Dumaan ang ilang buwan na hindi nagpakita o lumapit si Jasper kay Sandra, ngunit kahit na ganun ay walang araw na hindi niya alam ang nangyayare sa kasintahan. Katulad na lamang ngayon na kakauwe lamang niya ng bahay galing ng opisina at hindi pa man siya nakakapasok sa pinto ng mag vibrate ang kanyang phone sa bulsa ng kanyang suot na pants. At ng makita kung sino ang caller ay sinagot niya agad ang tawag. ( Hello Brielle, napatawag ka? ) bungad niyang wika. ( Hello Jasper, sorry ha! kung napatawag ako. Busy ka ba!? ) ( Nope!, Actually kakauwi ko lang ng bahay! May nangyare ba kay Sandra, Brielle!? ) ( Wala Jasper, ipapaalam ko lang sayo na bukas ay dadalawin naming muli si Sandra sa kanila. ) natatawang sabi ni Brielle dahil nahimigan niya ng pag alala ang kausap. ( Ingat kayo ni Al

