AVYANNA'S POINT OF VIEW
"Happy birthday po, Tito," sabi nina Mikaella at Gianna saka binigay ang regalong dala nila.
"Naku, sana hindi na kayo nag abala," sabi ni Papa.
"Birthday po ang pupuntahan namin nakakahiya po kung wala kaming dala," sabi ni Gianna.
Nginitian naman sila ni Papa. "Maraming salamat," sabi niya. "Kumain na kayo doon."
"Sige po," sabi nila.
May dumating uli ng bisita kaya nagpaalam na sina Papa sa amin saka nilapitan ang bisita niya.
"Kaya pala ang ganda ganda mo may pinamanahan ka, ang ganda at ang gwapo ng mga magulang mo," sabi ni Mikaella.
"Salamat," sabi ko. Tuwang tuwa talaga ako kapag may nag ko-compliment sa magulang ko. "Kain na muna kayo."
Sasamahan ko sana silang kumuha ng pagkain nila ng dumating sina Tita Penelope kaya nagpaalam ako kina Mikaella at Gianna para baitiin sila Tita. Pagkatapit ko sa kanila agad akong nag mano.
"Ang blooming mo iha ah, mas gumanda ka kesa noong huli tayong nagkita," sabi ni Tita.
"Salamat po," sabi ko.
"Mukhang may nagpapasaya sa 'yo ah," sabi ni Tita. "May boyfriend ka na ba?"
Umiling naman ako. "Wala po Tita," sagot ko.
"Soon," sabat ni Mama.
"Ma, anong soon naman ang sinasabi mo?" takang tanong ko.
"Oo nga Abri, bakit mo na sabing soon?" tanong ni Tita.
"Naalala mo iyong lalaking tinulungan namin last year?" Tumango naman si Tita. "Nagpakita na kasi siya nung isang linggo at malakas ang pakiramdam ko na may gusto ito sa anak ko."
Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Ma! Anong sinasabi mo? Magkaibigan lang kami ni Zoltan," reklamo ko.
"May magkaibigan bang 'my princess' ang tawag sa iyo?" tanong ni Mama.
"Sweet lang po talaga si Zoltan," sabi ko.
"Oo, sobrang sweet nga niya na kapag naglalakad kayo nakahawak siya sa kamay mo," sbai ni Mama, na kinatahimik ko.
"Naku, sino ba iyang si Zoltan na iyan? Gusto ko tuloy siyang makilala," sabi ni Tita.
"Dadating siya mamaya, ipapakilala ko siya sa 'yo," sabi ni Mama.
"Excited na akong makilala siya, gusto kong malaman kung sino itong lalaking nagpapasaya kay Avyanna," sabi ni Tita.
ZOLTAN'S POINT OF VIEW
"Cancel all my appointment this day," I said to my secretary.
Today is my princess's father's birthday, I promise her that I going, even I have an important meeting I don't care, my promise to her is most important.
"Why sir?" my secretary asks.
"Just cancel my appointment," I said coldly.
"Pero sir, may importanteng meeting kayong dadaluhan mamayang hapon," she said.
I frowned. "I don't care, I have more important to do," I said.
"But sir..." she flinches when I slam my hand on my table.
"Who's the boss you or me?" I said coldly.
"K-Kayo sir," she stammered.
"Then why do you contradict what I say?" I ask.
"I-I'm sorry s-sir," she said while her head is down.
I sigh. "Do it again and you're fired. Do you understand?"
"Yes, sir."
"Out." She left quickly.
I leaned my back in my chair and loosened my necktie. I want to fire her but I remembered that Yanna wouldn't like what I was going to do, so I just calmed myself down. I don't her to be mad at me.
I remember when I met her, I was mesmerized by her beauty like I was seen as an angel and not only her face but also in her personality. She and her family did not hesitate to help me even I'm a stranger, they don't think maybe I'm a threat to them but they considered me as a visitor, not a bad person.
I am so thankful because they helped me without hesitation, so I will everything to reciprocate their kindness.
AVYANNA'S POINT OF VIEW
"Penelope, ito nga pala si Zoltan," pakilala ni Mama kay Zoltan.
Kita ko sa mukha nina Tita at Tita ang gulat ng makita si Zoltan. "Mr. Hansley?"
"Hello, Mr and Mrs. Abraham," sagot ni Zoltan.
"Magkakilala kayo?" tanong ko.
"Yes, he's my boss, sa company nila ako nag ta-trabaho bilang engineer," sagot ni Tito.
"Wow, what a coincidence," manghang sabi ko.
"Oo nga e, hindi ko akalain na siya iyong sinabi niyo akala ko ibang Zoltan ang sinasabi niyo," sabi ni Tita. "Kaya pala sinasabi pa kanina ni Abri na sobrang gwapo ng niligtas nila dahil sobrang gwapo talaga."
"Sabi ko sa 'yo," sabi ni Mama.
"Hindi na ako magtataka kung blooming si Avyanna," sabi ni Tita na kinalaki ng mata ko.
"Tita!" sabi ko pero tinawanan lang niya ako. Ano bang sinasabi niya? Nakakahiya kay Zoltan. "Sige, Tita papakainin ko lang si Zoltan." Kailangan kong alisin si Zoltan sa kanya dahil baka kung ano pang sabihin niya.
"Sige, mamaya na lang ulit," sabi niya.
Hinila ko na si Zoltan papunta sa handa. "'Wag mong pansinin ang mga sinasabi ni Tita ha? Ganun talaga iyon," sabi ko sa kanya.
"It's okay," nakangiting sabi niya.
"Sige na kumuha na tayo ng pagkain," sabi ko, hindi pa talaga ako kumakain dahil hinihintay ko siya, gusto niya kasi na sabay kaming kumain kaya nagtiis na muna ako kahit gustom na ako.
"Okay," sabi ko saka tinuloy ang pagkuha ng pagkain. "Doon tayo sa pwesto ng mga kaibigan ko." Iniwan ko sandali ang dalawa para sunduin itong si Zoltan, ayos lang naman sa kanila basta ipapakilala ko ito sa kanila, gusto nilang kasi itong makausap mula ng malaman nila na magkakilala kami.
"Zoltan heto pala ng mga kaibigan ko si Mikaella at Gianna," pakilala ko sa dalawa paglapit namin sa kanila.
"Hi," sabi ni Zoltan.
"Hi, Mr. Hansley," sabay na sabi ng dalawa.
"Just call me. Zoltan, you're Yanna friend, so you also my friend," sabi ni Zoltan.
Kinilig naman si Mikaella. "Sige, Zoltan," sagot niya..
"Maghunus dili ka nga, tandaan mo kay Yanna na iyan," sabi ni Gianna na kinalaki ng mata ko kaya sinipa ko siya sa ilalim ng lamesa pero nginisian niya lang ako.
"Oo nga pala," sagot ni Mikaella. "Grabe, hindi pa rin kami makapaniwala na magkakilala pala kayong dalawa, hindi man lang niya nasabi sa amin."
"Kailangan ko bang ikwento iyon?" tanong ko.
"Oo naman 'no para naman hindi kami nagugulat na kilala mo ang may ari ng school," sabi ni Mikaella.
"Eh hindi ko rin naman alam na siya ang may ari ng school dati eh," sagot ko.
Paano ko sasabihin clueless din ako, saka hindi ko naman talaga totally kilala si Zoltan.
"Yeah, me too," nakangiting sabi niya.
"Hindi ko alam kung mas sweet ba ang cake na kinakain natin o 'yung dalawang nasa harapan natin," sabi ni Mikaella kaya nakuha ang atensyon namin.
"Oo nga," sang ayon ni Gianna.
"Baliw talaga kayong dalawa," sabi ko. "Kain na nga tayo."
Baka kung saan pa ito mapunta, nakakahiya kay Zoltan. Magkaibigan lang naman kami, ayoko namang maging awkward siya sa akin dahil sa sinasabi ng dalawa. Isa pa wala pa akong balak magmahal ulit dahil hindi pa ganun kahilom ang sugat sa puso ko ng dahil kay Justin at ayoko namang i force ang sarili ko na magmahal pa ng ibang lalaki baka masaktan ko lang ito.
Ang mahalaga lang naman sa akin ay may mga kaibigan ako sa tabi ko na laging nandiyan sa akin at alam kong totoo sila sa akin, iyon muna ang gusto kong pagtuunan ng pansin kesa sa magmahal ng lalaki na maaring masaktan ulit ako.
TAPOS na ang party ni Papa pero hindi pa umuwi sina Zoltan at mga kaibigan niya at nakikipag inuman kay Papa, close na nga agad kay Papa ang kaibigan ni Zoltan para bang ang tagal tagal nilang magkakilala.
"Papa tama na iyan lasing ka na," awat ko ng makita kong bagsak na siya.
"Di ako lashing," sabi niya pero pagewang gewang na siya.
"Lasing ka na pa," sabi ko.
Tinulungan ako ni Zoltan na buhatin si Papa para ilagay sa kwarto nila ni Mama, agad naman inasikaso ni Papa.
"Hindi ka pa ba lasing? Marami ka ng nainom," sabi ko.
"Just tipsy, mataas ang tolerance ko sa alak," sabi niya.
"Sigurado ka? Dito na lang kaya kayo matulog," sabi ko.
"Malalaki kaming tao kaya hindi kami kakasyang tatlo dito," sabi niya.
Sabagay, maliit nga lang ang bahay namin saka wala na rin pala kaming extrang unang at sapin. Kaya lang nag aalala ako baka mapahamak sila.
"Baka maaksidente kayo," sabi ko.
"Kaya pa naman namin mag drive don't worry," sabi niya.
"Pero..." sabi ko.
Nginitian niya ako saka ginulo ang buhok ko. "May malapit na hotel naman dito, doon na lang muna kami. Kaya 'wag ka ng mag alala."
Napabuntong hininga namana ko. "Okay, basta mag ingat kayo ah? Dapat kasi hindi na kayo pumayag makipag inuman kay Papa."
"Nakakahiya naman kung tatanggihan namin birthday pa naman niya," sagot niya.
"Naiintindihan ko, basta mag ingat na lang kayo ha?" sabi ko.
"Yes," sabi niya pagkatapos hinalikan niya ako sa noo. "Bye alis na kami."
"Okay," sabi ko.
Hinatid ko sila sa labas, hinintay ko munang makaalis sila bago ako pumasok sa loob para magligpit na ng pinagkainan.
"ALAM MO BAGAY naman kayo ni Zoltan bakit hindi na lang maging kayo? Tutal di mo na rin mahal si Justin diba?" sabi ni Mikaella habang kumakain kami dito sa canteen.
"Hindi ganun kadali," sagot ko sa kanya.
"Bakit naman," tanong ni Mikaella.
"Hindi laro ang pagmamahal, hindi iyon katulad ng pagkakaroon ng crush na kapag nawala na ang pag ka crush mo sa isang lalaki ay makakahanap ka agad ng lalaking magiging crush mo, pero iba ang pagmamahal. Kapag nagmahal ka kailangan mong maging handa, maghanda sa sakit na mararamdaman mo dahil hindi mawawala ang sakit sa pagmamahal at ayoko munang maramdaman ang sakit. Quota na ako sa naramdaman kong sakit ko mula ng minahal ko si Justin," mahabang paliwang ko. "Isa pa, ayokong pilitin ang sarili ko na mahalin si Zoltan dahil lang sinabi niyo na bagay kami. Oo mahalaga siya sa akin at magaan ang loob ko sa kanya pero alam kong hindi pagmamahal ang nararamdaman ko sa kanya."
"Pero kung darating ang panahon na mahalin mo siya ayos lang sa 'yo na maging kayo?" tanong ni Mikaella.
"Yes, kung minahal ko siya bakit hindi diba? Mabait siya, maalaga at sweet pero for now kaibigan na muna kami," sabi ko.
Tumango naman siya. "Well, tama ka naman, hindi mo nga naman mapipiliit ang isang tao na mahalin ang hindi niya mahal. Pasensya na, naging immature ako pagdating sa pag ibig."
"It's okay, hindi mo pa kasi nararamdaman iyon kaya akala mo ganun lang kadali pero kapag nagmahal ka na maiintindihan mo rin ako," sabi ko.
Napabuntong hininga naman siya. "Sana nga dahil gusto ko ng magkaroon ng boyfriend," sabi niya.
"Naku, 'wag mo munang madaliin i-enjoy mo na lang muna ang pagiging single mo, darating at darating naman iyan," sabi ko.
"Oo nga," sang ayon ni Gianna.
"Tama kayo baka kasi kapag may boyfriend ako hindi na ako makakapaglandi sa mga gwapo," sabi niya, ito talaga basta talaga gwapo, hanggang ganyan lang naman iyan magpapantasya sa mga gwapo pero hindi naman niya personal na nilalapitan.
"Basta kapag nag ka boyfriend ka na 'wag ka ng mag pantasya sa mga lalaki ah," sabi ko.
"Oo naman, basta siya rin 'wag tumingin tingin sa mga babae," sabi niya.
PAPAALIS na sana ako ng cooking room namin ng tawagin ako ng Prof ko.
"Bakit po?" tanong ko saka lumapit sa kanya.
Nabalitaan mo naman siguro na magkakaroon ng cooking contest next month, diba?" tanong niya.
"Opo," sagot ko.
Gumawa sila ng cooking contest para malaman kung sino ang ilalaban nila sa national cooking contest. Sikat na sikat para sa mga maging chef dahil kapag nanalo dito ay malaking tyansa na may kumuha sa kanila na malalaking restaurant pero mga students lamang ang maaaring sumali sa ganitong contest.
"Napagkasunduan kasi namin na isali ka doon," sagot niya na kinagulat ko.
"Po? Pero first year pa lang po ako," sabi ko, ang alam kong pwede lang sumali ay ang mga senior students ng culinary.
"Yes, freshmen ka palang pero 'yung skills mo above average na, kaya mo ng makipagsabayan sa mga seniors," paliwanag niya.
"Hindi po ba magiging unfair ito sa mga senior?" tanong ko.
"Hindi naman dahil maglalaban laban naman kayo, wala silang dapat ikabahala kung may mapapasaling first year sa contest," sabi niya.
"Pero sapagkakaalam ko po hindi pinipili ang mga sasali sa contest, nagkakaroon din sila ng mini contest para maging representative ng section nila tapos ako pinili lang," sabi ko.
May sampong section sa kada year, hindi naman kasi madami ang mga estudyante sa isang classroom mga nasa 20 lang para mas ma focus nila ang mga estudyante kaya hinati hati nila sa sampo.
"Gaya ng sabi ko kanina, kasing level na ng skills mo ang mga seniors kaya pinili ka namin wala ka namang makakalaban dahil beginner pa lang ang mga kaklase mo," sabi niya.
"Pero paano po kung magalit sila kapag nalaman nila na may kalaban silang first year?" tanong ko.
"Kapag nagalit sila ibig sabihin hindi sila panatag sa skills na meron sila, hindi sila matatakot na magkakaroon sila ng kalabang first year," sabi niya.
May point siya, hindi nila kailangan matakot dahil lamang may nakasaling first year sa contest. Ayos din na sumali ako para marami pa akong ma experience sa pagluluto.
"Sige po, sasali ako," sabi ko.
Napangiti naman siya. "Good, bukas na bukas umpisahan na kitang tutukan para mas gumaling ka pa at tuturuan kita ng mga advance skills para mas mabihasa ka pa lalo."
"Okay, sir," sabi ko.
"WOW, CONGRATS," masayang sabi ni Mikaella at Gianna.
"Thank you," sabi ko sa kanila.
"So, ikaw pa lang ang kauna unahan na first year na isasali nila sa contest?" tanong ni Mikaella.
"Oo, kaya medyo na pe-pressure ako," sabi ko.
"Pero alam namin na kaya mo, hindi ka naman kasi kukunin para maisali sa contest kung hindi ka magaling," sabi niya.
"Tama, hindi naman sila basta basta pipili na lang diba?" sabi ni Gianna.
"Nakakakaba pa rin naman dahil seniors ang mga kalaban ko," sabi ko.
"'Wag kang kabahan at kung ano man ang maging resulta ayos lang at least you try your best," sabi ni Mikaella.
"Oo nga, nandito naman kami para suportahan ka," sabi ni Gianna.
"Maraming salamat," sabi ko.
"Best friend ka namin kaya susuportahan ka namin kahit pa anong maging resulta," sabi ni Mikaella.
NAGSIMULA na ang araw na tinututukan ako ng Prof ko sa pagtuturo, tinuruan niya ako ng mga bagay na hindi ko pa nalalaman. Mahina ako pagdating sa paghihiwa doon niya ako mas finocus talaga, itinuro niya sa akin ang mabilis na paghiwa ng hindi nasusugatan.
"Yes, Princess?" tanong ni Zoltan matapos niyang sagutin ang tawag ko.
"Gusto kong sanang itanong kung nasaan ang office mo," sabi ko.
"Why?" tanong niya.
"Basta, sabihin mo na," sabi ko.
"Okay, okay," sabi niya saka sinabi sa akin ang location ng office niya.
"Sige, salamat," sabi ko.
"It's okay, basta ikaw," sabi niya.
"Sige, mamaya na lang ulit alam kong busy ka," sabi ko.
"Okay, bye," sabi niya.
"Bye," sabi ko.
Pinatay ko na ang tawag pagkatapos itinuloy ko na ang pagbabalot ng pagkain na niluto ko. Balak kong dalhan ng pagkain si Zoltan para ipatikim ang niluto ko saka nag promise rin naman ako na ipagluluto ko siya. Sayang naman kasi ang mga niluto ko kaya dadalhan ko na lang si Zoltan, pinamigay ko na rin naman ang iba pero may natira pa.
Nasa school pa ako pero pwede akong lumabas anytime dahil excuse ako sa lahat ng klase ko dahil tapos na akong mag practice pwede na akong lumabas pero babalik pa naman ako para magtambay sa library, ayoko naman kasing mahuli ako sa lesson kaya mag se-self study ako.
Paglabas ko ng school nagpara ako ng taxi, ayaw kasi ni Zoltan na sumakay ako ng jeep kaya magtataxi na lang ako. Mahirap na baka makita ako at mapagalitan pa ako para kasing may mga mata siya dahil nalalaman niya kung sumakay ako ng jeep o hindi. Pagsakay ko sa taxi sinabi ko kay Manong driver ang location ng company ni Zoltan.
"Thank you po Manong," sabi ko sa taxi driver pagbaba ko ng taxi niya, swempre nagbayad na ako bago bumaba.
Naglakad na ako papunta sa loob saka pumunta sa reception para itanong kung pwedeng pumunta sa office ni Zoltan.
"May appointment ka ba?" tanong ng babaeng receptionist, hindi siya kagaya ni Ate Barbie na kalmado lang pero siya ang maldita ng tono ng boses niya may pagkairita rin.
"Wala," sagot ko.
"Kung ganun bawal kang pumunta doon," sabi niya.
"Kilala naman ako ng boss niyo, gusto ko lang naman siyang i-surprise kaya wala akong appointment," sabi ko.
"Miss, luma na iyang palusot mo, pare-parehas lang kayong mga malalanding babae na dahilan ng mga naghahanap kay Mr. Hansley," mataray na sabi nito.
"Hindi naman niya ako babae, kaibigan niya ako. Sige na please? I-su-surprise ko lang naman siya," sabi ko.
"Tsk, ang kulit mo, sinabi ng hindi pwede umalis ka na bago pa kita ipakaladkad," sabi niya.
Magsasalita na sana ako ng may biglang nag salita. "What happened here?" Napatingin kami doon at napangiti ako ng makita kong si Zoltan ito.