THE ENCOUNTER
Zainary Pov.
"Hoyyy bata,Bumalik ka dito!!"Sigaw ni mamang pulis na mukhang Baboy sa sobrang taba,Ano ako baliw para bumalik dun?Ayoko nga bahala silang mamatay kakahabol sa akin tch!
"Ayaw ko nga tabatchoy,ano ako tanga?!Pag tumigil ako ikukulong niyo ako,Duh masyado akong maganda para ikulong lang sa selda na un noh,So Babosh btw papayat ka ha?Sige ka madededs ka kaagad niyan"At nagmamadali na akong tumakbo at baka mahuli pa nila ako mahirap na.
Ng makalayo na ay tinanggal ko ang maskarang nakaharang sa mukha ko at tinignan ang hawak kung mag na mukhang mamahalin at mukhang madaming laman,Kung sweneswerte ka nga naman oh jackpot!Nakangiti ang naglakad mukhang maganda maganda ang kikitain ko ngaun ah!Sa wakas makakain din ng masarap sarap na ulam.Habang naglalakad may napansin akong maraming nag kukumpulan sa isang madilim at makitid na iskinita madaming mga lalaking mukhang nakadrugs dahil sa pula ng mata habang may dalawang lalake ang nakahandusay sa paanan nila at mukhang naghihingalo na.Lah!Ano toh murder scene?Hala bawal yan!Wala sana akong pake kaso lang Dyan ang daan para sa sanglaan ng mga gamit na toh,hindi ko pwepweding isanla sa palawan o kung saan pa mang establisyemento eto at baka may makakilala ng gamit at makulong ako edi deds na!Wag na uy.
"Hoy mga lalaking mukhang unggoy nahinango sa ilalim ng lupa dahil hindi tinanggap ni satanas ano yang ginagawa niyo??Bawal yan ha!"Naks ang haba ng sinabi ko ah!Mabilis na nabalinh sa akin ang atensyon nilang lahat ung isa pa nga halos mabali ung leeg kakatingin sa akin bat hindi na lang kasi sila humarap para naman hindi sila mag mukhang mga unggoy na binabalian ng buto?.
"Hoy bata wag kang mangialam dito,Kung ayaw mong isunod ka namin sa kanila"Sigaw ni kuyang sobrang payat unti na lang hahanginin na.Wow im scared note the sarcasm
"lakas mong mang banta ah?Eh mukhang hahanginin kana nga sa sobrang kapayatan,At tsaka hoy mamang patpat hindi na ako bata 20 na ako 20"Bat ba ako laging napapakmalang bata?Eh Matangkad naman ako At hindi naman baby face ang mukha ko.
"Anong hindi Bata?tignan mo nga height mo mukhang pang kinder"Aba bastos to ah.
"Anong sabi mo?!ulitin mo nga?"Hamon ko rito abat talaga namang pinipikon nila ako ah!.
"Sabi ko ang bansot mo pang kinder height"ABA'T inulit pa.
"Ah bansot pala ha"malakas na suntok ang pinakawalan ko ayurns bagsak,isa isa silang sumugod so sad na sanay ako sa pakikipag basag ulo ikaw ba naman araw araw makasagupa ng adik ewan ko na lang kung di kapa matutu.
Pinagpagan ko ang kamay ko at Madaling pinuntahan ang dalawang lalake na mukhang Di na makatayo sa sobrang bugbug.
"Oh kaya niyo pa?Kung kaya niyo pa aalis na ako"Hindi sila sumagot sabi ko nga di sila ayos.
"Hellooooo buhay paba kayo???!!"Abat mukhang Nahimatay na ang mga walang hiya Hahawakan ko pa sana sila ng-
"Sumama ka sa amin sa presinto"Taena?Naramdaman ko na may malamig na bagay ang kumabit sa dalawang kamay ko at mabilis akong hinila papatayo
"ANONG IBIGSABIHIN NITO HA??!!!PINAGBIBINTANGAN NIYO BA NA AKO UNG NAMBUGBUG SA MGA LALAKI NATO?!!!"Ako na nga tumulong ako pa naperwisyo nyeta naman.
"Hindi dahil dun,kung hindi dahil diyan sa bag nahawak mo"isang malalim at malamig na boses ang nagsalita at nung humarap ako.LINTIK!!SI DANGER Im so dead.