Biyernes ng gabi, naghahanda na si Sandra sa mga dadalhin nya para sa Team Building na gagawin nila bukas sa Zambales.
" Excited ah! panay ang smile mo ngayon, bakit kaya? " panunuksong wika ni Alexa kay Sandra ng pasukin niya ito sa kwarto upang ayain ng mag dinner.
" Excited naman talaga ako! ano ka ba? syempre natural na maeexcite ako first time ko kayang maka experience ng Corporate Team Building tapos kasama pa si Sir Jasper.. aayyiieehhh... Sana lang wala siyang kasamang date bukas si Boss Marvin kase kasama yung maarte niyang girlfriend kuno. " paglilitanya niya sa kaibigan.
" Alam kong excited ka bukas pero kailangan ba talaga na marami kang dalang gamit Sandra hello 2 days lang kayo don eh yang nasa maleta mo pang 1 week na ata!? "pamamansin ni Alexa sa mga iniimpake niyang damit
" Mas okay na yung marami kesa kulangin ako. Ako naman amg magbibitbit kaya okay lang yan. wag ka pakialamera miss pasaway. " sagot niya sa kaibigan na tinawanan lang siya
" Bahala ka nga! tara na kain na muna tayo baka sa sobrang excitement malipasan ka pa ng gutom. masarap pa naman ang niluto ni Brielle ngayon, paborito natin Chicken Curry. Dalian mo na diyan at nagugutom na ko. " saad pang muli ng kaibigan at lumabas na ng kwarto niya.
Umupo na muna siya sa kama niya at inilibot ang paningin sa loob ng kwarto napangiti siya ng maalala ang unang araw na tumira silang magkakaibigan sa iisang apartment. After kase ng graduation nila nag plano silang kumuha ng apartment para magkakasama lang din sila sa iisang bahay. Malayo kase sa manila ang Binangonan Rizal kung saan ang probinsiya nila. Sa Manila siya nag college nang kunin siya ng ate Samara niya at ng bayaw niya para pag aralin. Graduate siya ng 4 year course Bachelor of Science in Office Administration ( BSOA ) sa UP Diliman at doon sila nagkakilala magkakaibigan si Alexa Mijares at Si Brielle Altamirano. they will be in the same class from first year college until they graduate.
Alexa is from Camarines Sur na tulad niya ay simple lang din ang buhay and Brielle is from Laguna. At silang tatlo ay pare pareho nang nagtatrabaho bilang secretary sa iba't ibang kompanya.
" Ay, kaya naman pala! ang tagal sumunod sa kusina dahil mukang nagmumuni muni ka pa diyan bruha. Sandra halika na kumain na tayo. kanina ka pa namin hinihintay eh! " wika ni Brielle ng makita siya nitong nakaupo sa kama at nakatukod ang dalawang kamay niya sa likurang bahagi habang nakangiti.
" Sige na nga " ang sabi niya kaya hinila na siya ni Brielle palabas ng kwarto niya.
Paglabas nila ng kwarto nabungaran na nilang kumakain na si Alexa at hindi na sila nahintay pa.
" gutom na gutom lang lexa? " birong tanong ni Brielle ng makaupo na sila ni Sandra sa hapagkainan.
" Hindi ako nakapag meryenda kanina sa office. Yung walang awa kong boss tinambakan ako ng trabaho. " pag aangal nito sa kanila
" Ano bang bago sa amo mo. Eh palagi ka naman atang sinusungitan non! bakit di mo pa kase layasan? " sabat naman ni Sandra
" Hay!, parang ganon kadali makahanap ng trabaho noh! paalala ko lang sa inyo nakailang apply ako bago ko nakuha ang trabaho ko ngayon. Kaya kahit na nahihirapan ako kinakaya ko eh alam nyo naman yon. Pasalamat kayo ni Brielle madali lang natanggap sa trabaho nyo. " mahabang litanya pa nito at napapabuntong hininga pa dahil sa totoo naman ang sinabi sa kanila na matagal nakahanap ng trabaho si Alexa kaysa sa kanila ni Brielle.
" Sabagay, kaya mo yan Lexa fight lang tayo ng fight. " natatawang saad ni Sandra sa kaibigan
" Eh ikaw naman Brielle, kumusta sa work mo? " si Alexa naman ang nagtanong
" Nothings change. hindi pa rin ako pinapansin ng boss ko. bakla ata yon eh kahit anong pagpapansin ko balewala talaga sa kanya. " nakangiti nitong wika dahil may gusto si Brielle sa boss niyang CEO ng kumpanyang pinapasukan nito.
" Hindi ka raw kase maganda. hehehehe... " birong saad ni Sandra
" Maka hindi maganda ka naman diyan, ikaw nga rin hindi rin pinapansin ng crush mo. Nasungitan ka pa di ba, sabi mo nung nakaraan. " saad naman ni Brielle at ipinaalala pa sa kanya ang nangyare sa lobby ng DcEC kaya nanahimik na siya.
" Natameme ka na diyan! hahahaha... " pang aasar ni Alexa sa kanya na benelatan niya naman.
Kinabukasan madaling araw pa lang ay umalis na siya ng bahay dahil maaga ang call time nila na magkikita kita na lang sa labas ng building kung saan sila hihintayin ng mga bus na sasakyan nila patungong Zambales.
Nasa harap na siya ng building nila ng ipahinto niya ang taxi na sinasakyan at dahil mabigat ang maleta na dala niya ay nagpatulong siya sa driver na maibaba ang gamit niya na malugod naman nitong ginawa.
" Thank you po manong driver keep the change na lang po. ingat kayo sa byahe. " pasalamat niya sa matandang driver ng taxi na imbes na nasa 100 lang mahigit ang pamasahe niya ay ginawa na niyang 200. Nag wave pa siyang nakangiti sa driver ng taxi ng paalis na ito, na sakto namang naabutan ni Jasper pero hindi na siya nakalapit ng maunahan siya ni Roel.
" Sandra, mabuti nakarating ka na. " mabilis na paglapit sa kanya ni Roel
" Roel, kakarating ko nga lang. bakit, may kailangan ka ba? good morning nga pala. " tanong niya sa ka opisina ng lapitan siya nito.
" Good morning, Ah.. Eh... kase Sandra, pwede ko ba makuha contact number mo? " parang nahihiya pang sabi nito sa kanya kaya napangiti siya.
" Sus, akala ko naman kung ano. Oo naman yun lang pala eh! akina cellphone mo ako na maglalagay ng contact number ko. " ang sabi niya at inilahad pa ang kanyang kamay sa harap nito upang iabot sa kanya ang phone nito ng maibigay na sa kanya ay itinype nya ang numero ng cellphone niya at pina ring ang kanyang cellphone.
" O Ayan naka save na sa contact mo ang akin. " pagkasabi niya ay ibinalik na rin niya ang phone ni Roel na nakangiti naman na sa kanya.
" Thanks Sandra " wika ni Roel at napansin ang maleta na dala niya
" Saang bus nga pala kayo sasakay? tulungan na kitang magdala ng gamit mo mukang mabigat ang maleta mo. " saad na pag piprisinta ni Roel na tulungan siya.
" Hindi ko pa nga alam pero ang sabi yung bus na exclusive para sa mga boss natin. Baka yung nasa bandang unahan na bus. " saad naman niya rito at tinungo nila ang una sa linya na bus.
" Salamat nga pala medyo mabigat nga ang nadala ko, next time hindi na ko magdadala ng marami. " nakangiti niyang sabi kay Roel ng maipasok na nito ang maleta niya sa compartment ng bus at pasakay na siya ng hawakan siya sa braso ni Roel na ikinatigil niya.
" Tawagan kita mamaya Sandra ha. " ang sabi ni Roel.
" Ms.Periera, hindi ka pa ba sasakay ng bus? Will you excuse us nakaharang kayo sa daan. " rinig niyang sabi ng boses ng lalaking kilala niya kung kanino.
" So- sorry sir Jasper " utal niyang sabi ng makaharap ito at natigil siya ng makita niyang may naka abrisyeteng babae sa braso ni Jasper kaya parang bigla na lamang piniga ang puso niya.
" Sandra, pasok ka na ng bus. kita na lang tayo mamaya. " saad ni Roel at naglakad na palayo sa kanila. Nauna naman ng pumasok sina Jasper at ang babaeng kasama nito. Pag pasok ni Sandra ay hindi siya makatingin kina Jasper na nakaupo lang sa bandang unahan ng bus kaya alam niyang kitang kita siya nito. Sa Bandang likuran siya pumwesto ng upo kung saan nakita niya ang kapwa niya mga secretary rin ng mga boss na kasama nila sa bus.
Nang makita naman niya ang boss niya na kakapasok lang din ng bus na may kasamang babae ay tinawag niya ito upang mapansin siya at malaman nito na nasa loob na rin siya ng bus na binati naman siya.
Hindi pa man nakakaalis ang bus ay nag ngingitngit na sa selos si Sandra pero hindi niya ito pinapahalata sa iba lalo na kapag naririnig niya ang tawa nung babaeng katabi ni Jasper ay umiikot ang eyeballs ng mata niya na napansin naman ng sekretarya ni Arnel.
" Oi Sandra kanina ka pa diyan di mapakali sa upuan mo, bakit ba? " ang tanong sa kanya
" Wala lang to medyo sumasakit lang ang pang upo ko. Wag mo na lang akong intindihin. " sagot niya upang hindi na siya tanungin pa ng tanungin.
" Sungit ah! may monthly period ka siguro. " sabi pa nito na di na lang niya pinansin pa at isinalpak na lang niya sa kanyang tainga ang headset ng phone at nag soundtrip na lang siya para mawala ang inis na nararamdaman.
Nang mag stop over ang bus upang makapag banyo ang gustong mag banyo o bumili ng gusto bilhin ay baba na rin si Sandra kasama ng mga ka opisina ng madaanan niya ang pwesto nila Jasper nakita niyang tulog ito sa tabi ng salamin na bintana habang ang kasa kasama naman nitong babae ay nakatulog din sa braso ni Jasper sa inis niya ay sinadya niyang tanggalin ang headset sa phone niya at inilakas ang volume ng music na pinakikinggan at ng maalimpungatan na ang mga natutulog dahil sa ingay na ginawa niya ay nag sorry siya agad, sinabi niyang di niya sinasadya at mabilis na bumaba sa bus.