chapter 2

1961 Words
Sa isang fastfood restaurant na malapit sa opisina sila Sandra kumakain ng lunch kasama ang mga naging kaibigan niya sa trabaho na sina Valerie at Megan na kasama ang boyfriend nitong si Chad na kasalukuyang nag oorder pa ng meals nila. " Sandra, kinausap ako ni Roel kanina, yung sa accounting department. kilala mo yon di ba? tinanong niya kase ako kung may boyfriend ka na raw ba? type ka atang ligawan eh! pero ang sabi ko naman ay ang alam ko na wala ka pang boyfriend. " pagkukwento ni Megan sa kanya. kilala niya na si Roel dahil minsan na niya itong nakasabayan sa lobby at nagpakilala sa kanya nung bago pa lamang siya sa DCEC. " Wag na siyang manligaw kase hindi ko rin naman siya sasagutin mag aaksaya lang siya ng oras sa akin. " nakatawa niyang sagot sa kaibigan " Bakit di mo ba type si Roel? gwapo naman yung tao at mukhang mabait may crush nga sa kanya si fatima na secretary ni sir Rodjun pero hindi niya naman pinapansin" sabat naman ni Valerie sa usapan ng dalawa " Ano ka ba lahat naman ata ng gwapo sa opisina ay crush ni Fatima Eh ano pa kaya ang apat na magkakaibigan na hearthrob ng DcEC pati nga ata ang boyfriend ko type niya rin tsk.. wala naman talaga pumapansin sa kanya noh! ang arte kaya niya." ang sabi naman ni Megan na mainit ata ang dugo sa sekretarya ng kaibigan ng boss niya kaya naiiling iling na lamang siya sa itinuran nito. " Ay grabe naman kayo kay Fatima mabait naman yung tao. baka naman na ja judge nyo lang yung tao dahil hindi siya malapit sa atin. " saad naman ni Sandra " Wag na nga natin pag aksayahan ng oras at intindihan siya nagiging marites tsismosa na tayo eh! " ang seryosong saad naman ni Valerie. " Yan na pala ang order meals natin. teka tulungan ko na si Chad." ang sabi niya at tumayo ng upuan at sinalubong niya si Chad at tinulungan niya pa sa pagbitbit ng tray ng kunin nya ang isang hawak hawak nitong tray na may order din nila. Self service kase sa kinainan nilang magkakaibigan. Nang may sumagi kay Chad at na out of balance ang binata at nabitawan nito ang bitbit na tray na natapon sa sahig ang laman. Napa " Aaayyy " na sambit ang dalaga sa nangyare kaya lumapit sina Megan at Valerie. " Chad / babe " ang sabay na saad ng dalawa niyang kaibigan dahil nakasalampak na sa sahig si Chad ay nilapitan ito ni Meg at tinulungang makatayo. Samantalang napa awang naman ng labi si Sandra ng makita niya na si Jasper ang nakasagi kay Chad. " Oh s**t!! What the f*ck man.. bakit hindi ka kase tumitingin sa paligid mo!? wag kase kayong naghaharutan at paharang harang sa daan ng hindi ka nasasagi. " ani nito na masama ang tingin kay Chad. " Chad, okay ka lang? nasaktan ka ba? " pag aalala niyang kausap sa nobyo ni Megan " Mag Order na lang kayo ulit ng bago ako na ang magbabayad. " ani naman ni Jasper na tiimbagang nakatingin sa mukha ni Sandra habang kinakapa ang wallet sa likod ng pantalon at kumuha ng isang libo na iniabot kay Sandra na natigilan naman sa ginawa ni Jasper dahil parang galit ito. " Sige Sir, ibabalik na lang namin ang sukli salamat. Next time mag ingat kayo sir ng di kayo nakakasagi. kayo na ang naka disgrasya kayonpa ang galit eh! " ang sabi ni Megan na kinuha ang pera na iniaabot dahil hindi nakagalaw si Sandra kaya ito na ang kumuha. ibinaling ni Jasper ang malamig na tingin sa babae at tumalikod na. " Anong problema kaya non ni Sir Jasper bakit parang ang init naman ng ulo niya.? " litanya ni Megan pagtalikod ni Jasper sa kanila. THIRD PERSON'S POV Kakapasok pa lamang ni Jasper sa building ng mamataan niya si Sandra na abala sa pagtingin tingin sa wrist watch nitong suot at panay ang silip sa bitbit nitong bag na parang tsinitsek ang laman non habang hinihintay na magbukas ang elevator. Pumwesto siya sa likod nito na hindi man lang siya naramdaman dahil hindi siya nilingon nito at marinig niya itong magsalita. " Naku! lagot ka na Sandra. late ka ng talaga. " ang sabi nito sa sarili na napakamot pa sa leeg nito maya maya ay narinig niya ang tunog ng pag ta tap ng paa nito ng paulit ulit sa sahig na mukang mannerism ata nito kapag naghihintay ay di mapakali kaya lihim siyang napangiti sa iginagawi nito. At ng magbukas ang elevator ay nauna itong pumasok na nakatingin naman sa sahig at inayos ang suot na damit at ng mapansin niyang ipi press na nito ang 7th floor kung saan ang opisina ng kaibigan niyang si Marvin dahil sekretarya ito ng matalik na kaibigan ay inunahan na niya ito upang mapansin na siya ng babae. Nakita niya sa mga mata nito ang parang pagka gulat ng mapansin na siya ng dalaga na parang nahiya ito dahil hinawi nito ang buhok na nagpa slow mo sa paningin niya. Ang cute talaga ng sekretarya ng kanyang kaibigan lalo na ng ngumiti ito sa kanya bagay na bagay ang dalawang maliit na biloy sa pisngi nito na malapit sa labi ni Sandra kaya para na naman siyang natuod sa harapan ng dalaga. Narinig niyang nagpasalamat sa kanya pero hindi na siya nakapagsalita at tinanguan na lamang niya at nginitian at ng magbukas na sa 5th floor ang elevator ay parang ayaw pa sanang lumabas ngunit dyahe kung hindi naman siya lalabas dahil nasa 5th floor ang opisina niya kaya sa pag labas niya ay nakatingin pa rin siya sa cute secretary ng kaibigan hanggang sa mag sara ito. Napangiti siya sa kanyang sarili dahil hindi niya maipagkakaila sa sarili na attracted siya kay Sandra una pa lamang niya nakita ito sa opisina ni Marvin. kapag kaharap niya ay natotorpe siya hindi naman siya ganoon sa iba kay Sandra lang talaga dahil magpaglaro din naman siya tulad nila Marvin at Rodjun na tanging si Arnel lang ang serious type pagdating sa babae. JASPER'S POV Napapangiti na lamang ako sa sarili ko sa nangyare kanina ng kasama ko pa si Sandra natameme na naman ako sa harapan ng babaeng gustong gusto ko. " aish !! kainis natameme na naman ako. " mahinang sambit ko at dumiretso na ako ng opisina. inabala ko ang sarili buong umaga sa trabaho nang malapit ng mag lunch ay tinawagan ako ni Marvin at tinanong kung nais kong sumama mag lunch kasama si Rodjun dahil hindi raw pwede si Arnel at busy. naisip ko naman si Sandra na yayain na makipag lunch sa akin. " Kayo na lang pre marami pa akong tatapusin at may meeting ang team ko maya maya " sagot niya sa pag aaya ng kaibigan " Sige ikaw ang bahala kami na lamang ni Rodjun pre " saad pa nito sa akin at pinatay na ang tawag. Naghintay lang ako ng ilang minuto at umakyat na ng 7th floor. Alam kong nakaalis na ang boss ni Sandra. Nakalapit ako sa lamesa niya ng hindi ako napansin nito dahil may kausap ito sa telepono at dinig ko ang sinabi niyang mabuti na lamang at hindi nila type ang isa' t isa ni Marvin kung hindi ay siguradong luluha siya na malawak na ikinangiti ko dahil nakakasigurado na ko na hindi niya magugustuhan ang kaibigan ko kaya mas napanatag ako sa aking nalaman. " ehemmm ehemm... " pagtikhim ko na parang nabarahan ang dibdib ko dahil di niya talaga ako napapansin " ay kalabaw ka " ang nasambit niya sa pagkagulat na nagpasilay ng aking ngiti sadya talagang siyang magugulatin na mas nagpapa cute pa sa tingin ko sa kanya na walang ka effort effort na ginagawa kaya naramdaman ko na naman ang bilis ng pagtibok ng puso ko. " Hi! andiyan ba si Marvin? " pakunware kong tanong sa kanya kahit alam ko naman talagang nakaalis na ng opisina ang kaibigan ko. " Sir Jasper, sorry kayo naman kase bigla na lang sumusulpot, kanina pa po ba kayo diyan? nag aalalang tanong niya " hindi naman, narinig ko lang ang huling sinabi mo." wika ko na ikina awang ng labi ni Sandra " hehehehe pasensiya na sir Jasper pero totoo naman eh wag mo na lang sana iparating kay boss baka masipa ako mawalan ako ng work. " at nag peace sign pang sabi niya " Sige isekreto na lang natin ang sinabi mo. buti na lang hindi mo type si Marvin." ang sabi ko na pero pabulong na lang ang huli kong binigkas na hindi naman din narinig ni Sandra. " salamat sir, wala po si boss kakaalis lang mag la lunch daw sa labas " wika niya " Ganun ba ayain ko sanang mag lunch ang boss mo kaso nakaalis na pala. pwede bang ikaw na lang ang ayain kong makipag lunch sakin Sandra? " ang sabi ko ngunit hindi siya agad sumagot naisip ko na baka ayaw niya o hindi niya gusto ang idea na makasama akong kumain kaya " pero kung ayaw mo naman ay okay lang. next time na lang siguro baka pwede na. sige Sandra. " ang sabi ko na lang na bagsak ang balikat ko at tumalikod na sa kanya. bumalik ako sa opisina ko at inis na naupo sa aking swivel chair at naaasar ako sa sarili ko dahil pag dating talaga sa kanya tumitiklop ako palagi kase pumapasok sa isip ko ang narinig kong pag uusap nila ng kaibigan niya nang minsang nakasabay ko sila sa elevator dahil nasa likuran ako at marami ring nakasakay na curious ako sa usapan nila kaya nakinig naman ako. Flashback " Sandra, di ba nanliligaw sayo si John sasagutin mo ba? " tanong kay sandra nito " Naku hindi, ayoko pang pumasok sa isang relasyon dahil hindi pa ko handa.hindi ko pa mapagtutuunan ng oras ang bagay na yan dahil priority ko ang pamilya ko sa probinsiya sakit lang sa ulo ang mga lalaki na yan Megan. tama ng pa crush crush lang muna ako. " sagot niya sa kausap. " ah so may crush ka pala!. kilala ko ba? taga rito ba? " saad naman ng tinawag niyang Megan na tinutukso tukso pa si Sandra " mayron naman talaga pero sa akin na lang yon mahirap na baka idaldal mo pa. " nakangiti niyang sagot don sa Megan. na ikinag ngalit ng mga panga ko na parang gusto kong manuntok sa aking narinig. End of flashback Nakaramdam na ko ng gutom ng maisipan kong lumabas na at kumain na lamang sa malapit na kainan. Papasok na ako ng fastfood restaurant ng makita ko si Sandra na may kausap na lalaki at kangitian, sa selos na aking naramdaman ay sinadya ko itong tabigin at sa lakas ata ng pagkakatabig ko ay napasalampak ito sa sahig at natapon ang inorder na pagkain. nakita ko naman sa mga mata ni Sandra ang pag aalala sa lalaking kasama niya at paninibugho ang aking nadarama ng oras na yon kaya masama ang loob kong napatingin kay sandra. kaya siguro hindi siya makasagot sa pag aaya ko kanina sa kanya dahil may iba pala siyang kasamang kumain. naibunton ko ang galit ko sa lalaking kasama niya na boyfriend pala ng isa sa mga kaibigan ni sandra kaya nag melt down ang galit ko ng marinig kong tinawag itong babe ng isa sa mga babaeng lumapit rito. Sa pagkapahiya ko sa sarili ko ay inabutan ko na lamang sila ng pang order uli nila at tinalikuran na sila nang makuha na ang perang inaabot ko kay sandra nang girlfriend ng lalaking pinagselosan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD