Chapter 3

3003 Words
AVYANNA'S POINT OF VIEW Bakasyon na kaya tinutulungan ko lang si Mama sa karinderya niya, marami na akong nagiging kaibigan sa mga nagiging customer ni Mama, lahat sila mababait at sobrang nakakatuwa dahil lagi nilang sinasabi sa akin kung gaano kabait si Mama , nakahit kulang ang pera nila binibiyan pa rin sila ng sapat na ulam para makakain sila kaya para makabawi sa kabaitan ni Mama nag I-invite sila ng mga ka-workmate nila na sa karenderya na lang namin sila kumain. "Yana isang kare-kare at dalawang kanin," sabi ni Kuya Ian pagkaupo niya sa lamesa, isa sa mga ka-close ko. "Okay, Kuya," sabi ko. Nakakatuwa lang dahil sinabihan nila akong tawagin silang Ate at Kuya halos lahat kasi sila ay matatanda lang ng ilang taon sa akin habang ang mga kaidad ni Mama, Tito at Tita ang pinatawag nila sa akin. "Here's your order," sabi ko kay Kuya Ian at nilapag ko sa harap niya ang order niya. "Salamat," sabi niya.Maraming mga customer ngayon kaya busy kaming dalawa ni Mama, hindi ko na nakakausap ng maayos ang mga customer na ka close ko na madalas ka kwentuhan ko. Sobrang nakakapagod kaya mas lumaki ang pag hanga ko kay Mama dahil na kaya niyang mag isa na asikasuhin ang mga customer tapos siya pa ang nag ka-cashier. Mas lalo akong nakaramdam ng guilty dahil ganito pala ang nararanasan niya habang ako pasarap lang ang buhay, sobrang napapagod si Mama sa trabaho niya pero ako puro hingi lang ng pera ang alam ko. Kaya mas lalo akong magpupursige na makapag tapos ng pag aaral at bigyan ng magandang buhay sina Mama at Papa. "MA, MAGPAHINGA na kayo diyan ako na lang bahalang magluto," sabi ko. "Kaya mo ba anak?" nag aalalang tanong niya. "Opo, kayo nga po na kaya niyo, swempre kakayanin ko rin po," sabi ko. "Kung ganun, ikaw na munang bahala sa karenderya," sabi niya. May sakit si Mama ngayon kaya ako muna ang bahala sa karenderya pero si Mama pilit pa ring gustong pumunta sa karenderya pero hindi ako papayag na magtrabaho siya. "Opo Ma, don't worry," sabi ko saka umalis ng bahay dala dala ang ingredients para sa lulutuin para sa karenderya. Napayakap naman ako sa sarili ng maramdaman ko ang malamig na hangin, madaling araw pa kasi ganitong oras kasi nagigising si Mama para magluto ng ulam para sa karenderya namin.Pagdating ko sa karenderya agad akong pumasok gamit ang susi pagkatapos nagpunta sa kusina para magluto na. Pagluluto na talaga ang hilig ko noon pa pa lang pero dahil sa naging kaibigan ko noon na ang abba ng tingin nila sa mga chef kaya hininto ko ang pangarap ko na maging chef at makihalubilo sa mga mayayaman kong kaibigan pero sila pala ang magiging dahilan ng pagkasira ng buhay ko pero ngayon sisiguraduhin ko na matutupad ko na ang pangarap ko kahit pa mababa ang tingin ng iba sa mga chef wala akong pakielam. 10am na ako natapos magluto kaya nilagay ko na sa lalagyan ang mga niluto ko pagkatapos 'nun binuksan ko na ang karenderya. Agad na nagkaroon ng customer, hinihintay talaga nilang magbukas ang karenderya namin, kung kaya lang ni Mama baka pati umaga ay bubuksan niya pero dahil nagluluto pa siya hindi niya mabuksan ng maaga. "Nasaan ang Mama mo?" tanong ni Tita Camille. "Nasa bahay po, nilalagnat kaya ako na muna po ang nagluto," sabi ko. "Ganun ba, paki sabi sa Mama mo na magpagaling siya ha?" sabi niya. "Opo," sagot ko. Mas doble ang pagod ko dahil ako lang mag isa pero tiniis ko at habang tumatagal napapansin ko na mas dumadami ang mga tao ngayon kumpara noon pero hinayaan ko lang dahil baka may nag invite ng mga ibang customer. "Iha sinong nagluto nitong ulam ngayon?" tanong ni Manong Robert, matagal ng suki ni Mama. Isa siyang family driver ng may ari ng Clifford Corporation. "Ako po, bakit po may problema po ba?" tanong ko. Umiling naman siya. "Wala naman, kilala ko na kasi ang luto ng Mama mo kaya alam na alam ko ang lasa ng luto niya pero itong kinakain ko iba siya sa luto ng Mama mo," sagot niya. "Hmm, hindi po ba masarap?" tanong ko, medyo kinakabahan ako baka kasi hindi nila magustuhan baka ikalugi pa ng karenderya namin. "Masarap isa, 'wag sanang magalit ang mama mo pero mas masarap ang luto mo kesa sa kanya, masarap din naman ang luto niya pero mas angat ang lasa ng sa 'yo," sagot niya na kinahinga ko ng maayos. Mabuti naman akala ko hindi masarap ang luto ko. "Mag te-take out nga pala ako ngayon, bigyan mo ako ng isang kaldereta at isang kanin." "Sige po, wait lang," sabi ko saka kumuha ng inorder niya at binigay sa kanya pagkatapos, inabot naman niya ang bayad ng inorder niya pati ang kinain niya kanina. THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "Ito ba iyong dating pinagbibilhan mo?" tanong ni Mr. Clifford sa driver niyang si Robert, ang CEO ng Clifford Incorporated. Nasa 50's na ito pero hindi mahahalataan dahil sa kakisigan niyang tataglay, maganda ang pangangatawan niya na alam mong batak sa gym. Dahil sa kakisigan niya ay marami pa ring nagkakagusto sa kanya kahit nasa 50's na ang idad niya. "Oo naman sir bakit may problema ba?" tanong ni Robert. "Wala naman masarap nga actually kaya lang iba ito sa usual na binibili mo diba?" tanong ni Mr. Clifford. "Ah iyon ba, dahil iyong anak ni Abrianna ang nagluto ngayon dahil may sakit ito," sagot ni Robert. Makikita naman sa mukha ni Mr. Clifford ang pagkagulat sa narinig niya. "Ang anak niya ang nagluto?" "Oo, nalamangan niya nga ang mama niya dahil mas masarap siyang magluto," sagot ni Robert. "Oo nga," sang ayon niya. May pumasok bigla sa isip niya. "Pwede bang tanungin mo siya kung pwede ko siyang kunin na cook." Pihikan ang bunsong anak niya sa pagkain, hindi nito nauubos ang pagkain nito kapag ayaw nito o minsan ay napipilitan na lang itong ubusin dahil sa Mom niya pero natuwa siya ng magustuhan nito ang luto ng paboritong karenderyang pinagbibilhan nila ang pagkain doon. Gusto niyang kunin na cook si Abrianna pero ayaw nitong iwan ang karenderya nila kaya wala siyang magawa. Ginagawa na lang niya nag uuwi na lang siya ng luto ni Abrianna para makakain naman ito, nag alala rin kasi ang asawa niya sa bunso nila dahil panay lang tinapay ang kinakain kapag ayaw talaga nitong kain ang ulam na niluto. "Sige, subukan ko siyang kausapin mamaya," sagot ni Robert. "Salamat," sagot niya. AVYANNA'S POINT OF VIEW Maaga akong magsasara ngayon dahil mabilis naubos ang mga ulam namin, ayos rin ito para maalagaan ko si Mama. Isasara ko na sana ang karenderya ng pigalan ako ni Manong Robert. "Bakit po Manong?" tanong ko. "'Yung boss ko kasi ipinapatanong kung pwede ka ba niyang maging cook?" tanong ni Manong Robert. Hindi ko naman maiwasan na magulat sa sinabi niya. "Bakit naman po?" tanong ko. "'Yung anak niya kasi pihikan sa pagkain, hindi nito nauubos ang mga pagkain niya minsan tinapay na lang ang kinakain kapag ayaw niya talaga ang pagkain," sagoyt niya. "Pero bakit po ako? Natikman na po ba niya ang luto ko?" tanong ko. "Hindi pa pero 'yung luto ng Mama mo oo, ang mama mo sana ang kukunin ng boss ko pero ayaw niyang iwan ang karenderya niyo eh. Kaya kung nagustuhan niya ang luto ng Mama mo paniguradong magugustuhan rin niya ang sa 'yo," sagot niya. Napaisip naman ako, gusto ko na rin naman na magpart time job para matulungan sina Mama at Papa sa utang nila. Ito ang mga utang na inutang nila dahil sa akin kaya kailangan ko rin silang tulungan doon. "Gusto ko po sana kaya lang hindi ko maiiwan si Mama," sagot ko. Ngayong nalaman ko na kung gaano kahirap ang ginagawa ni Mama dito kaya hindi ko na siya kayang iwan na mag isa lang siyang gumagawa nito. "Bakit naman iha? Sayang naman ang kikitain mo," sabi niya. "Alam ko po, gusto rin naman pong humanap ng part time kaya lang hindi ko kayang iwan si Mama na mag isa lang ginagawa ang trabaho dito," sagot ko. Tumango naman siya. "Naiintindihan ko. Sandali tatawagan ko lang ang boss ko." "Sige po," sabi ko. Lumayo siya akin para tumawag, ilang minuto lang ang lumipas bumalik siya muli sa akin. "Ang sabi sa akin ng boss ko na, bibigyan niya ng employee ang Mama mo at siya na rin ang magpapasweldo dito para mapapayag ka lang." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Sigurado po siya?" Tumango naman siya. "Hindi po ba siya luge? Kukunin niya akong cook tapos siya pa po ang magpapasweldo sa employee ni Mama." "Hindi naman, kesa naman sa hindi ka niya makuha bilang employee," sagot niya. Tumango naman ako. "Sige po pero pwede po bang hintayin ko munang gumaling si Mama saka magpapaalam din po ako sa kanya." "Sige tawagan mo lang ang number na ito kapag nakapag desisyon ka na," sabi niya saka binigyan ako ng calling card. "Sige po," sabi ko. Nagpaalam na si Manong sa akin kaya itinuloy ko na ang pagsasara ko ng karenderya. Bago ako umuwi bumili muna ako ng gamot ni Mama dahil konti na lang ang gamot niya sa bahay, mas maganda ng maraming naka tambak na gamot kesa sa wala. "Ma, nandito na po ako," sabi ko matapos mahubad ang sapatos ko. "Ang aga mo naman anak?" tanong ni Mama. Nasa sala siya ngayon at nanunuod, siguro na bored siya sa kwarto niya. "Naubos po agad ang ulam na niluto ko eh kaya po maaga ako ngayon," sabi ko. Tumango naman si Mama. "Nasabi nga Natashi sa akin kanina nung napadaan siya dito para kumustahin ako, na mas masarap ang luto mo sa akin." "Hindi naman po, mas masarap ka rin naman pong magluto," sagot ko. "Ano ka ba, ayos lang na malamangan mo ako anak, gusto ko nga iyon na mas magaling ka sa akin," sabi ko. Nginitian ko naman siya "Salamat po," sabi ko. "Uminom na po ba kayo ng gamit?" "Oo kanina pa," sabi ni Mama. Tumango ako. "Balik na po kayo sa kwarto niyo Ma para mas makapagpahinga ka," sabi ko. Gusto ko mang hayaan na manood si Mama pero mas maganda na makapagpahinga siya, hindi lang ang katawan niya kundi pati ang utak niya. "Sige anak, tapos na rin nag pinapanood ko," sabi ni Mama. Inalalayan ko siyang tumayo at maglakad papunta sa kwarto nila nila ni Papa. "Oo nga po pala Ma, kinausap po ako kanina ni Manong Robert." "Anong sabi niya?" tanong niya. "Sabi po niya, gusto raw po akong kunin ng amo niya bilang cook nila," sagot ko. Tumango naman si Mama. "Anong sinabi mo?" tanong niya. "Nung una po ayoko sana kasi wala po kayong makakasam sa karenderya pero ang sabi ay bibigyan kayo ng employee at ang boss ni Manong Robert ang magpapasweldo," sagot ko. "Hindi ba't parang unfair naman," gulat na sabi ni Mama. "'Yung nga po ang sabi ko pero sabi ni Manong na ayos lang basta makuha niya akong cook," sabi ko. "Isa pa, tama naman po iyon dahil kung wala kayong makakatulong hindi rin naman po ako papayag na maging cook nila kaya parang pinalitan lang nila ako." Tumango naman si Mama. "Pero ayos lang ba talaga sa 'yo na mag trabaho ka?" "Oo naman po, para na rin makatulong ako sa inyo," sabi ko. "Hindi ka naman namin pinag o-obligahan na tumulong sa akin, gusto ko lang malaman kung magiging masaya ka kapag may trabaho ka," sabi niya. "Kahit hindi niyo po ako pinag o-obligahan ay tutulong pa rin po ako, ayoko naman po na nababaon kayo sa utang ng dahil sa akin noon," sabi ko. "'Wag mo ng isipin ang dati anak ang mahalaga ay ang kasalukuyan, masaya kami na nagbago ka at na realize lahat ng pagkakamali mo," sabi niya. Napangiti naman ako saka siya niyakap. "I love you po Ma," sabi ko. "I love you too, anak," sabi ni Mama. "Oh tama na ang yakap sa akin baka mahawa ka pa sa lagnat ko." Tama si Mama mahirap na kung pati ako magkasakit, walang mag aasikaso sa karenderya. Nagpaalam na muna ako kay Mama para maligo dahil ang lagkit lagkit na ng pakiramdam ko dahil sa pawis na natuyo sa akin kanina sa sobrang daming tao tapos mainit pa. Nagpapasalamat nga ako sa mga customer na kahit mainit sa karenderya namin dahil dalawa lang ang electric fan namin ay hindi sila nag rereklamo at bumabalik sila. Saktong natapos akong maligo at nagbihis ay dumating na si Papa galing trabaho niya, lumapit ako sa kanya at nagmano. "Ang aga mo anak?" tanong ni Papa. Kinuha ko ang uniform na hinubad niya may sando naman siya sa loob ng uniform niya. "Maaga po kasing naubos ang ulam sa karenderya," sabi ko. Tumango naman siya. "Ang mama mo kumusta?" "Medyo bumaba na po ang lagnat baka bukas gagaling na po iyon pero hindi ko pa rin siya hahayaan na magtrabaho muna baka mabinat siya," sagot ko. "Tama iyon pero 'wag mo namang pagurin masyado ang sarili mo ah?" sabi niya. "Opo papa. Sige po magluluto na po akong hapunan natin," sabi ko. "Sige, maliligo na rin muna ako," sabi niya. Naglakad na ako papunta sa kusina namin, nagsaing na muna ako bago magluto ng ulam. Gusto ko ng kare-kare kaya iyon ang niluto ko, gusto rin naman iyon ni Papa, nagluto naman ako ng sopas kay Mama dahil iyon mga soft na pagkain pa lang ang pwede sa kanya. Matapos kong magluto nilagay ko na sa lalagyan para mailagay ko na sa lamesa. Pero bago iyon ay pinakain ko muna si Mama para makainom na siya ng gamot at makapagpahinga na. Gusto man namin na magkakasabay kaming kumain pero hindi kaya ni Mama. Kumain na kami ni Papa matapos kong pakain si Mama, as usual ay nag ke-kwentuhan kami ni Papa sa mga nangyari sa amin ngayong araw. Ganito kamoi lagi, kinu-kwento ang mga nangyari sa amin habang hindi kami magkakasama. "Oo nga po pala, may kumukuha po sa akin na cook," sabi ko. "Sino naman anak?" tanong niya. ""Yung pong boss ni Manong Robert," sagot ko. "Ohh, si Mr. Clifford," sagot ni Papa. "Kilala niyo po siya?" tanong ko. "Oo naman, boss ko rin siya dahil ito ang may ari ng village na pinag ta-trabahuan ko," sagot ni Papa. "Wow, ang yaman po pala nila," sabi ko. "Oo, sobrang yaman nila, may iba't ibang business nga sila sa ibang bansa," sabi niya. "Sana balang araw maging mayaman din po tayo gaya nila," sabi ko. "Magagawa mo iyon anak basta magsikap ka lang," sabi niya. "Magsisikap po talaga ako tapos patatayuan ko po kayo ng malaking malaking mansion," sabi ko. "'Wag naman masyadong malaki tatlo lang naman tayo, basta maganda lang ang bahay ayos na," sabi niya. Sabagay tama si Papa, ang pangit naman kung sobrang laki ng bahay baka mapagod lang sila sa laki. "Sige ganito na lang po, hindi ganun kalaking bahay pero maganda ang view at maraming mga halaman para maganda ang nakikita natin paggising natin," sabi ko. "Maganda nga iyan, mas masarap tumira sa magandang view." "Kaya nga po binabalak ko rin na bumili sa probinsya, tahimik na sariwa pa ang hangin." "Tama ka anak." "AKO NA ang mag huhugas anak magpahinga ka na doon," sabi ni Papa, pagkatapos naming kumain. "Ako na po," sabi ko. Pagod na siya sa trabaho niya tapos maghuhugas pa siya. "Ikaw na ang nagluto kanina kaya ako naman ang maghuhigas," sabi niya. "Pero," sabi ko. "Sige na anak 'wag ng makulit," sabi niya. Wala na akong magawa kundi ang pumayag dahil hindi nagpapatalo si Papa. Bumalik na ako sa kwarto ko saka sinimulan ng mag review, hindi ko nakakalimutan ang plano ko na kahit busy ako sa pagtutulonh kay Mama ay se-self study naman ako dahil gusto kong kumuha ng scholarship para kahit papaano ay hindi mahirapan sina Mama sa pagpapaaral sa akin. Isa pa gusto ko rin patunayan sa sarili ko na kaya ko ring baguhin ang kapalaran ko na hindi ko nagawa noon. Kahit mahirap gagawin ko ang lahat para mabago lang ang takbo ng buhay ko. Hindi lang para sa mga magulang ko para rin sa magiging future child ko. Malaki rin ang pasalamat ko na hindi ako nagkaroon noon ng asawa at anak dahil ayokong idamay sila sa kamalasan na nangyayari sa akin noon. Hindi ko na nga mapakain ang sarili ko ang magiging anak ko pa kaya. Hindi na ako nakapag asawa noon dahil sobrang mahal na mahal ko talaga si Justin, wala akong mahanap na nakikita ko sa kanya noon. Bulag na bulag na talaga ako sa pag mamahal ko sa kanya kahit hindi niya ako minahal noon, ewan ko ba sa sarili ko, mabuti na lang talaga natauhan ako. "ANAK hindi ka pa ba matutulog?" napatingin naman ako kay Papa na nasa may pintuan ko. Napatingin naman ako sa orasan 11pm na pala, hindi ko namalayan ang oras dahil nawili ako sa pagre-review. "Matutulog na po niyan ako, ligpit ko lang," sabi ko. "Ikaw talagang bata ka, ang aga aga mong nagigising ng umaga tapos nagpupuyat ka pa," sabi niya. "Ngayon lang po ito, hindi ko lang namalayan ang oras," sabi ko. "O siya basta matulog ka na pagkatapos mong magligpit ha?" sabi niya. "Opo," sabi ko. "Sige iwan na kita, 'wag mong kalimutang i-lock ang pinto mo para kung may magloob man safe ka pa rin," sabi niya. "Opo," sabi ko. Umalis na si Papa kaya niligpit ko na ang mga libro na binabasa ko pati ang mga notes kung saan ko sinusulat ang mga tinataandaan ko, nagsusulat kasi ako ng mga words na alam kong importante para madali kong matandaan at mapag aralan, nakakalito naman kasi kung buong libro ang pag aaralan ko tapos hindi naman pala kasali sa exam. Kaya maganda ng mag notes ng ganito para madali. After kong magligpit, ni-lock ko muna ang pinto saka pinatay ang ilaw pagkatapos ay nahiga na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD