Kinaumagahan ay nai last check up ng muli ng Doctor si Sandra at nag paalam din agad ng makitang okay naman ang pasyente niya. Kaya naman maaga pa lamang ay ipinaasikaso na ni Samara sa asawa ang pag check out ni Sandra sa Ospital ngunit ang sabi sa billing section ay bayad na raw na ikipinagtaka ni Vince dahil inutusan siya ng asawang si Samara na bayaran ang bill ni Sandra. Sinubukan pang alamin ni Vince kung sino ang nagbayad ngunit wala naman siyang nakuhang sagot. Kaya ng bumalik siya sa room ni Sandra ay sinabi niya agad kay Samara na may nag bayad na pala ng bill ng hipag niyang si Sandra at iniabot pa kay Samara ang reciept na ibinigay ng nakausap niya kanina. " Sino raw ang nagbayad ng bill? Tinanong mo ba o sinabi sayo? " bulalas na tanong ni samara sa asawa na umiling naman.

