Chapter 3

1213 Words
Magkakasama sa opisina ni Arnel ang magkakaibigan para sa meeting ng mga board ay nauna na silang nag usap usap ganon naman palagi ang ginagawa nilang apat kapag may pa meeting ang board. kasama sina Marvin, Rodjun at Jasper dahil may share din sila sa kumpanya na tig 10 percent at 50 percent ang kay Arnel and the rest ay sa iba ng kasosyo. Dahil malapit na ang yearly anniversary ng DcEC ay magkakaroon na muna ng Team building ang mga empleyado at boss ng kumpanya yon ang naging Agenda ng meeting nila ng hapon na yon. lahat ay maaring sumama at pwede ring mag sama ang may sarili ng pamilya at sagot ng kompanya ang lahat.. " Kanina ka pa tahimik Jasper hindi ako sanay na ganyan ka pre? may problema ba? " saad ni Marvin ng hindi na matiis na hindi magtanong kay Jasper dahil mag mula ng pumasok sila sa opisina ni Arnel hanggang matapos ang meeting ng board kanina at nakabalik na sila uli sa opisina ni Arnel ay tahimik pa rin ito. " hindi ko naiwasan na mag selos kanina. " pagtatapat na sabi ni Jasper " Bakit kase hindi ka pa umamin ng nararamdaman mo? mahirap ang ganyan pre baka magkasakit ka sa puso sa kakapigil mo diyan. " ani naman ni Rodjun na napapalatak pa sa pinoproblema ni Jasper " Tungkol ba yan sa sekretarya ko kay Sandra? " tanong ni Marvin dahil napapansin niya si Jasper na may pagtingin sa secretary niya pero ngayon lang niya nakumpirma ang hinala. " Ang hina mo talaga Marvin makiramdam. matagal na yang in love sa sekretarya mo natotorpe lang. " Sagot naman ni Arnel na napailing pa at lumipat ng upo sa ibabaw ng lamesa niya " Gagi, napapansin ko naman na type niya si Sandra pero kilala natin yang si Jasper maloko sa babae at hindi ko naman siya nakikitang nakikipagharutan kay Sandra. " pagtatanggol naman ni Marvin sa sarili niya " Kaya ang hirap ma in love eh laging malaki ang problema sa buhay." naiiling iling pang nakatingin kay Arnel. " Hindi nyo ko gayahin cool lang. " ang sabi ni Rodjun na ikinalapit ni Arnel sa kanya at ni wrestling ang ulo nito dahil siya na naman ang pinupuntirya nito bukod kay Jasper at natawa na lang si Marvin at Jasper sa pagkukulitan ng dalawa. " Darating din ang karma mo Buenaflor tandaan mo yan. " ang sabi ni Arnel dito " Malabong mangyare Mr. CEO " confident pang ani ni Rodjun sa kaibigan. " Mark my words Buenaflor, iiyak ka rin ng dahil sa isang babae. " ani pa ni Arnel na nakangiting nakatitig kay Rodjun. " Balik tayo sa problema mo Jasper, anong balak mo kailan ka magda da moves kay Sandra? maganda si Sandra pre lalo na kapag nakalabas ang dimple non marami pwedeng maakit sa kanya. pasalamat ka hindi ko siya type dahil ayoko ng 'employee employer affair' si Rodjun lang ang ganong pumapatol sa secretary. " ani naman ni Marvin na ikinasama ng tingin nito sa kaibigang boss ni Sandra at ipinakita ang middle finger nito. " Gagi, hindi ka type ni Sandra. alam nya kung gaano ka kababaero. pinapairal mo na naman yang kahanginan mo. mas gwapo ako sayo Almeda. " ang sabi ni Jasper at hinawi pa ng pataas ang buhok na humaharang sa noo nito. " Ulol akala mo lang yon Curtis, Gwapong torpe. " pang aasar ni Marvin sa kanya " tamang tama magkakaroon tayo ng team building pagkakataon mo na yon Jasper " suhestiyon ni Rodjun na nakangisi na sa kanya " Alam ko yang naiisip mo sira ulo. " at tumayo na at isa