Natapos ang isang buong araw ng Team Building na masaya ang lahat sa nangyareng pagsasama sama nilang mga empleyado ng DCEC.
Gabi na ay hyper pa rin ang karamihan sa kanila ng mag aya si Romary na mag bonfire sila sa tabing dagat na pinagbigyan naman ni Arnel kaya pinatawag ang lahat ng mga kasama nila na hindi naman nakatanggi pa dahil ang CEO ang nag utos na mag tungo sila sa dalampasigan ng resort.
Sabay sabay na nagtungo sina Sandra, Megan at Valerie ng masalubong nila sina Roel at Chad na sinabayan na rin sila ng mga ito.
Malayo pa lamang ay kita na nila ang ibang mga kasamahan na nasa tabing dagat na at nakapalibot sa ginawang bonfire. Napansin agad sila ng mga kasamahan kaya inaya silang maupo na rin at inabotan ng inumin.
" Umiinom ka ba Sandra? " tanong ni Roel sa kanya ng iabot sa kanya ang beer in can.
" Oo naman, madalas kami mag inom ng mga kaibigan ko sa bahay kapag walang pasok kina bukasan. " saad naman niya rito ng maabot niya na ang lata ng beer ay binuksan ito at tinungga ng sa pag inom niya ay tumama ang paningin niya sa mata ni Jasper kaya naman nasamid siya. " Uuuh!! uuhhh!! sorry nasamid ako. Nabigla ata ako sa pag inom. " palusot niya sa mga kasama, ramdam niya ang pagbilis ng pagtibok ng kanyang puso. Hindi niya akalain na katapat niya si Jasper kaya pilit niyang iniiiwas ang mapatingin rito.
" Kompleto na ba ang lahat? " tanong ni Rodjun
" Yes Sir, " sagot naman ng lahat ng empleyadong nakasama nila.
" Maglalaro tayo para makilala pa natin ang bawat isa ay gagawin natin ang Two Facts One Lie alam nyo naman na siguro yon di ba? " ang sabi ni Rodjun
" Yes Sir, magandang idea yan. Game kami diyan sir. " saad ng sekretarya ni Rodjun na ikinasang ayon ng lahat
" Ako muna ang magbibigay ng dalawang facts at isang lie, hulaan niyo kung alin ang lie sasabihin ko. im an Engineer, mahilig ako sa mga sasakyan, hindi ako babaero. " ang wika ni Rodjun na ikinatawa ng lahat at iisa ang ibinigay na sagot na sabay sabay pang sinabi ng mga kababaehang natatawa pa ( " hindi ka babaero " ) . " Grabe kayo sa akin, yun talaga ang lie na sagot niyo hahaha.. Well, hindi pa kase ako tinamaan ng pana ni kupido dahil hindi ko pa nakikita ang babaeng magpapatino sa akin. " saad pang muli ni Rodjun na ikinabatok ni Marvin sa kanya dahil tumayo si Ericka na katabi ni Rodjun at sinundan ni Celine na katabi rin pala ni Jasper. Binalewala lang naman ng mga lalaki ang pag alis nung dalawa habang si Romary at Jen ay nakangiting naiiling sa kalokohan ni Rodjun. " Kayo naman. ikaw Jasper. " muling saad ni Rodjun. " 2 facts about me and 1 lie. Magaling ako mag drums, Naging mvp ako nung college and im in love with someone. " ani ni Jasper na ikinakilig ng iba dahil ng sabihin niyang in love ako ay nakatitig pa siya kay Sandra na hindi naman nito nakikita dahil umiiwas ng tingin si Sandra kay Jasper pero mas lamang ang tawa ng iba. " Sir, hula kong lie yung naging Mvp ka nung college hahaha.. alam namin nag da drums ka nung christmas party nag banda kayo nila sir Arnel noon. Yung in love ka parang kilala na namin kung kanino sir. Aaayyyiieehhh!!!! kinikilig kami sir... " wika naman ng isa sa mga accountant ng kumpanya at tumango naman si Jasper at itinaas ang hawak na beer in can sa sumagot. Kaya napatingin sa direksiyon ni Jasper si Sandra na nakatingin pa rin pala sa kanya kaya muling ibinaling sa iba ni sandra ang paningin. Bumilis ang t***k ng puso niya at pakiramdam niya nag init ang kanyang pisngi. Agad na sumunod naman nagbigay ng facts at Lie sina Marvin at Arnel hanggang sa si Sandra naman na magsasabi ng kanya. " 2 facts and 1 lie about me uuummm.... first job ko ang pagiging Secretary ni boss Marvin, sumali ako ng beauty contest sa probinsiya namin at never pa kong nagka boyfriend. " ang sabi niyang nakangiti sa mga kasamahan habang si Jasper ay nakatuon sa kanyang sinabi ng magsalita si Marvin. " Lie mo ang sumali ka sa beauty contest sa inyo hahaha... di ka bagay don Sandra. " pagbibirong sagot ni Marvin sa sekretarya niya na sinamaan ng tingin naman ni Sandra.
" Hindi ako papasok sa lunes boss bahala ka sumagot sa mga caller sa opisina mo. " pang aasar naman niya sa boss niya kaya nagtawanan naman ang lahat.
" Bakit Sandra, mali ba hula ni boss Marvin? kase naalala ko nung job interview sayo first job mo kung matatanggap ka ang sabi mo sa akin non. Meaning, never ka pang nagka boyfriend ang sagot? hindi nga! parang di naman kapani paniwalang hindi ka pa nagka boyfriend noon sa ganda mong yan marami pang nagpapahiwatig sayo o nanliligaw? Ang sabi naman ng head ng HR Department nila na nginitian naman ni Sandra. " Yes maam, hindi pa nga ako nagkaka boyfriend promise cross my heart totoo yon. " sagot niyang napapabungisngis pa habang ang tatlo ay sinilip si Jasper dahil gusto nilang makita ang reaction nito na pasimpleng ngiti lang ngunit nakatitig naman kay Sandra kaya binato ni Arnel si Jasper ng lata ng beer ng walang laman kaya pinakitaan ni Jasper ng middle finger si Arnel na hindi naman napapansin ng iba dahil naka focus ang tingin nila kay Sandra. Nagpatuloy ang ginagawa nila hanggang sa lahat sila ay nakapagbigay ng kaalaman sa mga katrabaho. Nalasing na ang iba kaya nagsibalikan na sa kanilang mga kwarto.
Pero si Sandra ay hindi pa inaantok kaya naglakad lakad na muna siya habang kausap sa cellphone sina Brielle at Alexa dahil na miss niya ang dalawang kaibigan, kaya tinawagan niya ang mga ito alam niyang gising pa ng ganoong oras ang dalawa dahil alas diyes pa lang naman ng gabi at patulog pa lang. Usually mag i eleven na sila kung matulog na magkakaibigan sa bahay dahil nanunuod pa sila ng K drama. Hindi naman niya namamalayan na may pares ng mata na nakamasid lang sa kanya.
" Bakit di mo pa lapitin si Sandra.Jasper? " tanong ni Rodjun sa kanya. Nasa isang cottage sila ng madaanan ni Sandra ang pwesto nila ng hindi sila napansin nito dahil busy ito sa pakikipag usap sa cellphone habang nakatingin sa buhanging nilalakaran nito.
" Alam kong hindi pa siya handang makipag relasyon ayokong ma basted pare. Sinabi naman niya di ba na priority niya ang pamilya niya. Maghihintay na lang muna akong maging ready na siya. " sagot naman ni Jasper.
" Ang bagal mo pare, baka maunahan ka na nung taga Accounting department na lumiligaw na ata kay Sandra. " saad ni Rodjun na nagpa tiim bagang sa kanya ng maalala niya ang nakita niya kaninang umaga sa labas ng DcEC
" P're, matutulungan mo ba ko? pwede bang tanggalin sa DCEC ang lalaking yon? ayokong nilalapitan niya palagi si Sandra nagtitimpi lang ako dahil alam kong wala akong karapatan pa baka kung ano magawa ko kapag hindi ko mapigilan ang selos na nararamdaman ko. " seryoso niyang sambit sa kaibigan napatapik naman sa balikat niya si Rodjun. Magagawan ng paraan ni Arnel yan pre. " wika naman ni Rodjun na itinaas ang hawak na beer upang makipag cheers kay Jasper.
Kinabukasan ay kanya kanyang bonding ang magkakatrabaho dahil last day na nila sa resort ay naligo sila sa dagat. Maaga pa lang ng ayain na si Sandra nila Megan at Valerie na mag beach simple at komportable lang ang suot pang ligo ni sandra naka one piece swimsuit siya at naka short short ng maong na kita pa rin ang kuyukot, habang sina Megan at Valerie ay naka two piece naman pero nakasuot din naman ng maong short na katulad ng kay Sandra.
Nag aya naman din maligo sa dagat sina Jenylyn at Romary kasama sina Celine at Ericka kina Arnel at Marvin pero tumanggi si Jasper kaya naiwan siya sa cottage ng mahagip ng mata niya si Sandra na nakikipaglaro ng Volleyball sa mga kaibigan nito nanlaki ang mata niya at nanigas ang nasa pagitan ng mga hita niya dahil sa suot ni Sandra na kitang kita ang maputi at makinis nitong legs at napansin niya na maraming kalalakihan ang nanunuod ng laro nila Sandra kaya napamura siya sa naisip na pinagpapantasyahan na rin ng iba si Sandra.
" F*ck, damn it Sandra. sinusubukan mo ang pasensiya ko at pagtitimpi. " wika niya sa sarili
Naglakad siya papalapit kina Sandra at hinila ito papalayo sa mga kasama nito na nagtataka naman ang iba, ganoon din si Sandra.
" Sir Jasper, bakit niyo ko hinihila? Ano ba sir, teka lang, nasasaktan naman na ako bitiwan nyo na ko sir. Ano po bang problema bakit nyo ko hinila.? " sunod sunod na tanong ni Sandra na ikinabitaw na ni Jasper ng makarating sila sa cottage at inabutan si Sandra ng tuwalya na ikinaawang ng bibig nito.
" Ano to sir? " maang na tanong ni Sandra
" Hindi mo ba nakikita na tuwalya yan? " ang sabi naman ni Jasper na nagpainit ng ulo ni Sandra
" Alam kong tuwalya to sir Jasper. Pero anong gagawin ko rito? bakit mo ko binibigyan ng towel? " inis na sabi ni Sandra
" Gamitin mo, itapis mo. nadi distract ako sa suot mo Sandra. " saad ni Jasper na ikina kunot noo ni Sandra dahil sa sinabi ni Jasper sa kanya.
" Nadi distract ka sa suot ko sir!? pero sa kasama mo hindi? tignan mo nga yung babaeng kasama mo halos u***g na lang ang tinakpan, naka labas pa ang puwet. Sa kanya hindi ka nadi distract? ay iba ka sir Jasper!. Atsaka pakialam mo ba sa suot ko nasa beach tayo sir paalala ko lang wala tayo sa opisina ha. " inis pa ring sabi ni Sandra dahil nag init na ang ulo niya ng dahil kay Jasper.
" Kakaloka ka sir, matulog ka muna kaya baka kulang ka lang sa tulog pinuyat ka pa ata ng kasama mo kagabi. " litanya ni Sandra na hindi naka alpas sa pandinig ni Jasper.
" Nagseselos ka ba? " seryosong tanong ni Jasper
" A..ako sir nagse..selos? bakit naman ako magseselos hindi naman tayo magkarelasyon hindi naman kita boyfriend at hindi mo ko girlfriend sir Jasper, kaya bakit naman ako magseselos?. " pag dedepensa naman ni Sandra sa sarili at natahimik si Jasper
" Ayoko niyan, ipagamit mo na lang yan sa mas nangangailangang ibalot ang katawan. " wika ni Sandra ng ibato niya sa tabi ni Jasper ang tuwalyang ibinibigay nito sa kanya kanina at akmang aalis ng pigilan siya ni Jasper at isandal siya sa posteng kawayan ng cottage.
" Dito ka lang Sandra hindi ka aalis rito kung hindi mo gagamitin ang tuwalya, wag kang makulit. " seryosong bigkas ni Jasper na nakatitig sa mukha niya. Nagtama ang mga mata nila kaya bumilis ang pintig ng puso ni Sandra napapikit siya ng maramdaman niyang ilalapat ni Jasper ang labi nito sa labi niya naramdaman niya na ang pagdampi nang labi ni Jasper ng may marinig siyang tumikhim.
" Ehemmm... Ehemmm.. andito ka pala Sandra. hinahanap mo ko? " pang iistorbong saad ni Marvin na nakaakbay pa kay Jen na may malokong ngiti sa labi. Na itulak naman ni Sandra ng bahagya si Jasper dahil sa pagkagulat at Masamang tingin ang ibinigay ni Jasper sa kaibigan. Nahihiyang yumuko naman si Sandra dahil sa nangyare.
" Ah eh boss si Sir Jasper kase hinila ako rito sa cottage nyo parang tanga lang yang kaibigan mo eh! binibigyan ako ng tuwalya maayos naman ang suot ko. Alis na ko boss bahala na kayo diyan. " ang sabi niya at mabilis na tumalilis kaya hindi na siya napigilan pa ni Jasper na sinundan na lamang ng tingin ang dalaga habang nakangiti dahil sa nadampian niya ng halik ang labi ni Sandra.