Chapter 19

1227 Words
AVYANNA'S POINT OF VIEW Ang kaninang tahimik lang ay biglang umingay dahil sa pag uusap ng mga senior namin. ako namna nakakaramdam ako ng awkward dahil wala akong kilala sa kanila kaya tahimik lang ako dito sa lugar ko. "Hi," nakangiting sabi ni Senior Clake. "Hello po," bati ko rin. "Sana makapasok ka sa top 10, gusto ko pang makita ang kaya mong gawin," sabi niya. Napabuntong hininga naman ako, "Sana nga ayoko namang ma disappoint sa akin ang Prof ko, mga magulang ko at kaibigan ko kung matatanggal ako sa first round pa lang saka nakakahiya dahil pinili ako tapos matataggal lang akoo agad." "Buti alam mo." Napatingin naman kami sa nagsalita, si Senior Alexa kasama niya sina Senior Tin at Senior Liza. "Kung matatanggal ka lang pinapatunayan mo lang na mali sila ng pagpili sa 'yo." "Anong problema mo Alexa?" tanong ni Senior Clake. "Problema ko ang babaeng iyan, bakit siya napasali sa contest na ito na tanging mga senior lang," inis na sabi niya. "Anong problema kung pinasali siya?" tanong ni Senior Clake. "Hindi naman siya kailangan isali, dapat mga senior lang ang kasali kung gusto nilang isali sa contest edi hinintay na lang nila na mag 4th year siya," sabi niya. "Wala namang masama kung magsali sila ng 1st year kung kasing level naman natin ang skills niya at bakit mo ba pinoproblema ang pagsali niya? Contest naman ito, skills ang labanan dito nasa sa atin kung mananalo ba tayo sa contest, maliban na lang kung nanatakot ka na matalo ng isang 1st year," mahabang sabi ni Senior Clake. Mukhang nainis naman si Senior Alexa sa sinabi niya dahil namumula ang mukha niya. "Bakit naman ako matatakot sa kanya? Mas magaling pa ako sa kanya." "Ganun naman pala? Bakit big deal sa 'yo ang pag Sali niya, kung alam mong mas magaling ka sa kanya hindi mo kailangan magalit sa pagsalita nila sa kany," sagot ni Senior Clake. "Tama si Clake," Tumingin kami sa nagsalita si Senior Vin. "Hindi magiging big deal sa 'yo ang pagsali niya kung alam mong mas magaling ka sa kanya." "Pero ang unfair lang dahil nagsali sila ng 1st year dati naman wala silang sinasaling 1st year," dahilan ni Senior Alexa. "Kung nakakita sila noon na kayang makipagsabayan sa mga seniors magsasali rin sila pero dahil wala silang nakita hindi sila nagsasali," sagot ni Senior Vin na kinatahimik ni Senior Alexa. Bumalik naman ang tatlong chef kaya nagsibalik na kami sa kanya kanya naming station. "Lahat ng mga tatawagin namin ay pasok sa Top 10," sabi ni Chef Jenna. "Okay, let's start, Avyanna." Nakahinga ako ng maayos ng ako ang unang tinawag. Nakita ko naman na nag thumbs up si Senior Clake sa akin. Sunod sunod ng tinawag ang mga nakapasok sa Top 10 hanggang sa natira sina Senior Alexa at Senior Nico. "Isa sa inyo ang matatanggal sa kompetisyong ito, sabihin niyo sa amin kung bakit deserve ninyo ang mag stay, ikaw ang mauna Alexa." sabi ni Chef Mark. "Deserve kong mag stay dahil bata pa lang ako magaling na akong mag luto at isang sikat na chef ang lolo at Daddy ko," sabi niya bakas sa boses niya ang kayabangan na tingin ko hindi nagustuhan ng tatlong chefs. "Ikaw naman Nico," sabi ni Chef Jenna. "I want to stay dahil gusto ko pang patunayan na kaya kong manalo, ayokong matapos lang dito ang lahat," sabi ni Senior Nico. "Okay, kung sino ang tatawagin ko ay siyang matatanggal," sabi ni Chef Harold. Hindi ako ang nasa kalagayan nila ngayon pero kinakabahan ako, nakakakaba naman kasi kakaumpisa pa lang ng contest pero tanggal ka na. Hindi agad nagsalita si Chef Harold nakatingin lang sa dalawa kaya mas nakakakaba baka kung ako ang nasa kalagayan nila baka maihi na ako sa kaba. "I'm but ikaw ang matatanggal... Alexa," sagot ni Chef Harold. Napatakip naman ako ng bibig dahil sa guat. Hindi ko inaasahan na si Senior Alexa ang matatanggal. "WHAT!" gulat tanong ni Senior Alexa. "Bakit ako ang natanggal? At isa pa bakit mas naunang natawag 'yung first year ha? Mas magaling naman ako sa kanya, tinuruan ako ng Daddy at Lolo ko ng magluto mula bata pa lang kaya bakit ako ang natanggal?" galit na sabi niya. "Dahil ang niluto mo ay napaka dry, hindi rin bagay sa niluto mo ang sauce kaya mababa lang ang nakuhang score mo," paliwanag ni Chef Jenna. "Bakit iyong first year naunang natawag eh napakasimple lang ng ginawa niya," inis na sabi ni Senior Alexa. "Iyon na nga napaka simple lang ng gawa niya pero naipakita niya na kahit napaka simple lang ng luto niya ay nabibigyan niya ito ng buhay," sabi ni Chef Mark. "Ang daya naman kasi bakit may kasaling first year sa contest," inis na sabi ni Senior Alexa. "Walang problema ang pagsali ng isang first year sa contest kung kaya niyang makipagsabayan sa inyo at kahit hindi ito sumali matatalo ka pa rin kung ganung dish ang gagawin mo, kaya 'wag mong isisi sa kanya ang pagkatalo mo," sagot ni Chef Jenna. Nag walk out naman si Senior Alexa at ng mapadaan siya sa station ko tinignan niya ako ng masama bago siya lumabas sa room. Napabuntong hininga naman ako, hindi ko maiwasan ang maguilty kahit wala akong kasalanan. "Congrations sa inyong mga natira, magkita ulit tayo bukas," sabi ni Chef Harold saka na kami pinaalis. Lumabas na ako ng room at paglabas ko nakaabang na sa akin ang magulang ko at ang mga kaibigan ko. Yumakap naman agad sa akin si Mama at Papa sa akin. "Congrats anak," sabi ni Mama. "Ang galing mo manang mana ka nga sa Mama mong magaling magluto," sabi ni Papa. Napangiti naman ako, "Salamat po." "Congrats Yanna," sabi nina Gianna at Mikaella. "Salamat," sagot ko tapos tumingin tingin ako sa paligid. "Nasaan po si Zolt-" Hindi ko natuloy ang sinasabi ko ng may pumutol sa akin. "I'm here," sabi ni Zoltan na kararating lang, mukhang tumakbo pa siya dahil hingal na hingal siya. "I'm sorry kung ngayon lang ako, tinapos ko lang ang meeting ko kanina." Nginitian ko naman siya, "Ayos lang marami pa namang araw para bumawi ka." "Sa mga susunod na laban mo hanggang finals lagi akong manunuod," sabi niya. "Kahit hindi naman araw-araw ayos lang," sabi ko. "Isa pa baka hindi naman ako makapasok ng finals, magagaling ang mga kasama ko." Pinat naman niya ang ulo ko, "Don't say that, alam kong aabot ka hanggang dulo dahil napakasarap mong magluto." "Salamat." Nakangiting sabi ko. "Aray." Napatingin naman kami kay Mikaella, nakita pa namin siyang kinakati ang braso niya. "Ang daming langgam 'no? May dalawang sweet kasi dito." "Oo nga, akala mo wala silang kasama," sang ayon naman ni Gianna. Na-gets ko naman ang sinabi nila kaya namula ako. Napatingin naman ako kina Mama at Papa, nakangiti lang silang nakatingin sa amin. Bigla naman akong nahiya nakalimutan ko na nandito sila. "Pasensya na," sabi ko. Tumawa naman ng mahina si Mama. "Ayos lang naman, tara mag celebrate tayo ng pagkapano mo." "'Wag na po, first day pa lang naman po ito," sabi ko. "Kakain lang naman tayo, simpleng salo salo lang naman," sabi niya. "She's right, kahit first day pa lang kailangan pa ring i-celebrate," sabi ni Zoltan. "Kaya nga kahit araw-araw pa natin ito kada manalo ka," sang ayon ni Mikaella. Napabuntong hininga naman ako. "Fine," sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD