Tanghali na ng makarating silang lahat sa isang resort sa Zambales kung saan gaganapin ang Team building nila. Pinagpahinga na muna sila ng mga Coordinator at ng mga boss nila sa kani kanilang mga room upang iayos na rin ang mga gamit na dala dala nila. At exactly 12 oclock in the afternoon lunch time nila ay nag sama sama silang lahat sa isang bulwagan kung saan naka catering ang food nilang lahat.
"Sandra, kanina ka pa namin hinahanap narito ka lang pala. sabay sabay na tayong kumuha ng pagkain, tara pila na tayo don at baka maubusan pa tayo ng dessert mamaya." pagtawag sa kanya ni Valerie na kasama si Megan ng makita siyang papasok na ng bulwagan ay nilapitan siya agad ng kaibigan.
"Hinahanap ko nga rin kayo eh! sige tara na sa pila. May nakuha na ba kayong mauupuan natin?" tanong niya sa dalawa.
" Oo nakahanap na si Chad ng pwesto. Ayun siya oh! ikukuha ko na lamang siya ng food niya. patulong na rin mamaya ha." wika naman ni Megan sa kanila ni Valerie at umo oo naman sila.
"Kumusta naman ang byahe nyo Sandra with the bosses? hindi ka ba na boringan?" pagtatanong ni Valerie na ikinangiwi niya dahil naalala lang naman niya ay ginawa niya kanina sa bus nung mag stop over sila.
"Wag mo ng ipaalala Valerie dahil maiinis lang ako ulit eh! pero tama ka boring nga silang kasama sa byahe. hehehe!!!" sagot niya naman na nagpa curious pa sa kaibigan kaya kinulit pa siya.
"Bakit?, ano bang nangyare?" muling tanong sa kanya pero di niya sinagot dahil alam niyang hahaba pa ang usapan kapag nagsalita pa siya.
"Ay dedma lang!. wala ka na naman ba sa mood babae ka?" natatawang sabi ni Megan na ikinailing ni Sandra.
"Ayaw mong magkwento e di wag. tinotopak ka na naman siguro Sandra uminom ka ba ng gamot mo kanina? malayo pa naman ata ang mental hospital dito. hahaha..!!" birong pang aasar ni Valerie sa kanya na sarkastiko niyang tinawanan.
"Hehehe!!..what ever. Hindi nakakatawa." ang sabi niya at inirapan si Valerie.
"Wala sa mood si Ms. Cute Secretary natin ah bakit kaya?" kunwareng seryosong sabi ni Megan.
"Manahimik na lang tayo girls. Sorry, tama kayo wala nga siguro ako sa mood." hingi niya ng paumanhin sa mga kaibigan na nagkibit balikat na lamang at tumahimik na.
Papalapit na sila sa table kung nasaan si Chad ng tawagin siya ni Roel at lapitan. "Sandra, wait lang." ang sabi nito pagkalapit sa kanya.
"Bakit Roel, ano yon?" tanong niya ng makalapit ito sa kanya na nginitian na muna siya bago siya sinagot.
"Pwede bang makiupo at sumabay sa inyong mag lunch?" ang sabi ni Roel na si Valerie ang sumagot. " Oo naman yun lang pala eh sasabay lang pala makipag lunch sure no problem. Sige Roel tabihan mo si Sandra sa upuan. " saad naman ni Valerie kaya hinarap ito ni Sandra at minatahan dahil alam na niya ang ginagawa ni Valerie inirereto siya nito kay Roel, pero nginitian lang siya ni Valerie sa pang mamata niya.
"Thanks!" ang tanging sagot nito at inilapag sa lamesa ang hawak nitong plato na may laman na ring pagkain at inayos ang uupuan ni Sandra sa katabing upuan din ni Roel nginitian ito ni Sandra bago siya naupo. nagkukwentuhan at nagkakatawanan na silang magkakaibigan ng may lumapit na service crew kay Sandra at binulungan siya nito.
"Maam, ipinapatawag po kayo ng boss niyo. Doon po raw kayo pumwesto sa lamesa nila." saad nito at itinuro ang pwesto nila Marvin kasama sina Rodjun, Arnel at Jasper na nakatingin din sa pwesto nila. tumango siya sa crew at iniwan na siya nito.
"Ano raw yon? bakit ka nilapitan Sandra?" tanong ni Megan pagkaalis nung waiter na kumausap kay sandra.
"Guys, lilipat ako ng lamesa pinapatawag ako ni boss gusto niyang doon ako sa lamesa nila pumwesto. Sige, enjoy your lunch lilipat na ko at baka mainip si boss baka gusto pang magpasubo ata sa akin at ayaw sa katabi niyang babae hahaha... joke lang!" pagbibiro niya pa sa mga kaibigan at binuhat na ang plato niya at lumapit sa lamesa ng boss niyang si Marvin.
"Boss pinapatawag mo raw ako? may ipapagawa po ba kayo sa'king importante? baka naman pwedeng mamaya na, lunch time pa oh!" ang sabi niya ng makalapit kay Marvin na napaawang ang bibig na lihim naman ikinasipa ni Jasper sa paa ni Marvin sa ilalim ng lamesa na nakuha naman ang ibig niyang sabihin.
"Ah yes! Sandra, maupo ka na lang sa tabi ni Jasper at baka may kailanganin ako mas mabuti na yung malapit ka lang di ba." saad ni Marvin habang nakatingin sa kaibigang si Jasper na seryoso naman ang mukha samantalang sina Arnel at Rodjun ay nagkatinginan naman at napapangiti sa nakikita nilang nangyayare sa dalawang kaibigan.
"Dito ka na Sandra maupo sa tabi ko." ang sabi ni Jasper na kumuha pa ng silya sa kabilang lamesa at itinabi sa upuan nito, kaya ng maupo siya ay hindi maiwasan na magkadikit ang kanilang mga braso.
Wala namang nagawa si Sandra na kahit na bumibilis ang pagtibok ng puso niya ay kailangan niyang sumunod sa utos ng boss niya.
Tahimik lang siyang kumakain dahil nahihiya siya sa mga boss na kasabay niyang kumakain na kasama pa ang mga partners nito kahit na kilala na niya si Ms. Jenylyn dela Torre na jowa jowaan ng boss niyang si Marvin Almeda at ang aktres na si Romary Nepunan na long time girlfriend ng CEO nilang si Arnel dela Cerna pero ang partner ng dalawang boss nila na si Rodjun Buenaflor at si Jasper Curtis ay hindi niya kilala at lihim siyang naiinis sa set up nila dahil katabi pa talaga niya ang lalaking kanina pa sinasaktan ang puso niya paano ba naman rinig na rinig pa niya ang kung paano pagsilbihan si Jasper ng babaeng katabi rin nito sa bandang kaliwa ng tagiliran ng binata kaya lalo siyang nagngitngit sa inis at itinuon ang sarili sa paghiwa hiwa ng karne ng baboy na nasa plato niya.
"Sandra, okay ka lang ba? durog na durog na yang porkchop sa plato mo oh!" wika ng kanyang boss ng mapansin ang ginagawa ni sandra sa pagkain nito dahil nakakalikha na ng ingay ang ginagawa niya.
"Yes boss, okay lang ako don't mind me hehehehe... gusto ko lang talaga na ganito ito kainin." palusot niyang sabi at itinungo ang ulo at sinimulan ng kainin ang dinurog niyang porkchop na tipid na ngiti pa ang ipinakita sa mga kasama sa lamesa.
"Weird!" narinig niyang sabi ng partner ni Rodjun dahil nasa tapat niya ito.
Uminom muna siya ng tubig at seryoso niyang tinitigan ang babaeng katapat niya at mahigpit niyang hinawakan ang knife at tinidor at ipinakita niyang hindi niya gusto ang sinabi nito dahil pinakatitigan niya ito ng masama kaya natakot ata sa kanya dahil nagpaalam itong magpupunta ng ladies room at inaya ang katabing babae ni Jasper na magkaibigan pa naman yata.
Lihim naman nagkakatinginan ang apat na lalaki ng dahil kay Sandra at malakas na napahalakhak sina Rodjun at Arnel samantalang nagtataka naman sina Marvin at Jasper sa pagtawa ng dalawa nilang kaibigan.