Chapter 36

2002 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Masayang pinakilala ng mag asawang Clifford si Avyanna bilang anak anakan nila, pinagmalaki nila ito sa mga bisita nila. Sa kabilang banda naman, magkahalong gulat at inis ang nararamdaman ni Nichole, nagulat siya ng malaman na kilala ng mag asawang Clifford si Avyanna at inis, naiinis siya kung bakit napaka swerte nito. Iba na nga ang pakikitungo ni Zoltan dito tapos close na close pa siya sa mga magulang ni Zoltan. Matagal na niyang kilala ang mga ito pero ni minsan hindi sila naging ganun sa kanya, minsan nakakasama niya si Mrs. Clifford kapag niyaya niya itong mag shopping pero hindi gaya ng pakikitungo nito kay Avyanna na anak kung ituring nito pero siya ay parang kakilala lang nito. Si Mr. Clifford naman hindi nakakausap dahil sobrang cold nito sa kanya pero pag dating kay Avyanna todo ngiti ito na, ganun din si Zoltan never siyang nginitian nito pati na rin si Mason na never siyang kinakausap at kapag susubukan niyang kausapin ito ay parang wala siya sa paningin nito kung ituring siya pero sobrang sweet nito kay Avyanna. "Ano bang meron ang babaeng iyan at gusto siya ng pamilya Clifford," inis na sabi ni Nichole. "Ugali," Napatingin naman siya sa nagsalita, si Beatrice. "Magandang ugali ang meron siya kaya nagugustuhan siya ng mga tao." Tinaas naman niya ang kilay niya. "Paano ka nakakasiguro na totoong mabait si Avyanna ha? Baka nagpapanggap lang iyan para mamera." "Hindi tanga ang Clifford para magpaloko sa isang tao, malalaman at malalaman nila kung ano ang ugali nito," sagot ni Beatrice. Hindi naman siya nakasagot dahil totoo ang sinasabi nito, hindi madaling maloko ang mga Clifford malalaman agad nila kung may nagpapanggap sa kanila. Nag walk out na lang siya para maiwasan ang mga taong nakatingin sa kanya. AVYANNA'S POINT OF VIEW "Grabe ang liit nga naman ng mundo, iisang tao lang pala ang pinag uusapan natin," manghang sabi ni Mommy. Tapos na ang party at kami na ang nandito sa venuw. "Oo nga po, parents po pala kayo ni Zoltan," sabi ko sa kanya. "Pero hindi niyo po ba nababanggit kay Zoltan ang pangalan ko?" Panigurado naman na mag kaka idea siya kapag nalaman niya ang pangalan ko diba? "Ang sinabi lang kasi namin sa kanya ay may anak anakan kami ng Daddy niya pero wala naman siyang pakielam doon kaya hindi na niya tinanong ang pangalan mo," sagot ni Mommy. "Yes, wala naman kasi akong interest sa mga ganung bagay. Hindi ko rin naman naisip na ang Ate Avy na sinasabi ni Mason ay ikaw dahil maraming Avy sa mundo," dagdag naman ni Zoltan na kinatango ko. "I understand, napapansin ko nga na wala kang interest sa mga bagay bagay," sagot ko. Sabi nga ni Kuya Pierre kahit na mag hubad na ang babae sa harapan nito wala pa rin itong pakielam hinding hindi nito pag i-interesan. "Kaya pala nagkataon na parehas ang anniversary ng parents ni Zoltan at anniversary niyo ni Daddy kasi kayo ang magulang niya," dagdag ko. Tumawa naman si Mommy. "Oo nga, at least hindi ka na aalis ng maaga para pumunta sa party namin." "Kinabahan pa naman po ako, ayokong ma-meet ang parents ni Zoltan kasi baka hindi nila ako magustuhan dahil mahirap lang ako pero kayo lang po pala kaya nawala ang kaba ko," sabi ko. "Naiintindihan ka namin, may iba kasi talaga sa mga mayayaman ang matapobre," sagot ni Mommy. "Oo nga pala, maraming salamat sa pagligtas mo sa anak ko ah? Sobrang dami mo ng naitulong sa amin, una kay Mason nakakain siya ng maayos dahil sa 'yo pagkatapos niligtas mo si Zoltan kaya maraming salamat." "Wala po iyon kahit sino naman po gagawin iyon," sabi ko. "Pero ang sabi ng anak ko nasa may loob siya ng lumang building at madilim pa doon pero matapang mong pinasok iyon," sabi niya. "Tama ang Mommy mo, sapat na iyong sinubukan mong pumasok sa loob na hindi alam kung anong naghihintay sa 'yo doon, paano kung masama pala ang nasa loob 'nun edi napahamak ka na pero matapang mo pa ring pinasok iyon para lang tignan kung sino ang nasa loob," sabi naman ni Daddy. Nginitian ko na lang sila dahil hindi ko rin naman alam ang sasabihin ko. "Happy anniversary po pala, pasensya na po wala akong regalo," pag iiba ko ng usapan. "Ano ka ba ayos lang, masaya na kami na pumunta ka sa anniversary namin," sagot ni Mommy. "Pero nakakahiya pa rin po," sabi ko. "Wala kayong pasok bukas diba?" tanong niya tumango naman ako. "Matulog ka na lang sa bahay iyon na lang ang magiging gift mo sa amin." "Okay po," sabi ko. "NUNG UNA inis na inis ako ng malaman ko na nagpagawa sina Mom ng kwarto para sa anak anakan nila it turns out it is you, kaya ayos na sa akin," sabi ni Zoltan. Nandito na kami sa bahay nila at nandito kaming dalawa sa kwarto ko. "Eh paano kung hindi pala ako anong magiging reaction mo?" tanong ko. "Magiging suspicious ako sa kanya, baka kasi pineperahan lang nito sina Mommy pero dahil ikaw iyon alam kong hindi mo gagawin iyon," sabi niya. Tumango naman ako pagkatapos pinatong ko ang ulo ko sa balikat niya. "Hindi pa run talaga ako makapaniwala na anak ka nina Mommy." "Yeah, I'm also shock, hindi ko lubos maisip na ikaw pala ang sinasabing anak anakan nila," sabi niya. "Alam mo bang nung sinabi sa akin nina Mommy kung pwede bang maging anak anakan nila ako hindi ako makapaniwala," pagke-kwento ko. "Bakit naman?" tanong niya. "Kasi sa dami dami ng mga tao bakit ako pa? Pwede namang si Kim diba? Kaya bakit ako?" tanong ko. "You know why?" Tumingin naman ako sa kanya. "Because you're special." "Paanong special?" takang tanong ko. "Special child ganun?" Natawa naman siya. "Of course no." Napanguso naman ako. "Eh anong special na sinasabi mo?" "Well, I can't tell what the specific, basta sobrang gaan ng pakiramdam namin sa 'yo kapag kasama ka namin," sabi niya. "Bakit hindi ba magaan ang pakiramdam niyo sa iba?" tanong ko. "It depends," sagot niya. "Paanong it depends?" tanong ko pero imbis na sagutin ako tumayo lang siya saka hinarap ako. "Gabi na matulog ka na," sabi niya kaya tumingin ako sa wall clock, nakita kong maaga pa lang kaya nag tantrums ako. "8pm pa lang eh," sabi ko. "Kahit na kailangan mo ng matulog," sabi niya. "Ayaw," parang batang sabi ko. 11pm talaga ang tulog ko dahil 8am pa naman ang klase namin, ayoko kasing maaga akong magising tapos maaga akong magigising maiinip lang ako sa paghihintay tapos aantukin lang ako sa klase. Napabuntong hininga naman si Zoltan. "Anong gusto mong gawin?" "Nood na lang tayo ng movie," sabi ko. "Okay," sabi niya. KINABUKASAN nagising ako dahil sa katok, tatayo na sana ako para pagbuksan ang kumatok ng bigla akong napabalik sa pakahiga, napatingin naman ako sa naging dahilan, si Zoltan, nakayakap ang braso niya sa tiyan ko. Dito na pala siya nakatulog matapos naming manood ng movie, ayos lang naman kung magkatabi kami, tiwala naman ako sa kanya. Mahina ko siyang tinapik para magising siya pero umungol lang siya kaya hinayaan ko na lang siyang matulog, dahan dahan kong inalis ang braso niya sa tiyan ko, nung una nahirapan pa ako dahil ang bigat bigat ng kamay niya pero kalaunan natanggal ko na rin. Bumangon ako saka naupo pagkatapos nag stretch na muna ako bago ako maglakad papunta sa pintuan. "Oh, mommy," sabi ko ng makita ko siya. "Good morning." "Good morning, tara kain na tayo," sabi niya. "Sige po, maghihilamos lang po ako," sagot ko. "Sige, gigisingin ko lang si Zoltan," sabi niya at aalis na sana ng pigilan ko siya. "Ah, mommy nandito po si Zoltan, dito na po siya natulog matapos naming manuod ng movie," sabi ko. Hindi kasi makikita agad ang kama ko sa kaliwa ko kasi ay c.r kaya may maikling hallway bago makita ang kama ko. "Ah ganun ba? Sige gisingin mo na siya para sabay sabay na tayong kumain," sabi niya. "Opo," sagot ko. Nang makaalis siya sinara ko ulit ang pinto tapos bumalik sa kama ko at nakita kong gising na ang dapat kong gisingin. Naglakad naman ako sa harapan niya. "Mabuti naman gising ka na, sabi ni Mommy kakain na raw tayo," sabi ko. "Okay," Tumayo naman ito kaya napatingala ako dahil sobrang tangkad niya. "Good morning," sabi niya saka hinalikan ako sa noo. "Good morning," sabi ko. "Balik lang ako sa kwarto ko para maghilamos, hintayin mo ko ha?" sabi niya. "Oo, maghihilamos din naman ako," sabi ko, tumango naman siya pagkatapos naglakad na siya palabas ng kwarto ko. Paglabas niya pumasok naman ako sa c.r ko, napag disisyonan ko na maligo na lang dahil hindi ako nakaligo kagabi mabuti na lang may heater sina Mommy kaya hindi ako lalamigin. "GOOD MORNING PO," bati ko kay Daddy pagbaba namin sa dinning area. "Good morning iha," sabi ni Daddy. "Good morning Ate Avy," masayang sabi ni Mason. "Good morning," sabi ko. "Maupo na kayong dalawa para makakain na tayo," sabi ni Mommy kaya naupo na kami ni Zoltan. Tumabi ako kay Mason habang katabi naman ni Zoltan si Mommy, so magkaharapan kaming dalawa. Si Daddy nakaupo sa dulo dahil siya ang head of family kaya doon siya. "This is a special day dahil kumpleto tayong lahat," masayang sabi ni Mommy. "Mom, hindi niyo naman gagawing legal daughter niyo si Princess diba? She have a parents." Biglang sabi ni Zoltan. "Yes, I know that," sabi ni Mommy. "Khorosho," (Mabuti naman) Napakunot ang noo ko sa sinabi ni Zoltan dahil hindi ko ito naintindihan. THIRD PERSON'S POINT OF VIEW Natawa si Angelica sa tinuran ng anak niya, bigla itong nag Russian kaya ibig sabihin may ayaw siyang ipaalam kay Avyanna. "Nu, ona budet moim nastoyashchim rebenkom, yesli ty zhenish'sya na ney," (well, magiging totoong anak ko siya kung papakasalan mo) pilyang sabi niya. "Skoro," (Soon) sagot ni Zoltan, hindi naman maiwasang kiligin ni Angelica, boto naman siya kung si Avyanna ang magiging asawa ng anak niya dahil alam niyang nasa mabuting babae ito. "On tebe nravitsya?" (May gusto ka ba sa kanya?) tanong naman ni Blade, tumango naman si Zoltan, kahit hindi siya masyadong close sa mga magulang niya open naman siya sa mga ito lahat sinasabi niya sa kanila never siyang nagtago sa kanila ng sekreto kahit ang pagiging gangster at mafia boss niya ay alam nila. "Togda vy budete ukhazhivat' za nim?" (Then liligawan mo ba siya?) "Skoro," sagot ni Zoltan. "Pochemu skoro?" (Why soon) tanong ni Angelica. Sinabi naman ni Zoltan ang dahilan sa mga magulang niya, tumango naman ang mag asawa sa sinabi ng anak nila. Tama ang ginagawa ni Zoltan, maganda nga na 'wag niyang biglain ang dalaga lalo na at galing ito sa heart broken.  "U tebya vse khorosho, synok," (Maganda ang ginagawa mo anak) sabi ni Angelica dito. AVYANNA'S POINT OF VIEW "Pagod na ako," sabi ko saka naupo sa damuhan. "Time out muna Mason." Naghahabulan kasi kaming dalawa pero masyado siyang hyper sa akin kaya hindi ko kinayang pantayan ang energy niya. "Okay, Ate Avy," sabi niya. "Tsk, pawis na pawis ka na," sabi bigla ni Zoltan, nanunuod lang siya sa amin ni Mason habang nag lalaro kami ayaw niya kasing sumali eh. "Normal lang ito kasi nagtakbuhan kami ni Mason," sagot ko sa kanya. "Tsk," sabi niya lang pagkatapos tumayo ito at pumasok sa mansion pero mayamaya lang bumalik ulit ito na may dalang hand towel. Lumapit siya sa akin saka pinunasan ang pawis ko sa mukha. "Sa susunod kasi 'wag na kayong maglaro ng nakakapagod," sabi niya. "Eh anong gagawin namin?" tanong ko. "Pwede kayong mag laro ng hindi nakakapagod," sabi niya. "Pero parang exercise naman ito eh," reklamo ko. "Oo nga, 'wag mong masyadong bine-baby si Yanna," sabi ni Mommy na kararating lang. "Hayaan mo lang na pagpawisan si Yanna baka mamaya biglang magkasakit iyan." Napabuntong hininga na lang si Zoltan. "Fine, basta 'wag sosobra," sabi niya. "Okay," sabi ko naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD