ng boss niya at ng kaibigan nitong si Rodjun. Nararamdaman niya na may something sa kanya si Jasper. Hindi naman siya ganoon kamanhid pero ayaw naman niyang mag assume kaya most of the times ay binabalewala niya na lamang ito at naisip niya na kung papaano kung mali pala siya ng iniisip o ng hinala e di nakakahiya siya. Kaya nga siya hindi makaharap sa binata, kaya siya umiiwas rito ay dahil hiyang hiya siya sa pagpapahalik niya kay Jasper. Sa opisina ni Marvin ay abala si Sandra dahil tinambakan na naman siya ng boss niya ng trabaho, maraming ipinapa print sa kanyang mga paper works at inutusan pa siya nitong pumunta sa opisina ni Jasper para kunin ang mga ipana revise raw nito sa kaibigan. Gusto man niyang mag protesta ay hindi naman maari dahil baka mawalan pa siya ng trabaho. " Hi Gina, andiyan ba si Sir Jasper? " tanong niya sa secretary ng binata. Pero lihim siyang nananalangin na sana ay wala. " Oo Sandra nasa loob, pumasok ka na lang sa loob naitawag na ni Sir Marvin ang kailangan mo. Alam na rin ni boss ang pinapakuha sayo ang sabi ay papasukin na lang daw kita kapag nakarating ka na. " saad naman ni Gina sa kanya at naglakad ito hanggang sa labas ng pinto ng pinaka opisina ni Jasper bigla siyang kinabahan hindi niya alam kung papasok ba siya o hindi kaya napa pikit pa siya. " Come in Ms. Pereira " dinig niyang tawag sa kanya ni Jasper na seryosong seryoso na hindi mababakasan ng kahit na anong emosyon sa mukha ang binata na ikinapagtataka niya dahil parang hindi ang Jasper na kilala niya ang kaharap niya ngayon. " S-Sir, ku- kukunin ko lang po ang ipinapakuha ni boss Marvin sa inyo. `" ang sabi niyang nauutal pa dahil sa nararamdamang kaba. " Here, take this at makakalabas ka na Ms. Pereira. " ani naman ni Jasper na ikinatuod ni Sandra sa harapan mismo ng kaibigan ng boss niya dahil hindi siya makapaniwala na ganoon siya tatratuhin ni Jaspsr ngayon. " Why are you still standing there Ms. Pereira? i said you can go now. " natigilan at napakunot ang noo ni Sandra sa kanyang narinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD