Chapter 18

1417 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "What do you want?" Malamig na sabi ni Zoltan kay Ximen ng makapasok ito sa office niya. "May nahuli akong lalaking umaaligid sa bahay ng princesa mo," sagot nito na kinahinto ng ginagawa niya kasabay 'nun ang pagdidilim ng kanyang mukha. "Where it is." Mas lumamig ang boses nito kumpara kanina. Kung ibang tao ang nakakita sa kanya malamang ay matatakot sila pero dahil sanay na si Ximen normal na lang sa kanya ang nakikita. "Nasa underground siya," sagot ni Ximen. Mabilis naman siya tumayo at naglakad palabas ng office, nakapamulsang sumunod lang si Ximen. Ilang minuto lang nakarating na sila sa underground pero nakita nila na ang lalaking nahuli ni Ximen ay patay na habang bumubula ang bibig nito. "Mas pinili na lang siyang patayin ang sarili niya kesa sa ikaw ang pumatay," sabi ni Ximen. "Sabagay kahit ako 'yan ang gagawin ko, mas pipiliin kong mamatay ng tahimik kesa maramdaman ang torture na gagawin mo." "Tsk." Inis na sabi ni Zoltan saka sinipa ang lalaking walang buhay na nakatali sa isang upuan. "Mukhang gumagalaw na ang mga kalaban mo at si Avyanna ang pinupuntarya nila," sagot ni Ximen. "Give my princess a bodyguard but make sure she didn't know. I don't want her to feel that she's not free." Utos niya dito. "Okay," sagot nito. Hindi niya papalampasin ang nangyaring ito hahanapin niya ang nasa likod ng ito at sisiguraduhin niya na uubusin nito ang lahi nito. Wala siyang pakielam kung ano ang gustong gawin nito sa kanya, sugurin man siya ng mga ito pero kung ang prinsesa niya ang usapan magiging demonyo siya, hindi niya hahayaan na magalusan man lang ito o mahawakan man ni dulo ng buhok nito siguradong maghahalo at tinalupan sa binalatan pagtangyari ito. "Dispose that." Utos niya bago siya umalis sa underground ng company niya. AVYANNA'S POINT OF VIEW "Goodluck anak, alam kong kaya mo iyan," sabi ni Mama. "Nandito lang kami ng Mama mo, susuportahan ka namin," sabi ni Papa. "Salamat po," sabi ko. Nandito kami ngayon sa hotel, dito kasi gaganapin ang contest. Pagmamay ari din ito ni Zoltan, grabe ang yaman talaga niya. Napakabata pa lang niya pero successful na siya, sana balang araw maging successful din ako. "Goodluck iha," sabi ng Prof ko. "Tandaan mo lang ang mga tinuro ko." "Opo," sabi ko. "Pumunta ka na doon malapit ng magsimula," sabi niya. "Sige po," sabi ko saka naglakad na papasok sa may double door. Bawal ang audience dito pero may mga camera naman para makapanood ang mga audience na nasa labas. Pagpasok ko sa loob na patingin sa akin lahat ng senior, may mga nakangiti sa akin pero meron namang masama ang tingin sa akin. Hindi ko naman maiwasan na mapalunok, inaasahan ko naman na may mga galit dahil may first year na nakapasok pero ngayong nakikita ko ang inis nila hindi ko maiwasang matakot. "Hi." Natauhan ako ng biglang may nagsalita. "H-Hello." Utal na sabi ko. "Nakilala rin kita sa wakas, namangha ako ng sinabi nila na may makakalaban kaming first year." Nakangiting sabi niya. "By the way, I'm Clake." Nilahad niya ang kamay niya kinuha ko naman iyon. "Hello, I'm Avyanna." Pakilala ko. "Oh, ikaw 'yung sinasabi nila na campus goddess," sabi niya. Napatagilid ako ng ulo sa pagtataka. "Campus... goddess?" "Yes, hindi mo ba alam na iyon ang tawag nila sa 'yo?" Umiling naman ako. "Hindi ka ba naka add sa website ng campus natin?" "Naka add naman ako," sagot ko. "Pero bakit wala kang alam?" tanong niya. "Hindi ako active sa social media, mas gugustuhin ko pa na mag aral," paliwanag ko na kinatawa lang niya. "Wow, ngayon lang ako nakatagpo na hindi mahilig sa social media," sabi niya. "Anong masama doon?" tanong ko. "Wala naman pero nakakagulat lang na meron pa lang ganun," sabi niya. Naputol ang pag uusap namin ni senior Clake ng tawagin na kami dahil magsisimula na ang contest. "Goodluck sa 'yo," sabi niya. "Goodluck din sa 'yo," sabi ko. Nilagay kami sa kanya kanya naming station, nasa pinaka dulo ang station ko pero hindi naman ganun kalayo sa mga judges. Nilapag ko ang dala kong personal knife pagkatapos ay sinuot ko ang apron na nakalagay sa counter top ng station ko at may nakalagay na pangalan ko doon. "GOOD MORNING, future chef's," sabi ng isa sa judge. Kilala ko siya, siya si Chef Harold isa siyang kilalang chef hindi lang dito sa pilipinas pati na rin sa ibang bansa dahil sa mga unique foods na na ke-create niya. "This round madali lang ang gagawin niyo at kahit nag uumpisa pa lang ang competion ay may ma-e-eliminate na agad sa inyo kaya galingan niyo." Hindi ko maiwasang kabahan baka umpisa pa lang matatanggal na ako agad pero kinalma ko ang sarili ko at inisip si Mama at Papa at mga kaibigan kong nanunuod sa akin at sinusoportahan ako. "Bibigyan ko kayo ng 30 minutes para kumuhu ng mga ingredients at mga gagamitin niyo para sa pagluluto at pagkatapos ng 30 minutes ay mag sisimula na ang time para sa pagluluto kaya kung maaga kayong natapos sa pagkuha ng ingrients pwede na kayong magsimula." Naging alerto naman kami sa sinabi niya. "And the timers start now." Mabilis kaming nagsitakbuhan papunta sa mga engrident, hindi naman kami nag aagawan sa mga ingredients siguro dahil iba iba kami ng lulutuin. Matapos kong makuha ang mga ingredients ko nilapag ko muna ang mga ito sa station ko saka kumuha ng gagamitin ko hindi mabilis lang din akong nakakuha ng mga gagamitin ko at may 10 minutes pa akong natitira. Nag umpisa na akong gumawa ng dish ko, ang gagawin ko ngayon madali lang naman at simple Taco Stuffed Shells. Unang ginawa ko pinakuluan ko muna ang ako ng 12 oz ng pasta shells 'yung jumbo nilagyan ko lang ng asin pagkatapis hinayaan ko lang lumambot, nag ground ako ng beef after kong gawin iyon nilagay ko sa pan na preniheat ko kanina para iluto. Nang medyo naluto na ang beef naglagay ako ng mga seasoning at saka hinalo lang para mag combine, pagkatapos 'nun naglagay na ako ng salsa hinalo ko lang saglit pagkatapos tinakpan ko lang at hinayaan na kumulo. Nang makita kong malambot na ang mga pasta shells dinrain ko muna iyon saka nilagay sa isang lalagyan. Binalikan ko ang niluluto kong beef para tignan kung luto na, luto na siya kaya pinatay ko na ang stove tapos isa isa kong nilagyan ng laman ang mga pasta shells ko. Matapos kong lagyan lahat nilagyan ko ng cheddar cheeze sa ibabaw after that nilagay ko na sa oven. Tumingin ako sa orasan may 3 minutes pa ako bago matapos ang oras. Habang naghihintay ako pinanuod ko ang ibang mga kasama ko sa contest may mga patapos na rin gaya ko meron naman na nagmamadali ng gumalaw para matapos nila ang niluluto nila. Nawala ang atensyon ko sa mga seniors ng tumunog ang oven. Kinuha ko na ang niluto ko sa loob saka nag plating na, kasama rin sa judge ang magandang plating dagdag point din. "Time up, hands in the air," sabi ni Chef Harold. Sabay sabay naman kaming nagtaas ng kamay. Ramdom na nagtawag si Chef Harold sa mga contestant. "Alexa." Lumapit ang tinawag niya dala dala nito ang dish na niluto niya. "What di you cook?" tanong niya habang hinihiwa ang pagkain. "This is my own version of spicy oriented baked chicken fingers," sagot ni Senior Alexa saka pinaliwanag kung paano niya ito niluto. Tumango naman si Chef Harold saka tinikman ang niluto niya pagkatapos 'nun sumunod ang dalawang judge na sina Chef Jenna, isang filipina-japanese chef at si Chef Mark, pure Italian pero lumaki dito sa pilipinas. Matapos tawagin ni Chef Harold ang ibang contestant ako naman ang tinawag. "This is Taco Stuffed Shells," sagot ko ng itanong sa akin kung ano ito. "Napakasimple lang ng dish na ito kaya bakit ito ang napili mong lutuin?" tanong ni Chef Mark. "Dahil gusto kong patunayan na kahit simpleng dish lang ay kayang ipagsabayan, na kaya kong i-upgrade ito into a grand dish," sagot ko tumango naman siya saka tinikman ang dish ko ganun din ang ibang chefs. "Okay you can go back to your station," sabi ni Chef Harold. Yumuko muna ako sa kanila bago ako bumalik sa station ko. "Ngayong natikman na naming lahat ang dish niyo pag uusapan na namin kung sino ang mga nakapasok at kung sino ang matatanggal. Babalikan namin kayo." Pumasok sila sa isang room para doon mag usap.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD