Chapter 14

1541 Words
AVYANNA'S POINT OF VIEW "ANG LANDI MO talaga ano?" bungad sa akin nina Lily paglabas ko ng room. "Nung una si Justin ngayon naman si Mr. Clifford?" "Hindi ko siya nilalandi," sagot ko. "Wow, eh ano 'yung picture ah," sarcastic na sabi ni Veronica. "Dahil kaibigan ko siya," sagot ko. "May kaibigan bang nag ho-holding hands ha?' sabi ng isang kaibigan nila. Napabuntong hininga naman ako. "Ano bang problema niyo kung magkahawak kamay kami ha? Bakit girlfriend ka ba ni Zoltan para komprotahin niyo ako ng ganito?" tanong ko. Magsasalita sana siya ng may biglang sumingit. "What happening here?" Napatingin kami sa nagsalita. "M-Mr. Clifford," utal na sabi ni Lily. "Anong ginagawa mo dito?" Hindi ko maiwasang mapataas ang kilay ng maging sweet ang boses niya. "I'm asking first, what happened here?" seryosong tanong niya. "Wala kinakausap lang namin itong si Avyanna, diba Avyanna?" sabi ni Veronica. Tumingin naman sa akin si Zoltan. "It's that true?" tanong niya. Ayoko ng gulo kaya nginitian ko si Zoltan saka sumagot. "Yes, kinakausap lang nila ako," sagot ko. "Really?" tanong niya, tumango naman ako. "Tsk, okay, let's go I'm hungry." Nilahad niya ang kamay niya sa harap ko kaya kinuha ko ito. Napansin ko na nakatingin sila Lily sa kamay naming dalawa ni Zoltan dahil hindi nito binitawan ang kamay ko pero hindi na namin sila pinansin at umalis na lang sa harapan nila. "Bakit nakakunot pa rin 'yang noo mo ah?" tanong ko. Bumuntong hininga naman siya. "I know na hindi lang pag uusap ang ginawa sa 'yo ng mga iyon, bakit pinalampas mo lang iyon?" tanong niya. "Dahil ayoko ng gulo," sabi ko. "Tsk, masyado kang mabait," sabi niya. "Hindi naman kasi sulusyon ang pakikipag away," sabi ko. Umiling naman siya. "Kakalimutan ko kung ano 'yung nangyari kanina pero once na umulit sila hindi ako magdadalawang isip na alisin sila," seryosong sabi niya. "At kapag ginawa mo iyon hindi na kita papansinin," sabi ko. Namutla naman siya sa sinabi ko. "'Wag naman ganun," sabi niya. "So, 'wag mong gawin iyong sinabi mo," sabi ko. Ayoko kasing isipin ng mga tao na sinasamantalahan ko si Zoltan, ayokong isipin nila na pineperahan ko lang siya o ginagamit siya para makuha ang gusto ko. "Ako ang kaaway nila hindi ikaw kaya kung ano man ang gagawin nila labas ka na doon, hindi ko naman hahayaan na sumobra sila pero hangga't kaya ko na iwasan sila gagawin ko." Napabuntong hininga naman siya. "Fine," napipilitang sabi niya. Nginitian ko naman siya. "Salamat," sabi ko. BIRTHDAY ngayon ni Papa kaya maaga akong gumising para magluto kami ni Mama pero bago ako lumabas ng kwarto 'di ko maiwasan na umiyak dahil naalala ko sa taong ito siya namatay, sa mismong birthday niya dahil na hit and run ito pauwi ng bahay, kaya sinabihan ko si Papa kahapon na 'wag ng pumasok sa birthday niya para maiwasan ang aksidenteng mangyayari sa kanya noon. Sobrang nagpapasalamat talaga ako dahil makakasama ko pa ng matagal si Papa. Mabuti na lang hindi ganun kahalata na umiyak ako, baka kasi magtaka si Mama kung bakit ako umiyak. MAtapos kong maghilamos lumabas na ako ng kwarto ko at nagpunta sa kusina namin. Kinuha ni Mama ang mga lutuan niya sa karenderya dahil marami kaming iluluto hindi kakayanin ng mga gamit namin, isa pa maliliit lang ang mga ito dahil nga tatlo lang kami. Nag grocery na kami kahapon pa kasama sa pinamili namin ay ang mga paper plates at plastic spoon and fork dahil wala naman kaming maraming plato. Mga kilala lang naman namin ang bisita namin pero swempre hindi pwedeng wala kaming bisitang kapit bahay na kahit hindi mo inimbitahan ay pupunta sila ng walang pasabi. Nag umpisa na kaming magluto ni Mama panigurado kasing magtatagal kami dahil marami kaming luluto. Separate kami ng niluluto ni Mama para mapabilis kami, nagluluto siya ng spaghetti at pancit naman ang sa akin. Natapos na kami ng tanghalian inaayos pa lang namin ang mga handa ni Mama ng magsidatingan ang mga kapit bahay namin kaya wala kaming magawa kundi ang asikasuhin sila, mas maganda na rin ito para kapag dumating ang mga bisita ni Papa at bisita namin ni Mama ay sila sila na lang ang nandito. Dalawa lang ang bisita ni Papa, 'yung ka workmate niya dahil iba iba sila ng day off 'yung dalawa lang ang kaparehas niya ng day off kaya inimbitahan ni Mama sa mga customers niya pero konti lang sila dahil ang iba hindi maagang lumalabas, swempre inimbitahan rin niya ang mga employee niya dahil sarado ang karenderya ngayon. Pinaimbitahan na rin sa akin ni Mama ang mga kaibigan ko at si Zoltan, pinasama ko na rin sa kanya ang mga kaibigan niya para makilala naman nina Mama at Papa. At swempre hindi mawawala sina Tita Penelope, every birthday day ay lagi silang dumadalo. "Alam mo sa birthday ko sabi ng anak ko na nasa abroad bongga ang gagawin niya," sabi ni Aling Pering na kasing idad lang ni Mama. "Malaki naman siguro ang sinasahod ng anak mo kaya magagawa niya iyon," sabi ni Mama. "Oo, kahit hindi nakapagtapos ang anak ko sa pag aaral nakahanap siya ng magandang trabaho," sabi niya, hindi ko alam kung tama ba ang nararamdaman ko pero parang nagmamayabang siya. "Kaya kung ako sa 'yo Abrianna 'wag mo ng pag aralin 'yang anak mo at pag ibang bansa mo na lang siya para makatulong naman siya sa inyo." Kumunot ang noo namin ni Mama sa sinabi niya. "Bakit ko naman gagawin iyon sa anak ko?" tanong ni Mama, pinapanatili pa rin niyang maging kalmado sa harapan ni Aling Pering. "Kesa naman kasi gumastos ka pa ng malaki sa pagpapaaral sa kanya, mas magandang pag abroadin mo na lang siya para hindi na kayo mahirapan pa," sabi ni Aling Pering. "Alam mo Pering, nasabi ko na ito dati hindi ko pinag aral ang anak ko para pagdating ng araw ay makatulong siya sa akin, pinag aral ko siya kasi ubligado ako na pag aralin siya dahil anak ko siya, hindi ako nag anak dahil lang gusto kong may tumutulong sa akin kaya nga isa lang ang anak namin para mabigay namin lahat ng gusto niya," mahabang sabi ni Mama, hindi naman naka-imik si Aling Pering. "Isa pa hindi naman ako nahihirapan na pag aralin siya dahil scholar ang anak ko, libre ang tuition fee niya kaya hindi ganun kabigat ang gastos ko sa anak ko pero kung hindi man scholar ang anak ko handa ko pa rin naman siyang gastusan lalo na ang malakas na ang kita ng karenderya namin." "G-Ganun ba," sagot ni Aling Pering kita ko ang pagkabalisa sa mukha niya. Paano ba naman kasi nagbubulungan na ibang mga kapit bahay namin. "Sige, alis na ako marami pa akong gagawin." Nagmamadali siyang umalis. Napatingin naman ako ng tumawa si Aling Rita, ang mabait na kapit bahay namin, siya ang pinaka kasundo ko dahil hindi siya gaya ng ibang kapit bahay namin na mga chismosa at laitera. "Bagay lang iyon sa babaeng iyon, napaka yabang niya porket nasa ibang bansa ang anak niya," sabi niya. "Mabuti na lang at sinagot mo ang babaeng iyon." "Ayoko naman siyang patulan pero 'yung anak ko na ang tinitira niya kaya hindi na ako nakapag timpi, anong karapatan niya na sabihin ihinto ko na lang ang anak ko sa pag aaral? Siya ba ang nagbabayad ng pag papaaral ko sa anak ko para magsabi siya ng ganun?" sabi ni Mama, kalmado man ang boses ni Mama, alam kong naiinis na siya. "Oo nga, mukha lang kasing pera iyon kaya tignan mo ginawang retirement ang mga anak niya," sabi ni Aling Rita. "Naaawa nga ako sa anak niyang nasa ibang bansa, ino-obligado niya na laging magpadala sa kanya ito tapos gusto niya pa malaki ang pinapadala nito. Hindi niya ba alam kung anong hirap sa ibang bansa para lang kumita ng pera, akala ba niya na ginto ang sine-sweldo ng mga ofw?" Dating OFW kasi si Aling Rita pero dahil sa sakit niya ay napilitan siyang nag retire, mabuti na lang malaki ang nakukuha niyang pensyon dahil sss ng yumao niyang asawa at ng sss niya kaya hindi siya nahihirapang maghanap ng pera para sa gamot niya. "Hindi ko alam kung bakit may mga magulang na ginagawang retirement ang mga anak nila na kapag nag sitrabaho na ang mga ito ay dapat may maibigay sila sa kanila, hindi ba nila naisip na may sariling mga buhay at pangangailangan ang anak nila? Bakit hindi nila hayaan na mag kusa ang mga anak nila na magbigay? Tapos kapag hindi nagbigay isusumbat lahat ng ginastos nila mula pagkabata eh ubligado naman nila ang mga ito," dagdag ni Aling Rita. Napatango naman kami ni Mama, ang hirap talaga kapag may ganung magulang kaya ang swerte ko kina Mama at Papa dahil kahit hirap kami sa buhay ay nabibigay nila ang pangangailangan ko pero sinamantala ko naman noon. Sa mga kabataan din 'wag sanang gawing emergency funds ang mga magulang na kapag walang wala na sa kanila na ito tatakbo lalo na ang mga menor de edad na nabubuntis ng maaga, na imbis na makapag pahinga na ang mga magulang nila sa pag aalaga at pagta-trabaho ay magkakaroon pa sila ng obliga na alagaan ang apo nila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD