AVYANNA'S POINT OF VIEW
"Wow, ang bilis mo talagang matuto," manghang sabi ng Prof ko habang pinapanuod akong maghiwa.
"Magaling po kasi kayong magturo," sagot ko.
Bumili na kasi ako sa paghihiwa, hindi na gaya ng dati na sobrang bagal kong mag hiwa. May time limit kasi sa contest kaya kung hindi ko maiimprove ang paghiwa ko baka maubusan lang ako ng oras.
"No, mabilis ka lang talagang matuto, marami na akong naturuan pero hindi sila gaya mo na isang linggo pa lang natuto na agad," sabi niya.
Napangiti naman ako. "Maraming salamat po."
"Wala na akong kailangan i-improve sa 'yo, ang kailangan mo na lang ay mag aral ng iba't ibang putahe. Pwede mong gamitin itong kusinang ito para ipag practice mo at lahat ng kailangan mo ay provide ng scholl kaya sabihin mo lang kung ano ang mga kailangan mo okay?" mahabang paliwanag niya.
"Okay, Prof," sabi ko.
Gaya ng sabi ni Prof, nag research ako ng iba't ibang klase ng putahe sa iba't ibang lugar, nanuod rin ako ng mga famous cooking show para kumuha ng mga idea. Hindi ko naman pwedeng gayahin lang iyon, kailangan kong mag create ng sarili kong putahe.
Sa umaga ay nag pa-practice ako ng mga iluluto ko habang sa gabi naman ay nag re-research ng mga putahe para makakuha ng bagong idea.
"Gusto kong ipatikim sa 'yo ang ginawang kong dish, ako ang nag create niyan," sabi ko kay Zoltan.
"Really?" tanong niya.
"Oo," sagot ko.
"What did you call this?" tanong niya habang nakatingin sa dish ko.
"That's spicy creamy chicken, ginawa ko iyan para sa mga hindi kayang kumain ng maanghang pero gusto pa rin ng maanghang. Nilalaban ng tamis ng cream ang anghang kaya ma eenjoy ng kung sino man ang kakain niya," paliwang ko.
Tumango naman siya saka inumpisahang tikman ang niluto ko. "Hmm, you're right it's spicy but not that much, you can still enjoy it even it's spicy," sagot niya saka muling sumubo. "The taste is so addicted, hindi siya nakakasawa dahil hindi ganun katamis at hindi ganun kaanghang, dumagdag pa ang medyo alat sa manok."
"Mabuti naman nagustuhan mo," sabi ko.
"Ako pa lang ba ang nakatikim nito?" tanong niya.
"Maliban sa Prof ko, oo ikaw pa lang ang unang pinatikim ko," sabi ko.
"Good, if you have a new dish ako ang unang ipatik mo ah," sabi niya.
"Okay," sabi ko.
ARAW ARAW akong nag iisip at nag re-research ng mga bagong putahe, wala akong pinalampas na isang araw para makapag practice hanggang hindi ko namalayan na bukas na pala ang contes. Hindi gaya ng dati na sobra ang kaba ko ngayon ay wala akong nararamdaman dahil panatag ako na masasabayan ko ang mga seniors dahil sa tulong ni Prof at ni Zoltan na nagbibigay ng idea sa akin para mas lalong ma inprove ang pagluluto ko.
Hindi ako pinag practice ni Prof ngayon para makapag pahinga ako para bukas, pinayuhan din ako na matulog ng maaga dahil baka antukin lang ako sa contest. Tatagal ng sampong araw ang contest at sa bawat araw ay matatanggal na isa hanggang maging dalawa na lang ang maglalaban sa huling araw ng contest at kung sino man ang manalo ito ang magiging representative ng school.
Bago kasi mapunta sa national cooking contest ay makikipaglaban muli ang champion sa mga representative ng mga ibang school at swempre kung sinong mananalo ay siyang magiging representative ng pilipinas para sa national cooking contest.
Kasalukuyan akong nanunuod ng cooking show ng tumunog ang cellphone ko, tinignan ko muna ang tumawag bago ko sinagot.
"Hello," sagot ko.
"Princess, I'm in front of your house," sabi ni Zoltan.
Nagulat naman ako saka sumilip sa bintana at nakita ko ngang nandoon si Zoltan nakasandal sa kotse niya, napansin naman niyang sumilip ako kaya kumaway siya sa akin. "Labas ka muna saglit may ibibigay lang ako."
"Okay, wait lang," sabi ko saka binaba na ang tawag.
Nagsuot muna ako ng bra ko, tinatanggal ko kasi ito kapag nasa bahay lang ako, hindi ako comportableng may suot akong bra. After 'nun lumabas na ako ng bahay namin.
"Anong ibibigay mo?" tanong ko.
"Here," sabi niya saka inbot ang isang suit case sa akin.
"Ano ito?" tanong ko.
"Open it," sagot niya.
Binuksan ko naman ito at nagulat ako ng makita kong iba't ibang klase ng kutsilyo ang nandito, may mula sa maliit hanggang sa malaki.
"Bakit binigyan mo ako nito?" tanong ko.
"Para magamit mo sa contest mo bukas, mas magandang may personal knife ka para hindi ka mahirapan," sagot niya.
"Maraming salamat," nakangiting sabi ko. Kailangan na kailangan ko talaga ito, hindi ko lang ito sa contest magagamit kundi sa buong taon ng pagiging culinary student ko. Tama siya na magandang may personal knife ako dahil ibang kutsilyo na mabigat meron namang magaan kaya kung may personal knife ka hindi ka maninibago sa kutsilto na gagamitin mo. Isa pa masisiguro mo rin ang talas ng kutsilyong gamit mo.
"Sige alis na ako, magkita na lang ulit tayo bukas," sabi niya saka hinalikan ako sa noo.
"Sige mag ingat ka," sabi ko.
"Yes," sabi niya.
Naglakad na ito papunta sa kotse niya, kumaway muna siya bago pumasok sa loob at pinaandar ito. Nang mawala siya sa paningin ko naglakad na ako papasok pero bigla akong napalingon ng may maramdaman akong parang nakatingin sa akin pero wala naman akong nakita kaya naman sinawalang bahala ko na lang baka guni guni ko na lang iyon.
"Si Zoltan ba iyon anak?" tanong ni Mama paglabas niya ng kusina.
"Opo," sagot ko.
"Bakit hindi siya pumasok?" tanong niya.
"Tingin ko po may gagawin siyang mahalaga kaya hindi na siya pumasok," sabi ko.
Tumango naman si Mama at napatingin sa hawak ko, "Ano iyan?"
"Regalo po ni Zoltan, personal knife po." Nilapag ko ito sa coffee table namin dito sa sala at binuksan. "Ang ganda 'no Ma? Magaan lang din siya pero matibay."
Kumuha naman ng isa si Mama pagkatapos pinakatitigan ito, "Napakagandang quality nga nito anak. Mabuti na lang din hindi pa ako nakakabili ng ganito, balak din kitang regaluhan para sa contest mo."
"Hindi niyo naman po ako kailangan bilhan Ma, masaya na ako na pumunta kayo doon sa contest," sabi ko.
Ngumiti naman siya, "Ang sweet talaga ng anak ko." Saka ako niyakap. "Oo nga pala, iimbitahan mo ba ang Mommy at Daddy mo?"
"Opo pero may importante po silang ginagawa, bibigyan na lang daw ako ng regalo at alam niyo naman pong kahit tanggihan ko papadalhan pa rin ako," sabi ko.
Tumawa naman si Mama, "Ganun talaga ang isang magulang anak ibibigay lahat ng gusto ng anak, dahil nga anak na ang turing nila sa 'yo kaya ganun sila sa 'yo." Napabuntong hininga naman siya. "Kung kasing yaman lang kami ng Mommy at Daddy mo baka nabigay rin namin ang gusto mo."
Nilapitan ko naman siya saka niyakap, "Sapat na po sa akin na mahal niyo ako, hindi ko na kailangan pa ng materyal na bagay, masaya na ako na masaya tayo at kumpleto tayo."
Niyakap naman niya ako pabalik. "Ang sweet talaga ng anak namin, napaka swerte namin na ikaw ang anak namin."
"Ako rin po."