Chapter 22

2114 Words

" Senyorito Jasper.. Senyorito kanina pa po kayo hinihintay ng inyong mga magulang sa dining area. Senyorito Jasper! " sunod sunod na katok at pagtawag sa kanya ng kanilang kasambahay ng magising si Jasper ng dahil sa ingay na kanyang naririnig. " Susunod na ako manang pakisabi. " sagot niyang pasigaw sa kasambahay na alam niyang ang mayordoma nila sa bahay dahil kilala naman niya ang boses nito. " Sige po Senyorito sasabihin ko po sa inyong mama. " balik namang sagot sa kanya ni Manang. Naupo siya sa kanyang kama at inabot ang kanyang mobile phone. Pag bukas pa lamang niya ng kanyang phone ay sunod sunod na ang pagpasok ng mga messages. Natuwa siya ng makita ang ilang message sa kanya ni Sandra at isa isa niya itong binasa at may sent selfie photo rin na ipinadala ang nobya sa kanya n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD