AVYANNA'S POINT OF VIEW
Nagpunta kami sa pinakamalapit na restaurant, ayoko sana dito dahil mahal baka walang pambayad sina Mama pero ang sabi ni Zoltan na siya ang bahala sa bill at as usual kahit tanggihan ko wala pa rin akong laban dahil hindi ito tumatanggap ng 'No'.
"Nakakainis 'yung Alexa na iyon porket first year lang bawal ng sumali?" inis na sabi ni Mikaella.
"Senior Alexa." Pagtatama ko sa kanya. "Siguro hindi lang siya sanay na may sumasaling first year, ngayon lang kasi sila nagsali."
"Paano ba naman kasi sobrang galing mo kasi kaya napasali ka kaya sigurado kami na makakapasok ka ng finals," sabi niya.
"Tama, hindi ka naman isasali kung hindi ka magaling anak," sabi ni Mama.
Napangiti naman ako, mas lalo akong ginaganahan dahil malaki ang tiwala nila sa akin. Pagbubutihin ko talaga ang manalo dahil ayoko na ma disappoint sila sa akin.
"Pangako ko na aabot ako hanggang finals," sabi ko.
"Alam namin magagawa mo iyon," sabi ni Papa.
"Salamat po," sabi ko.
"Ano 'yung next na gagawin niyo bukas?" tanong ni Mikaella.
"Bukas pa namin malalaman sa mismong laban," sabi ko.
"Dapat sinasabi na nila para mapaghandaan," sabi niya.
"Iyon nga ang challenge, kailangan kahit biglaan mabilis kang mag isip ng mga lulutuin mo," sabi ko.
"Sabagay tama ka nga," sabi niya.
"Nandito pala kayo." Napatingin kami sa nagsalita, si Cheska kasama niya sina Lily at Veronica. "Anong meron?"
"Simpleng salo salo lang," sagot ko.
"Para saan?" tanong niya.
"Para sa pagkapasok niya sa top 10 sa contest," sagot ni Mikaella, kahit hindi niya ipakita alam kong naiirita siya, ayaw niya kasi talaga kay Cheska.
"Ohh, kasali nga pala siya sa cooking contest, congrats," sabi niya.
"Thank you," sabi ko.
Bigla naman siyang humaraop kay Zoltan na tahimik lang sa tabi ko, "Hi, I'm Cheska." Malambing na sabi niya kaya hindi ko maiwasang mapakunot ang noo ko. Bakit kailangan niya pang gawing malambing ang boses niya. Palihim naman akong napangiti ng hindi siya pinansin ni Zoltan kaya nahihiyang binaba niya ang nakalahad niyang kamay. "Pwede ba kaming makiupo? You see wala ng pwesto."
"We are done, If you want to sit here then sit," biglang sabi ni Zoltan saka tumayo na. "Let's go." Hinawakan niya ang kamay ko kaya napatayo ako dahil mahinang hinahatak ako.
Nagtataka man ako hinayaan ko lang na hilain niya ako paalis, sumunod rin sina Mama. "Is she your friend?" Biglang tanong niya. Umiling naman ako. "Good."
"Bakit?" tanong ko.
"I don't like her," sagot niya.
"Bakit?" tanong ko ulit.
"Basta ayoko sa kanya kaya 'wag kang makipag usap sa kanya okay?" Naging malambing ang boses niyang kaninang sobrang lamig.
"Okay," sagot ko.
Two seat lang ang kotse ni Zoltan kaya pinag taxi na lang ni Zoltan sina Mama, sina Mikaella at Gianna ay may mga sundo sila. Kasalukuyan kami ngayon pauwi ng bahay namin.
"Next month mag uumpisa na ang klase namin," sabi ni Zoltan, napatingin naman ako sa kanya dahil nagulat ako sa sinabi niya.
"Nag aaral ka pa?" tanong ko.
25 years old na kasi siya kaya iniisip ko na tapos na siya sa pag aaral.
"Yes, dalawang taon kasi akong nag stop sa pag aaral noon kaya hindi pa rin ako tapos," sabi niya.
Napatango naman ako. "Saan ka nag aaral? Bakit mag uumpisa pa lang next month?"
"Sa Empire University," sagot niya.
Nagulat na naman ako dahil kilala ang Empire University sa Elite of Elites dahil lahat ng anak ng mayayamang business man nandoon, mas mayaman pa ang mga ito sa mga nag aaral sa school namin. Hindi lang ito kilala dahil sa mayayaman ang mga tao doon dahil matatalino rin ang mga ito, magagaling din sa sport. Mas gandang mag aral dito dahil mas malaki ang opportunity mo na mas mataas ang makukuha mong trabaho, ganun din naman sa school namin pero mas lamang ang Empire University.
"Ang yamang talaga ng pamilya mo, na kaya ng mga magulang mo na bayaran ang tuition fee doon," tanong ko.
"Nung una ang mga magulang ko ang nagbabayad pero ngayon may sariling business na ako, ako na ang nagbabayad," sabi niya.
Sa muling pagkakataon nagulat na naman ako. "May sariling business ka na?"Akala ko kasi sa mga magulang niya iyon pagkatapos pinahawak sa kanya gaya ng mga nababasa ko.
"Yes, ayoko kasing umasa sa kanila at gusto kong makilala ako sa pangalan ko hindi dahil sa anak ako ng mga magulang ko," sabi niya.
"Wow, ang bata mo pa lang may business ka na agad, sana maging kagaya kita," sabi ko.
"Don't worry you can be a successful chef someday, I know that," sabi niya.
"Ang laki ng tiwala mo sa akin," sabi ko.
"Of course, so, trust yourself, okay?" sabi niya.
"Oo naman," sabi ko.
Ayokong ibaba ang sarili ko, ayokong mangyari ulit sa akin 'yung nangyari sa akin sa future. Gagawin ko ang lahat para maging successful balang araw, hindi man agad mangyari pero balang araw. Tumagal man mag hihintay ako na dumating 'yung time na matupad ko ang mga pangarap ko.
"Wait, hindi ito daan papunta sa bahay ah," sabi ko ng mapansin ko na iba ang dinadaanan namin.
"Naging busy ka lately kaya mag date muna tayo para bawiin ang ilang araw na naging busy ka," sabi niya.
Nag focus kasi ako sa pag e-ensayo kaya hindi na ako masyadong nagpupunta sa office niya at hindi ko na rin siya nakakausap, kailangan ko kasing seryosohin ang paghahanda ko sa contest, malaki ang tiwala sa akin ng Prof ko.
Ilang oras din nakarating kami sa isang lugar na hindi ako pamilyar, naunang bumaba si Zoltan pagkatapos pinagbuksan niya ako ng pinto. Nilingon ko ang paligid para mas makita, walang masyadong mga tao.
"Nasaan tayo?" tangong ko sa kanya.
"In my private place, gusto kong tahimik lang ang date natin kaya dito ko sinet up," sabi niya sabay kuha sa kamay ko tapos naglakad na kami papunta doon sa isang building, ito lang ang building dito malalayo na ang ibang mga building. Hindi kami pumasok sa buiding dumaan kami sa may gilid. Namangha naman ako ng makarating kami sa likod ng buiding dahil napakaganda.
May mga parang Christmas light na nakasabit sa itaas para siyang naging bubungad sa pwesto nila. May mga bulaklaka at halaman sa paligid at sa gitna ng mga ito may lamesa na nadoon may kandila pa na nakalagay sa gitna ng lamesa. Lumapit kami doon then pinaghila ako ng upuan ni Zoltan.
"Thank you," sabi ko saka umupo ganun din naman siya. "Ang ganda naman dito." Habang palinga linga.
"Mabuti nagustuhan mo," sabi niya.
Maya maya may lumabas na tatlong waiter may dalang mga pagkain, lumapit sila sa pwesto namin saka nilapag ang mga pagkain sa table namin. Nagsalin ang isa ng wine sa baso namin ni Zoltan, hindi naman nakakalasing ang wine kaya ayos lang na uminom ako isa pa nakainom na rin naman ako ng alak noon nung panahong hindi pa ako bumalik sa nakaraan.
"Let's eat," sabi ni Zoltan.