Chapter 1

1418 Words
AVYANNA'S POINT OF VIEW Iniisip ko pa mula kanina ng magising ako kung papaano ako nabalik sa nakaraan. Nagtaka ako kung bakit nakikita ko ang mga gamit namin sa dati naming bahay na tinitirahan at hindi ako tanga para sabihin ko na patay na ako dahil napakalabong mangyari na may ganito sa kabilang buhay. Kahit hindi ko pa nakita ang kabilang buhay, aware ako na hindi ganito ang makikita ko at isa pa wala akong dapat maaalala dahil yan lagi ang sinasabi ni nanay. Kaya hindi ko maisip na patay na ako, ang mas iniisip ko ngayon kung paano ako bumalik sa nakaraan? Pero anong taon ba ako bumalik? Tumingin ako sa kalendaryong nakasabit sa likod ng pinto at nakita kong nakalagay doon ang 20** ang year na nakalagay doon. So, bumalik ako nung 17 years old ako? Kahit naguguluhan ako hindi ko pa rin maiwasang maging masaya. Masaya ako dahil lahat ng pagkakamaling nagawa ko noon ay pwede ko ng maitama. Pwede ko ng mabago ang future ko dahil sa pagbabalik ko sa nakaraan. Hindi ko alam kung anong swerte ang dumikit sa akin kung bakit bigla akong bumalik sa nakaraan. Swerte? Bigla kong naalala yung matandang lalaki na pinagbilhan ko ng kwintas dahil sinabi niyang swerte ito. Hindi kaya yung kwintas ang may kagagawan ng pagbalik ko sa nakaraan? Kung totoo yun nagpapasalamat ako doon sa matandang lalaki at sa kwintas. Sobrang laki ng natulong nila. "Anak gising ka na ba?" napatingin ako bigla sa nagsalita at bigla akong napaiyak ng makita ko si mama. Tumayo ako at niyakap siya. "Oh anak," gulat na sabi ni mama. "Anong nangyari sayo? May napaginipan ka bang masama?" umiling naman ako. "Kung ganun bakit ka umiiyak?" Kumalas ako ng yakap sa kanya at tumingin sa kanya. "Masaya lang ako mama." nakangiting sabi ko. Sa dating buhay ko, namatay si mama dahil sa depression. Hindi niya nakayanan ang sobrang dami naming utang, idagdag mo pa na namatay si papa sa sakit niya. "Hay, naku anak, kumain ka na ng almusal, kung ano ano ng sinasabi mo" sabi ni mama. Aalis na sana siya pero agad ko siyang pinigilan. "Bakit?" tanong niya. "Ma," naiiyak na sabi ko. "I'm sorry" nakita ko ang pagkagulat sa mukha niya. "I'm sorry sa pagiging pasaway kong anak, I'm sorry kung hindi ako nag aaral ng mabuti. I'm sorry sa lahat mama" Noon hindi ako naging mabuting anak, sarili ko lang ang iniisip ko. Hindi ko iniisip ang hirap na pinagdadaan nila. Nag aaral ako sa isang private school, kahit hindi kaya nina mama ang tuition nagpumilit ako dahil gusto kong makipag sabayan sa mga mayayaman. Lagi din akong humihingi ng malaking allowance at kapag maliit lang nagagalit ako sa kanila. Kaya karma ko na ang nangyari sa akin dahil sa pinanggagawa ko sa mga magulang ko. Galit na galit ako sa sarili ko dahil sa ginawa ko kaya lahat ng masasamang nagawa ko ay bumalik sa akin. Naghirap ako at hindi naging maganda ang buhay ko pero ngayon hindi ko na uulitin ang nangyari sa nakaraan. "May nakain ka bang masama? Nilalagnat ka ba?" nilagay niya ang kamay niya sa noo ko. "Hindi ka namn nilalagnat" napangiti na lang ako sa inasal niya. Ang hirap nga namang paniwalaan ang biglang pagbabago ko kaya hindi ko masisisi si mama kung hindi siya maniwala. "Ma, wala po akong sakit." paniniguro ko sa kanya. "Alam kong mahirap paniwalaan ang sinabi ko pero totoo po ito. " nginitian ko siya para mas maniwala siya. Nakita ko siyang naluluha at napatakip ng bibig. "Salamat naman at naisip mo yan, akala ko hindi mo na maaayos ang buhay mo. Natatakot ako na baka isang araw mapariwara ang buhay mo." napangiti naman ako. Naranasan ko na iyon mama pero this time hindi ko na hahayaan na mangyari pa ulit iyon. "Pasensya na po mama kung ngayon ko lang na realize ito," sabi ko. "Pero ngayon makakasiguro kayo hindi na ako babalik sa dati, aayusin ko na ang pag aaral ko." Mas lalong naiyak si mama at niyakap ako. Napaiyak na din ako dahil ngayon ko lang ulit naramdaman ang yakap ni mama dahil sa pagiging pasaway ko. Naabutan kaming ganun ni papa. Nagtanong ito kung bakit umiiyak kami ni mama, sinabi ni mama ang nangyari kaya pati siya napaiyak na din at niyakap kaming dalawa ni mama. Sobrang tuwang tuwa sila sa sinabi ko na mag babago na ako. Kung sanang ginawa ko ito noon sana mas maaga kong nakita ang mga ngiti ng magulang ko. MABUTI na lang last day na ng school ng makabalik ako sa nakaraan atleast may time ako na baguhin ang sarili ko habang bakasyon. Maghahanap din ako ng part time job para matulungan ko sina Mama at Papa sa tuition fee ko, hindi na ako pwedeng kumuha ng scholarship dahil huling taon ko na rin naman bilang high school kapag nag collage na lang ako kukuha ng scholarship at this time sisiguraduhin ko na makaka graduate ako ng high school para matupad ko ang pangarap ko at ni Mama na maging chef ako. Itong araw din ito ang huling araw na aayusin ko ang gusot na ginawa ko sa school para kapag pumasok ako sa susunod na pasukan ay maayos akong makakapag aral na walang nanggugulo sa akin. "Good morning Mama, Papa," bati ko sa kanila pagdating ko sa lamesa namin. "Good morning anak," sabay na sabi nila. "Kain ka na anak para may lakas ka sa school mo," sabi ni Mama. "Opo," sabi ko. Ang saya ko dahil makakasama ko na sila na kakain ng almusal. Dati kasi lagi akong umaalis ng hindi sumasabay sa kanila. Mas gusto ko kasing kumain sa school kasabay ang mga kaibigan ko para makipagsabayan sa kanila kahit na sobrang mahal ng mga pagkain sa school. "Mama, pwede po ba na magbao ako? Ang mahal kasi ng mga pagkain sa school," sabi ko. Ngumiti naman si Mama. "Oo naman anak," sabi ni Mama. "Wait lang pagbabalot muna kita sa niluto ko." May maliit na karendirya kasi kami dahil masarap magluto si Mama pero nalugi lang noon dahil lagi akong kumukupit ng pera sa kaha. Wala ng pambili ng iluluto ni Mama kaya nag desisyon na lang siya na ipasara na lang ito. "Heto anak ang baon mo." "Salamat po Mama," sabi ko. After kong kumain ng almusal nagpaalam na ako sa kanila na aalis na ako. "Baon mo anak," sabi ni Mama at inabot sa akin ang isang libo. Napatitig naman ako sa isang libo, dati galit na galit ako kay Mama kapag binibigyan lang niya ako ng isang daan. "Ano ito? Bakit isang daan lang anong tingin niyo sa akin elementary student?" galit na sabi ko kay Mama. "Anak iyan lang ang pera ko, hindi ganun ka ganda ang kita ng karinderya," sabi ni Mama. "Wala akong pakielam, pagtatawanan ako ng mga kaibigan ko kung ganyan lang ang pera ko tsaka tubig lang ang mabibili ko sa isang daan na iyan," sabi ko sa kanya. "S-Sige anak, maghihiram lang muna ako sa kapit bahay," sabi ni Mama. Napaka spoiled brat ko talaga noon kahit walang wala na kami gusto ko lahat ng gusto ko nakukuha ko kahit imposibleng maibigay ni Mama dahil hindi naman kami mayaman. "'Wag na po Mama may baon naman po ako na pagkain," sabi ko sabay taas ng baon ko. "Malapit lang din naman ang school kaya lalakarin ko na lang." "Pero paano ang pang miryenda mo?" tanong ni Mama. "Kahit hindi na po ako mag mimiryenda marami naman po ang pinabaon niyo kaya paniguradong busog pa ako isa pa kaya nga ako nagpabaon kasi nga po mahal ang paninda sa school namin," sabi ko. Ngumiti naman si Mama. "Nagbago ka na talaga anak," sabi niya. "Swempre po, sige po alis na ako," sabi ko. "Sandali anak, hindi pwedeng wala kang kainin sa miryenda baka bigla kang gutumin, panggawa muna kita saglit ng sandwich," sabi ni Papa. Matapos akong gawan ng sandwich ni Papa nagpaalam na ako sa kanila. Paglabas ko ng bahay sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin. Napatingin ako bigla sa daan ng makita ko ang taxi na mabilis na dumaan dati laging taxi ang sinasakyan ko kahit na malapit lang ang bahay namin sa school. Napailing na lang ako tsaka nag umpisa ng maglakad pagdating ko sa school napatingin sa akin ang ibang mga estudyante, may pagtataka sa mukha nila siguro dahil nagtataka sila kung bakit hindi ako pumasok ng naka taxi pero hindi ko na lang sila pinansin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD