Nailipat na si Sandra sa isang private room ng hospital na kinuha ni Jasper para sa kanila. Tulog pa rin ang dalaga dahil sa sedative na ini inject sa kanya ng doctor kaninang magising raw ito sa loob ng emergency room ay nag wala raw si Sandra. Nasa tabi lang siya ni Sandra at pinakakatitigan ang magandang mukha ng nobya na hawak hawak ang isang kamay nito ng kanyang kamay na may benda pa dahil sa ginawa niyang pagsuntok sa pader kanina, habang iniisip kung ano na ang mangyayare sa kanila ni Sandra gayong nawala ang baby nila dahil sa nangyare. Na disturbo ang pag iisip ni Jasper ng mag ring ang phone ni Sandra na nasa kanya na. Dahil ng tumawag siya sa kanyang secretary na gamit ang telepono ng ospital ay nabanggit nitong may nakita itong bag sa loob ng kanyang opisina na pambabae at