isa ng naglabasan ng opisina. Kinabukasan ay nagkukumpulan ang mga empleyado sa DcEC sa may Lobby dahil sa nakapaskil sa bulletin board. Sa Entrance pa lang ay kita na ni Sandra ang kaibigang si Valerie na nakikipag usap sa ibang employee na kasama nito sa Accounting Department. " Hoy, Sandra magkakaroon pala tayo ng Corporate Team Building sa sabado na at 2 days tayo sa Zambales na inform ka na ba about this?. hindi pwede na hindi ka kasama dahil sigurado na kasama ang boss mo na si sir Almeda grabe kinikilig na agad ako iniisip ko pa lang na makakasama natin sila sa beach at makakalaro pa ay girl excited na talaga ako. parang hindi na ko makakatulog nito, gusto ko ng hilain ang araw para sabado na bukas girl! " saad ni Valerie na masayang masaya sa kanyang ibinabalita at mapi feel mo ang ka excitedan sa mga sinasabi nito na kahit na si Sandra ay ganon din naman. " Hindi naman ako na inform pero maganda nga yan may pa team building ang kumpanya para sa ating mga empleyado noh! magkakakilanlan pa tayong lahat. at oo naman syempre sasama ako. minsan lang to mangyare kaya dapat join tayo!. " masaya niyang pagkakasabi sa kaibigan. " hi sandra! alam mo na pala ang team building na gaganapin sa sabado. gusto mo ba maki rides ka na lang sa akin papuntang zambales? kayong dalawa ni Valerie kung gusto niyo? at umakbay pa ito sa balikat ni Sandra na ikinatingin ni sandra sa braso nitong ipinatong sa likurang bahagi ng balikat niya. " Hindi sayo maaaring sumabay si Ms. Pereira, Mr. Mendiola. Sandra needs to accompany her boss. Actually not only Ms. Pereira lahat ng secretary ay sasakay sa isang exclusive bus na kasama ang mga boss nila. " singit sa usapan ni Jasper kina Sandra at Roel na nasa likod pala nila ang apat na boss ng kumpanya na seryoso lang naman ang ipinapakitang ekspresyon ng mukha. Pagkatapos sabihin ni Jasper yon ay tinanggal ni Roel ang pagkaka akbay sa balikat ni Sandra at lumayo ng bahagya sa kanya. " Si- sir, good morning po " bati ni Sandra at iniyuko pa ang ulo sa apat na boss na kaharap nila at ganon din ang ginawi ng ibang mga empleyado na sabay sabay rin na bumati at nagsi tahimik ng makita ang mga boss. " Let's go Curtis " aya ni Arnel na sinundan na rin nila Marvin at Rodjun. Nang makasakay na silang apat sa elevator ay walang naglakas loob na sumabay sa kanila. pinanatili ni Jasper na nakabukas ang lift at matiim pa rin na nakatingin sa pwesto nila Sandra. " Ms. Pereira hindi ka pa ba sasabay pauunahin mo pa ba ang boss mo makarating ng Opisina.? " Saad ni Jasper na hindi pa rin isinasara ang elevator. At saka naman natauhan si Sandra " Ah, sasabay na sir. una na ko sayo Val." paalam niya sa kaibigan at nagmadaling makalapit si Sandra sa mga boss na nasa loob na ng elevator na hinintay pa siyang sumabay. Tahimik lang ang lahat sa loob ng lift pero ramdam nang tatlo ang galit ni Jasper dahil sa nakita nitong pag akbay ng isang empleyadong lalaki kay Sandra na siguradong ikipinag selos na naman nito. Habang si Sandra naman ay hindi mapakali dahil sa apat na kasama at pakiramdam niya na may nakatitig sa kanyang likuran dahil nasa unahang bahagi siya at nasa likod niya ang apat at isa pang dahilan ay ang isiping kasabay na naman niya si Jasper kaya ang bilis din ng pintig ng kanyang puso.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD