Chapter 2

1386 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Pare, narinig niyo ba ang balita?" sabi ni Tj na may hawak ng bola. "'Yung bang nakita nilang naglalakad papasok si Avyanna" sabi ni Albert na nakaupo sa sahig. "Oo' 'yun nga, himala nga na naglakad iyon," sabi niya. "Totoo nga iyong sinabi ni Justin na mahirap lang talaga sina Avyanna pero pinipilit niya pa ring makibagay sa mga mayayaman," sabi ni Lily, ang girlfriedn ni Tj. "Social climber kasi siya," sabi ni Veronica, kaibigan ni Lily. "At ang sabi pa ng iba nagbaon daw ito ng pagkain niya." "Wala na talaga silang pera," sabi ni Lily. "Well, speaking of Avyanna, ayun siya oh mukhang lalapitan na naman si Justin." "Oo nga, tara videohan natin para naman may pagtawanan tayo," sabi ni Lily. Sumang ayon naman ang mga kasama niya tsaka nilapitan sina Avyanna at Justin. Sa kabilang banda, matapos kumain ng lunch ni Avyanna naisip niya na hanapin si Justin, ang lalaking crush na crush niya noon. Patay na patay siya dito, lagi niyang nilalapitan ito kahit na lagi siyang nirereject. Nakilala niya noon si Justin noon bata sila, magkaibigan kasi ang mga magulang nila. Namangha siya ng makita si Justin kamukha nito ang mga prince charming na napapanood niya at mula noon lagi niya itong ginugulo dahil para sa kanya ay prince charming niya ito. Lagi lang naman siyang pinagtatabuyan pero wala siyang pakielam ang mahalaga lang sa kanya ay matupad ang pangarp niya na maging boyfriend ito. "Ano na namang kailangan mo, Avyanna," inis na sabi ni Justin. Nawalan na siya ng gana ng makita niyang lumapit ito sa kanya. Kahit lagi niyang nire-reject hindi siya tinitigilan kahit pinapahiya na niya ito parang wala itong pakielam. "Kung nandito ka para magpapansin na naman 'wag mo ng ituloy dahi---" Hindi na niya natuloy ang pagsasalita niya at napalitan ng gulat ng yumuko si Avyanna. "I'm sorry," sabi nito. "W-What?" gulat na tanong niya. Tumayo naman ito ng tuwid. "I'm sorry dahil ginulo ko ang buhay mo," sabi nito pagkatapos ngumiti. "Na realize ko kasi na mali pala ang ginawa ko." "Mabuti naman naisip mo iyan," sabi niya ng makabawi sa gulat. "Pasensya na talaga, kaya ko lang nagawa ang mga bagay na iyon dahil sa pantasya ko na magkakaroon ako ng prince charming. Nung una kitang nakilala noon para akong nakakita ng isang anghel at sabi ko sa isip ko na ikaw ang prince charming ko kaya ginawa ko ang lahat para magkagusto ka sa akin pero hindi ko alam na maiinis ka sa ginagawa ko, na nagugulo ko na pala ang buhay mo dahil lagi na lang akong sumusulpot sa kung saan saan. Pasensya na talaga, hindi ko na uulitin ang ginawa ko, hindi ko na ulit guguluhin ang buhay mo," mahabang sabi ni Avyanna tsaka mabilis na umalis dahil sa hiya. Naiwan naman na nakatulala si Justin pati na rin ang mga estudyanteng nakikinig sa pinag usapan nila. Hindi nila akalain na sasabihin iyon ni Avyanna dahil kilalang kilala nila ito kahit sobra na ang pamamahiya ni Justin sa kanya wala pa rin itong pakielam kaya nakakagulat ang ginawa niya ngayon. "Tingin mo totoo ang sinabi niya?" "Hmmp, baka nagkukunwari lang iyon para maawa si Justin sa kanya." "Sabahay tama ka, nagpapaawa lang siguro siya para pansinin naman siya ni Justin." "Tama ka, nag iilusyon siguro siya na hahabulin siya ni Justin." "Oo nga, tignan natin sa pasukan paniguradong babalik iyon sa dati." Napaisip naman si Justin sa narinig niya, mukhang tama sila sa mga sinasabi nila. "Tsk, kung inaakala niyang hahabulin ko siya nagkakamali siya, hinding hindi ko siya hahabulin," sabi niya AVYANNA'S POINT OF VIEW Matapos ng klase agad akong umuwi ahil tutulungan ko si Mama sa pagtitinda niya, masarap magluto si Mama kaya maraming kumakain doon lalo na at malapit lang ang karinderya namin sa mga kumpanya. Mas pinipili nilang kumain sa amin dahil masarap na mura pa kaya sobrang laki ng tipid sa kanila iyon, iyun talaga ang inisip ni Mama kaya niya minurahan ang pagkain dahil sa mga nagta-trabaho para kahit malayo sila sa pamilya nila nakakain pa rin sila ng lutong bahay na hindi mabigat sa bulsa. Magandang strategy iyon dahil kahit mura ang pagkain pero marami ang kumakain mas mabilis ang kita kesa naman sa mahal pero walang kumakain malulugi lang. Hindi naman nalulugi si Mama kahit mura ang pagkain niya malaki laki rin naman ang kinikita niya, swempre hindi naman magpapalugi si Mama pinag isipan niya talaga iyun bago siya nag benta. "Anak, anong ginawa mo dito?" tanong ni Mama pagdating ko sa karenderya namin. "Tutulong po ako dito Mama," sabi ko. "Naku, magpahinga ka na lang sa bahay kakauwi mo lang ng school," sabi niya. "Ayos lang po ako Mama, maiinip lang po ako sa bahay kaya dito na lang ako," sabi ko. Napabutong hininga naman siya. "O siya, ikaw talagang bata ka oh," sumusukong sabi niya. "Ito suotin mo ito para hindi madumihan ang uniform mo." Binigay niya sa akin ang apron. "Mama, ituro mo po sa akin kung paano ang gagawin," sabi ko. "Ganito," sabi niya tsaka niya itinuro sa akin ang mga dapat kong gagawin. Kung ilang tagal ng ulam at kanin ang ilalagay ko sa plato. ~ "ANAK ka pala ni Ising," sabi ng isang customer. "Opo," sabi ko. "Ngayon lang kita nakita dito ah," sabi niya. "Ngayon lang po kasi ako tumulong," sabi ko. "Mabuti naman tinulungan mo na ang mama dahil sobrang daming tao dito tapos mag isa lang siya," sabi niya. "Oo nga po kaya na gu-guilty ako na hindi po siya tinutulungan," sabi ko. "Pero at least tinutulungan mo na siya ngayon," sabi niya. "Alam mo bang nagpapasalamat ako sa mama mo na hindi niya tinataas ang presyo ng pagkain niya dahil nakakain pa rin ako ng lutong ulam." "Mabait po kasi talaga si Mama inaalala niya niyo po kayong mga nagta-trabaho, nag trabaho rin po kasi siya noon gaya niyo," sabi ko. "Mabuti pa ang mama iniitindi ang gaya namin, iyon kasing canteen sa company namin sobrang mahal ng tinda nila akala nila ang tataas ng mga sahod namin," sabi niya. "Baka po mahal ang renta nila kaya ganun kamahal ang tinda nila," sabi ko. "Sabagay tama ka," sabi niya. "Miss isang sinigang at dalawang takal ng kanin nga," malakas ni ng isang customer. "Sige po," sagot ko dito tsaka humarap ulit sa kausap ko. "Sige po, aasikasuhin ko muna po siya." "Sige," sabi niya. Nagpunta ako sa pagkain namin tsaka kinuha ang order ng customer. "Heto na po ang order niyo," sabi ko sa kanya paglapit ko. "Salamat," sabi niya. "Bagong staff ka ba dito?" "Hindi po, anak po ako ng may ari nito," sabi ko. "Ahh, so tinutulungan mo lang mama mo?" sabi niya. "Opo, wala na rin naman pong pasok," sabi ko. "Maganda nga iyan kesa sa nakatambay ka lang sa bahay," sabi niya. "Oo nga po," sabi ko. Nang maggabi na, dumating na si Papa kaya sinara na namin ang karenderya namin. Laging sinusundo ni Papa si Mama dahil ayaw niyang mapahamak si Mama lalo na maganda si Mama hind siya mukhang 43 parang nasa 20's lang siya. Isa rin iyon sa dahilan kung bakit maraming lalaking customer sa karenderya namin. "Akala ko kung saan ka na nagpunta nandito ka lang pala sa karenderya," sabi ni Papa habang naglalakad kami papunta sa bahay. Wala naman kaming sasakyan kaya naglalakad lang kami, ayos lang naman dahil malapit lang naman ang bahay namin. "Naisip ko po kasing tulungan si Mama, Wala na rin naman po akong pasok," sabi ko. "Kaya nga hindi na ako pagod ngayon dahil sa tulong siya," sabi niya. "Don't worry Mama hindi ka na mapapagod ulit dahil tutulungan na kita lagi," sabi ko. "Ayos lang naman na paminsan minsan para naman may time ka sa sarili mo," sabi niya. "Wala pa naman po akong gagawin ngayong bakasyon kaya tutulong muna ako," sabi ko. "Salamat anak," sabi niya. "Proud kami sa 'yo dahil nagawa mong baguhin ang sarili mo," nakangiting sabi ni Papa. Ang sarap pala sa pakiramdam na proud sa 'yo ang magulang mo, kung sanang naisip ko noon ito edi sana hindi ko naranasan iyon pero may magandang dulot pa rin naman iyon dahil mas natuto ako sa naranasan ko. "Mahal na mahal ko po kayo Mama, Papa," sabi ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD