AVYANNA'S POINT OF VIEW
"Zoltan, tama na iyan ang kulit kulit naman eh," saway ko sa kanya. Paano ba naman ang dami niyang damit na pinipili ang dami na niyang nakuha kanina. "Di ko naman masusuot lahat ng iyan eh."
"Masusuot mo lahat ng ito kapag lalabas tayo," sabi niya habang abala pa rin sa pagtitingin.
"Bakit araw araw ba tayong lalabas?" tanong ko.
"Why not," sabi niya.
"Zoltan naman eh," sabi ko pero tinawanan niya lang ako.
"Okay, okay, tama na iyong kanina,"sabi niya.
"Buti naman," sabi ko.
So, pumunta na kami ng cashier para bayaran niya ang mga damit na pinili niya pati ang damit na suot ko ngayon. Tutulungan ko sana siya sa pagbubuhay ng paperbag dahil umabot ito ng lima pero hindi niya ko hinayaan, so hawak niya lahat sa kaliwang kamay niya habang ang isa ay nakahawak sa kamay ko.
"Where do yo want to eat?" tanong niya.
Napaisip naman ako, may napanuod ako kagabi na kumakain ng sushi at never ko pang natikman iyon kaya gusto kong ma try.
"Gusto kong matikman 'yung sushi," sagot ko.
"Sure 'yun lang ba?" tanong niya.
"'Yun na lang muna," sabi ko, gusto ko ring kumain ng fries kaya lang ayokong iba iba ang kinakain ko baka hindi ko na makain ang isa kapag mas nasarapan ako sa isa.
"Okay let's go," sabi niya.
Napapasunod lang ako sa kanya dahil hindi ko naman alam kung saan kami pupunta. Habang naglalakad kami napapansin ko na ang mga nakakasalubong naming mga babae ay panay lang ang tingin kay Zoltan. Hindi ko naman sila masisisi sobrang gwapo ba naman ng lalaking ito kahit sino talaga mapapatingin sa kanya.
"Ang gwapo mo talaga 'no? Kaya napapatingin ang mga babae sa 'yo," sabi ko sa kanya.
"But I don't care about them," sagot niya, na lagi niyang sinasabi noon kapag sinasabi ko sa kanya noon.
"Bakit parang wala kang interest sa mga babae? Bakla ka ba?" tanong ko.
Bigla naman siyang huminto, hindi ko agad napansin kaya nauntog ako sa likod niya dahil medyo nahuhuli ako. "Do want me to kiss you to prove that I'm not a gay?" seryosong sabi niya.
Napalunok naman ako. "Nagtatanong lang naman kasi ako, kada kasi may babaeng dumadaan parang wala kang interest, ang gaganda kaya ng mga babaeng dumaan kanina," sabi ko.
"I don't care, and bakit pa ako titingin sa iba mas maganda naman ang babaeng kasama ko ngayon," sabi niya, napayuko naman ako para itago ang pamumula ng mukha ko pero mukhang napansin niya iyon. "Are you blushing?"
"Hindi ah," pagtanggi ko.
"Oh, really?" malokong sabi niya habang nakangisi pa.
"Hindi nga!" napipikong sabi ko.
Tinawanan lang niya ako. "'Wag mo ng itanggi, ang puti ng mukha mo kaya kitang kita ang pamumula ng mukha mo plus you're not wearing blush on," sabi niya kaya napa pout ako.
"Oo na," pag amin ko. "Tara na nga gutom na ako." Saka naunang lumakad pero nahabol pa rin niya ako kahit medyo malayo na ako, ang haba kasi ng paa niya. Paglapit niya sa akin hinawakan niya muli ang kamay ko.
"WHAT DO YOU WANT?" tanong niya sa akin.
Tumingin naman ako sa menu na hawak ko pero wala hindi ko alam kung anong gusto ko dahil ang dami. "Ikaw na lang pumili, 'di ko alam kung anong kakainin ko," sabi ko sabay sara ng menu.
"Okay, let's order all, so, you can taste them all," sabi niya.
"Okay," sabi ko.
Sinabi na niya ang order namin sa waiter pagkatapos niya itong makuha ang order umalis na siya.
"So, tell me what happened to you after I'll gone?" tanong niya.
Kinwento ko naman sa kanya lahat ng mga nangyari sa amin wala akong iniskip kahit 'yung tungkol sa pag uusap namin ni Justin. Alam niya na crush ko si Justin noon at kung anong ginawa niya noon sa akin, ewan ko ba kung bakit sinabi ko sa kanya iyon pero ang lakas ng pakiramdam ko na pagkakatiwalaan ko siya.
"Tsk, after what he done to you he approach you like nothing happened?" kalmadong sabi niya pero ramdam ko na naiinis siya. "'Wag lang kaming magkita ng lalaking iyon baka kung anong magawa ko sa kanya." Naku po, mukhang hindi talaga dapat magkita ang dalawa baka kung anong magawa ni Zoltan kay Justin.
"Wala na rin naman akong pakielam sa kanya, bahala siya kung anong gusto niyang gawin basta 'wag niya lang akong guluhin," sabi ko. Kahit papano rin hindi na masyadong nanggugulo si Justin mula nung dumating si Cheska which is good dahil sila naman ang soul mate talaga. "Ikaw anong nangyari sa 'yo noon?"
"Confidential ang iba pero buong taon puro trabaho lang. Gusto ko na ngang bumalik sa pilipinas noong nag graduate ka pero hindi ko talaga pwedeng iwan ang company," sabi niya.
Nginitian ko naman siya. "Ayos lang naman kung hindi ka dumating, masaya na ako doon sa pinadala mong bulaklak at chocolate. Speaking of that, salamat pala doon ha?" sabi ko.
"It's nothing, for my princess I'll give you everything," sabi niya.
"Grabe naman iyong everything, kahit ano naman ibigay mo masaya na ako," sabi ko.
"My princess as always," sabi niya kasabay 'nun ang pagdating ng order namin.
Namangha naman ako sa nakita ko dahil ang fresh tignan ng mga salmon, mas natakam tuloy ako. Magsisimula na sana ako kaya lang naalala ko na hindi pala ako marunong mag chopstick.
"Why?" tanong niya ng mapansin ang pamo-moblema ko.
"Hindi ako marunong mag chopstick eh," nahihiyang sabi ko.
Tumango naman siya. "I see," sabi niya saka lumipat sa tabi ko. "I'll teach you."
Ma-tyaga akong tinuruan ni Zoltan mag chopstick pero kahit anong gawin ko hindi ko ma gets kung paano mag chopstick.
"Ayoko na," sabi ko at saka nag pout. "Ang hirap naman nito."
"It's hard because you don't know," sagot niya. "If you practice more, you can do it."
"Okay, pero paano kakainin ito? Nakakahiya naman kung kakamayin ko lang," sabi ko.
"Subuan na lang kita," sabi niya na kinagulat ko.
"Seryoso ka?" sabi ko.
Tumawa naman siya. "I'm just joking," Nakahinga naman ako ng maayos, mas nakakahiya naman kung susubuan niya ako. Nagtawag siya ng waiter tapos naghingi siya ng practice chopstick.
"May practice chopstick sila?" tanong ko.
"Yes, it's for kids and also for beginners," sabi niya.
Mayamaya dumating na ang waiter dala ang practice chopstick akala ko pambata ang design pero kagaya lang ito ng chopstick na gamit ni Zoltan.
"Let's eat now," sabi niya.
Nag umpisa na kaming kumain, nung una naninibago pa ako sa lasa ng sushi pero habang tumatagal nasasarapan na rin ako lalo na kapag may wasabi, mahilig kasi ako sa maanghang. Mas marami akong nakakain kay Zoltan, nakakahiya man para sa babae na maging matakaw pero wala akong pakielam basta pagkain wala akong papalampasin. Bata pa lang kasi ako sanay na akong kumain ng marami dahil ang sarap mag luto ni Mama kaya matakaw ako pero kahit matakaw ako hindi ako tumataba dahil mabilis ang metabolism ng katawan ko.
"Delicious?" tanong niya matapos naming kumain.
"Sobra," masayang sabi ko. "Thank you dito."
"Welcome," sabi niya saka tumayo. "Come on, let's shopping."
"Eh? Kaka shopping lang natin kanina ah," sabi ko.
"I'll buy a gift for your parents," sabi niya.
Natuwa naman ako sa sinabi niya. "So, pupunta ka sa bahay?" tanong ko.
""Yes," sabi niya.
"Matutuwa si Mama niyan. Na miss ka na niya," sabi ko.
Gustong gusto kasi siya ni Mama parang ito nga ang anak niya kesa sa akin pero hindi naman ako nag tatampo dahil ramdam ko naman na mahal ako ni Mama.
Naglibot na kami para maghanap ng ireregalo niya kina Mama, ang arte niya nga ayaw niyang maghanap ng basta basta lang gusto niya 'yung maganda, pasasalamat na rin daw dahil tinulungan at pinatira namin siya noon. Hindi na lang ako nag reklamo dahil hindi naman ako mananalo sa kanya, siya rin naman ang masusunod dahil siya ang bibili.
"Do you think she love it?" tanong niya. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko paano ba naman diamond necklace ang gusto niyang bilhin na sigurado naman ako na ikakagulat ni Mama. "What she can't like it?"
Umiling naman ako. "Magugustuhan naman siya kaya lang hindi niya matatanggap 'yan," sabi ko.
"Why?" takang tanong niya.
"Ang mahal kasi niyan," sabi ko.
"Don't mind the price, gusto kong regaluhin si Tita ng maganda at worth it ayoko naman 'yung basta basta lang," sabi niya.
Napabuntong hinga naman ako. "Bahala ka, ikaw naman ang bibili eh," sabi ko.
"MABUTI NAMAN at nagpakita ka na ulit sa amin," sabi ni Mama kay Zoltan.
"I'm sorry Tita kung hindi ako nagpaalam," sabi niya.
"Ayos lang naman alam kong may dahilan ka," sabi ni Mama.
"Salamat po Tita," sabi niya.
"Kumusta ka na?" tanong ni Mama.
"I'm fine, by the way I have a gift," sabi niya saka binigay kay Mama ang binili niya, wala pa si Papa kaya kay Mama niya rin binigay ang regalo niya.
Binuksan naman agad ni Mama ang regalo sa kanila at kita ko ang gulat sa mukha nila
"Naku, mahal ba itong regalo mo iho?" tanong ni Mama.
Tumingin muna sa akin si Zoltan bago sumagot. "Hindi naman po," sagot niya, sinabi ko kasi sa kanya na 'wag niyang sabihin ang presyo dahil ibabalik lang ni Mama iyon.
"Pero totoong ginto ito?" tanong ni Mama.
"Yes, pero hindi ko naman po binili ng mahal," sagot ni Zoltan.
Nasa mukha ni Mama ang hindi naniniwala pero kalaunan ay naniwala rin siya. "Osiya, salamat dito ha?" sabi ni Mama.
"It's nothing," sabi niya.
Ilang oras pa kaming nag kwentuhan, gulat na gulat nga sina Mama ng sinabi ko na siya ang may ari ng school namin at ng village na pinagta-trabahuan ni Mama. Inabot na ng dilim si Zoltan kay inaya na siya ni Mama na dito kumain, pumayag naman siya kasi namiss niya raw ang luto ni Mama.
"Kung na miss mo ang luto ko pumunta ka lang dito," sabi ni Mama.
"Okay, Tita," sabi niya. "If my Mom is good at cooking, I always going home even it's far, but I love my Mom even she can't cook."
"Ganyan dapat, hindi naman lahat marunong magluto," sabi ni Mama habang naghihiwa.
"You know Tita, sa dami ko ng nakainang restaurant sa luto niyo lang ako nasarapan," sabi ni Zoltan.
"Naku, binobola mo naman ako iha," sabi ni Mama. Kunwari lang 'yang si Mama pero ang totoo gustong gusto niyang pinupuri.
"It's real Tita," sabi ni Zoltan.
"Osiya oo na naniniwala na ako pero mas masarap magluto sa akin si Avyanna, nung unang beses nga na nagluto siya noon sa karenderya nagustuhan ng mga customer at laging sinasabi sa akin na mas masarap daw magluto ang anak ko, hinahanap hanap nga nila noon eh. Pero hindi naman ako galit kung kay Avyanna ang hinahanap nila proud pa ako dahil mas magaling ang anak ko sa akin," kwento ni Mama.
"Oh really?" tanong ni Zoltan.
"Oo, cullinary nga ang course na kinuha niya kaya mas huhusay pa siya sa akin balang araw," sagot ni Mama.
"Wow," sabi ni Zoltan saka tumingin sa akin. "Gusto kong matikman ang luto mo."
Nginitian ko naman siya. "Sige, next time pagluluto kita," sabi ko.
"Promise?" paninigurado niya.
"Promise," sabi ko.
AVYANNA'S POINT OF VIEW
Pagpasok ko sa school kinabukasan, nagtataka ako dahil panay ang tingin sa akin ng mga schoolmate ko tapos magbubulungan sila. Gusto kong malaman ang nangyayari kaya mabilis akong nagpunta sa canteen para itanong kay Mikaella, lahat naman kasi nalalalaman niya baka iyon alam din niya.
"Avyanna buti dumating ka na," sabi ni Mikaella, kita ko ang pag aalala niya sa mukha.
"Bakit may problema ba?" tanong ko sa kanya.
"Alam mo na ba ang kumakalat na balita?" tanong niya, umiling naman ako. "Tignan mo ito." Pinakita niya sa akin ang isang picture sa cellphone niya, nung una hindi ko na mukhaan pero habang tinignan ko doon ko nakita na kami ni Zoltan ang nandoon habang magkahawak ang kamay, ito 'yung kahapon.
"Sinong kumuha ng litrato na iyan?" tanong ko.
"Hindi ko kilala basta may nakakita sa inyo na may kahawak kamay ni Mr. Clifford," sabi niya.
"So, ito ang dahilan kung bakit pinagtitinginan ako kanina," sabi ko.
Tumango naman siya. "Kumakalat ngayon sa school na sugar daddy mo si Mr. Clifford.
Nanlaki naman ang mata ko. "Diba ang mga sugar daddy ay matatanda na?" Tumango naman sina Mikaella at Gianna na tahimik lang. "Eh hindi naman matanda si Zoltan nasa 20's pa lang siya."
"Zoltan?" sabay na tanong ng dalawa.
"Zoltan ba ang pangalan ni Mr. Clifford?" tanong ni Mikaella.
"Oo," sagot ko.
"So, kilala mo siya?" tanong niya.
"Oo," sagot ko saka kinwento sa kanila kung paano kami nagkakilala, kilig na kilig naman ang dalawa habang nag ke-kwento ako.
"Grabe, ang swerte mo, akalain mong nakapulot ka ng gwapong lalaki," sabi ni Mikaella.
"Oo nga, 'yung pinagpapantasyahan ni Mikaella napulot mo lang kung saan," sabi ni Gianna.
"Grabe naman kayo sa napulot, hindi ko siya napulot tinulungan namin siya ni Mama," sabi ko.
"Ganun din iyon," sabi ni Mikaella.
"Kaya pala kahapon napansin ko na gulat na gulat ka ng makita mo si Mr. Clifford 'yun pala kilala mo siya," sabi ni Gianna. "Pero bakit umalis ka bago pa man siya magsalita?"
"Nagtatampo kasi ako dahil hindi siya nagpaalam umalis noon sa akin pero may dahilan naman siya kung bakit umalis siya ng walang paalam," sabi ko.
"Taray, may patampo tampo pang nalalaman, girlfriend ka ba?" tanong ni Mikaella.
"Hindi pero masama bang magtampo? Swempre nalungkot ako nung nawala siya at hindi ko man lang alam," sabi ko.
"Sabagay ako rin naman magtatampo kapag bigla na lang umalis ng walang paalam sa akin," sabi ni Mikaella. "Pero mabalik tayo sa issue, kailangan malaman ng mga schoolmate natin na hindi mo sugar daddy si Mr. Clifford."
"Kahit 'wag na, hayaan mo lang sila sa isipin nila ang mahalaga alam ko at alam niyo kung anong kaugnayan namin ni Zoltan," sabi ko.
"Napaka unbothered mo talaga ano?" sabi niya.
"Kahit naman kasi magpaliwanag tayo, kung ano ang mas pinaniniwalaan nila iyon ang paniniwalaan nila kaya kesa sa mapagod pa tayo kakapaliwanag hayaan na lang sila sa kung anong isipin nila," sabi ko.
"Oo nga naman," sang ayon ni Gianna.
Mayamaya biglang nagtilian ang mga estudyante kaya lumingon kami kung anong dahilan ng tinitilian nila. Nakita namin ang tatlong lalaki na akala ko ay mga model, ito ang mga gusto ng babae dito gwapo at matangkad.
"OMG, ang gwapo nila," kinikilig na sabi ni Mikaella, parang spark sa mata niya habang nakatingin sa tatlo. "Dahil hindi na pwede kay Mr. Clifford dito na lang sa tatlong ito."
Napailing kaming dalawa ni Gianna saka inalis ang tingin sa tatlong lalaki pero napatingin muli kami ng mas tumili si Mikaella, nakita namin na papalapit ang tatlo sa pwesto namin.
"Hi," bati ng lalaki sa gitna, ito ang pinaka matangkad sa kanilang tatlo. Mullet cut ang buhok niya pero bagay na bagay sa kanya, sa iba kasi hindi bagay kaya nag mumukha silang jologs. "Ikaw si Avyanna right?" tanong niya sa akin na kinagulat ko.
"Yes, why?" tanong ko.
"Ayun nakilala ka rin namin, by the way, ako nga pala Ximen Ferrer, bestfriend ako ni Zoltan," sabi niya, napatango naman ako.
"I'm Lorcan Wayden," pakilala ng nasa kaliwa ni Ximen, korean style ang buhok niya at kulay white.
"And I'm Acyn Wickham," pakilala ng isa, clean cut ang buhok niya at may hikaw sa kaliwang tengga.
"Maupo kami ah," sabi ni Ximen.
"Sure," mabilis na sabi ni Mikaella saka umusog, nasiksikan niya ako kaya umusog na rin ako.
Umupo sa tabi ni Mikaella si Ximen habang ang dalawa naman ay katabi ni Gianna dahil siya lang ang mag isa doon.
"Matagal ka na naming gustong makita dahil lagi kang kine-kwento ni Zoltan sa amin," sabi ni Ximen.
"Oo nga, akala namin sobrang exaggerate lang siya sa sinabi niya na maganda ka pero ng makita ka namin sa personal totoo nga na sobrang ganda mo," sabi ni Acyn na kinapula ng mukha ko.
"Nasabi niya na nag aaral ka dito kaya pinagtanong ka namin para makilala ka namin," sabi naman ni Lorcan.
"Bakit gusto niyo naman ako makilala?" tanong ko.
"Una dahil lagi kang kinuwento sa amin ni Zoltan at pangalawa ikaw lang ang tanging babaeng bukang bibig niya, marami na siyang na mi-meet na babae pero ni isa sa kanila wala siyang na banggit pero ng makilala ka niya lagi ka niyang kinukwento," paliwanang ni Acyn.
Medyo nakaramdam naman ako ng hiya dahil kinukwento pala ako ni Zoltan, sana naman wala siyang kinuwento na masama tungkol sa akin.
"Oo nga pala, kanina pa kami nagsasalita hindi man lang namin alam kung anong pangalan ng dalawang magandang binibini na ito," sabi ni Ximen na kina pula ng mukha nina Gianna at Mikaella. Ang galing magpakilig ng mga ito, simpleng salita lang nila malakas na ang dating.
"Siya si Mikaella and Gianna," pakilala ko sa dalawa habang tinuturo sila mukha kasi hindi nila kayang magsalita ng maayos. Si Mikaella mukhang makapal ang mukha niyan pero mahiyain naman talaga.
"Nice to meet you," sabi ni Ximen saka nilahad ang kamay.
"N-Nice to meet you," sabi nilang dalawa at nakipagkamay sa tatlo.
Mayamaya biglang may tumunog na kita ko na may kinuha si Ximen sa bulsa niya, ang cellphone niya saka sinagot.
"Where the hell are you," sabi sa kabilang linya, naka loud speaker kaya rinig namin. Kilalang kilala ko naman kung sino ang nagsalita.
"Nandito kami sa school mo," sagot ni Ximen.
"And why the hell are you there?" tanong niya, medyo naninibago ako kay Zoltan dahil hindi siya ganyan magsalita kapag kausap niya ako.
"Diba sabi namin gusto namin makilala si Avyanna?" sagot ni Ximen.
"What the, I said don't bother her," sabi niya.
"Paano ba iyan nandito na kami eh," sabi ni Ximen saka sinenyasan ako na magsalita.
"Hi, Zoltan," sabi ko sa kanya.
"What... cough... ginugulo ka ba ng mga iyan?" nag iba ang tono ng boses niya, kung kanina para siyang tigre pero ngayon para siyang paamong tuta.
Nagtawanan naman ang tatlo. "Grabe, ngayon ka lang namin narinig mag salita ng mahinahon," sabi ni Lorcan.
"Shut up, Yanna if they bothered you just tell me okay?" sabi niya.
"Oo, mababait naman sila," sabi ko.
"Good, pupunta ako diyan makikipag meeting din ako kay dean," sabi niya.
"Okay ingat," sabi ko.
"And you three, sinasabi ko sa inyo konting gasgas lang ang makita ko kay Yanna alam niyo na ang gagawin ko," Sabay na napalunok naman ang tatlo na parang takot sa kung anong gagawin ni Zoltan sa kanila.
"Don't worry, hindi namin hahayaan na masaktan si Avyanna," sabi ni Ximen.
"Good," sabi ni Zoltan pagkatapos pinatay na niya ang tawag.
"Kita mo iyon? Sa 'yo lang iyon ganun, sa mga babaeng nakilala niya hindi siya ganyan kakalmado parang lagi siyang galit," sabi ni Ximen.
Parang hindi naman pero sabagay dalawang buwan ko pa lang naman nakakasama si Zoltan, hindi katulad nila na matagal na siyang kilala.
"Ano bang ugali talaga ni Mr. Clifford?" tanong ni Mikaella.
"Napaka cold ni Zoltan, laging mainit ang ulo konting pagkakamali lang ng employee niya tinatanggal niya agad," sagot ni Lorcan.
"Nakakatakot naman pala si Mr. Cliiford," sabi ni Mikaella.
"So, ibig sabihin kay Yanna lang siya mabait?" tanong ni Gianna.
"Ganun na nga," sabi ni Ximen.