Chapter 35

2514 Words
THIRD PERSON’S POINT OF VIEW “Nabalitaan mo ba ang nangyari sa Phantom Light?” “Oo, grabe ang nangyari talagang ubos lahat ng member nila,” “Ano bang nangyari?” “Base sa nakalap kong balita, may ginawa raw sila na talagang kinagalit ng leader ng Dark Crest,” “Oh, ano bang ginawa nila para magalit ng tuluyan ang leader ng Dark Crest? Kasi kahit anong gawin nila noon wala naman itong pakielam,” “Tama ka, hindi niya pinapansin ang Phantom Light pero dahil binalak nila na galawin ang prinsesa niya hindi na siya nakapagtimpi,” “Si Avyanna ba iyong tinutukoy mo?” “Oo, nakita raw kasi niya na sinusundan ng member ng Phantom si Avyanna, binabalak kasi nila itong gamitin para mapasuko sila at ibigay ang rank nila,” “Tsk, tsk, tsk, kung nakuntento na lang sana sila sa posisyon nila edi sana may Phantom Light pa hanggang ngayon.” “Oo nga eh,” Iyan ang halos maririnig sa mga taong nakakaalam ng biglang pagkawala ng Phantom Light, isang araw lang matapos pagtangkaing dakpin ng membe ng Phantom Light si Avyanna. Lingid sa kaalaman ng mga estudyante ng Empire University may mga gangster group sa eskwelahan nila. Akala ng karamihan ay normal lang ang eskwelahan nila pero kapag sapit ng gabi ay doon makikita ang mga kababalaghang nangyayari dito. “KUMALAT na ang balita na nawala na ang Phantom Light,” sabi ni Acyn. “That’s good. It would be better for them to know that it was a warning for them, ‘wag na nilang tangkain pa na gamitin si Princess,” malamig na sabi ni Zoltan. “Oo nga, siguradong na alerto na sila sa nangyari, paniguradong nag iiba na rin ng strategy ang mga gustong kumalaban sa atin,” sabi ni Ximen. “Hindi kasi sila nag isip ng mabuti eh,” sabi ni Lorcan. “Akala ba nila porket makukuha nila si Avyanna eh magiging mahina na si Zoltan? Nagkakamali sila mas magiging malakas pa ito dahil prinsesa na niya ang pinag uusapan.” “Tama ka,” sang ayon ni Acyn. Hindi kahinaan ni Zoltan si Avyanna, ito pa nga ang nagbibigay ng lakas sa kanya. Basta pagdating dito mas nagiging demonyo pa siya, makakita lang siya ng konting gasgas dito uubusin niya ang lahi ng sino man ang gumawa ‘nun ganun siya ka-overprotective sa prinsesa niya. “Acyn, nagawa mo na ba ang pinapagawa ko?” tanong ni Zoltan. “Oo paparating na sila,” sagot ni Acyn. “Sigurado ka ba na iyong magagaling ang pupunta?” tanong niya. “Oo naman,” sagot nito. “Good,” sabi niya. Pinadala niya dito sa school nila ang mga magagaling na member ng grupo nila para batayan ang prinsesa niya, hindi lang kasi gangster si Zoltan, isa rin siyang Mafia Boss, siya ang pinakabatang Mafia Boss sa mga Mafa Boss at siya rin ang pinakakinakatakutan walang nagtatangka na kalabanin siya dahil alam nilang mawawala sa mundo ng Mafia ang grupo nila kung sakaling kalabanin nila ito. “ALAM MO lately parang laging may nakasunod sa akin,” sabi ko. Malakas kasi ang pakiramdam ko, malalaman ko agad kung may nakasunod sa akin. “Swempre sikat ka kaya talagang may susunod sa ‘yo,” sabi niya, tama ito pero parang iba eh. Hay, hayaan na nga baka iyon nga ang dahilan. “Hindi pala ako makakasabay sa ‘yo mamayang pag uwi pinapapunta kasi ako ni Zoltan sa basketball court. Ayos lang ba sa ‘yo?” sabi ko. “Oo naman, walang problema sa akin,” sagot niya. Napatingin naman ako sa orasan ko. “Tara na malapit ng magsimula ang afternoon class natin.” “Okay,” sabi niya. Niligpit muna namin ang pinagkainan namin para hindi na ganun mahirapan ang mga magliligpit. Kahit self-service ito may mga nagliligpit naman pagkatapos naming kumain. Habang naglalakad kami ni Beatrice hinarangan na naman kami ni Nichole at mga kaibigan niya. “Ano na namang problema mo Nichole?” inis na tanong ni Beatrice. “Hindi ikaw ang sadya ko kaya ‘wag kang makielam,” sabi nito sasagot na sana si Beatrice ng pigilan ko siya. “Anong kailangan mo?” kalmadong tanong ko sa kanya. Tinignan niya muna ako mula paa hanggang ulo bago siya magsalita. “Ano bang nagustuhan sa ‘yo ni Zoltan? Kumpara naman sa ‘yo mas maganda naman ako,” inis na sabi niya. “Kung mas maganda ka pala sa kanya bakit hindi ka pinapansin ni Captain Zoltan?” tanong ni Beatrice. “Epal ka talaga ‘no? Hindi naman ikaw ang kinakausap ko,” sabi ni Nichole. “Ako ng bahala dito Beatrice,” bulong ko sa kanya kaya tinikom na lang niya ang bibig niya. “Hindi ko alam kung anong pinupunto mo, Nichole.” Umirap naman siya. “Ang sinasabi ko lang, walang wala ka sa akin, maganda ako at mayaman. Mas matagal ko pang nakilala siya sa ‘yo dahil mag business partner ang mga magulang namin kaya bakit ganun sa ‘yo si Zoltan ha?” “Kung gusto mong masagot ‘yang tanong mo itanong mo kay Zoltan ‘wag sa akin dahil hindi ko naman hawak ang isip niya,” sabi ko. “Tama,” sang ayon ni Beatrice. Nanggalaiti naman ito sa inis. “Magpakasasa ka ngayon dahil once na makita ka ng mga magulang ni Zoltan sigurado akong hindi ka nila magugustuhan dahil mahirap ka lang.” Inirapan niya muna ako bago siya umalis. “Baliw talaga ang babaeng iyon,” sabi ni Beatrice. “Hayaan mo na lang siya,” sabi ko. Pero bigla akong napaisip sa sinabi niya, hindi sumagi sa isip ko ang mga magulang niya, paano kung tama ang sinabi ni Nichole? Paano kung hindi ako magustuhan ng mommy ni Zoltan? Paano kung against ito sa pagkakaibigan namin ni Zoltan dahil mahirap lang ako. Ayoko naman na matapos lang dahil doon ang pagkakaibigan namin. “BAKIT ANG tahimik mo?” tanong niya. Umiling naman ako. “Wala, iniisip ko lang ang project namin,” pagsisinungaling ko sa kanya. “Gusto mo ba na tulungan kita?” tanong niya. “Hindi na, kaya ko naman,” sabi ko. “Okay, sabihin mo lng kung magpapatulong ka ha?” nakangiting sabi niya tumango naman ako. “By the way, next week anniversary ng mga maguang gusto sana kitang i-invite para makilala ka nila.” Bigla naman akong nakaramdam ng kaba. “A-Ako i-invite mo?” kinakabahang tanong ko. “Oo, bakit ayaw mo ba?” tanong niya. “Hindi naman kaya lang baka kasi hindi nila ako magustuhan kasi mahirapa ako,” sabi ko. Ngumiti naman siya. “Don’t worry, hindi ganun klaseng tao ang mga magulang ko, mababait sila kaya ‘wag kang mag alala, okay?” “Okay, kaya lang wala akong susuotin,” sabi ko. “Ako ng bahala doon,” sabi niya. NASA dorm na ako ngayon kakatapos ko lang maligo ng biglang may tumawag sa akin. “Hello, Mommy,” sabi ko. “Anak, anniversary namin ng Daddy mo next week, invite ka namin,” sabi niya. “Hala, ininvite rin po ako ng kaibigan ko dahil anniversary din ng mga magulang niya,” sabi ko. “Eh, so, hindi ka makakapunta?” tanong niya, nahihimigan ko sa boses niya na malungkot siya. Ayoko naman na nalulungkot si Mommy. “Ganito na lang po, sasabihin ko po sa kaibigan ko na maaga akong aalis sa anniversary ng mga magulang niya para makapunta po ako sa anniversary ninyo.” “Talaga? Gagawin mo iyon?” masayang sabi niya. “Oo naman po, basta kayo po ni Daddy,” sabi ko. “Pero ayos lang ba sa kaibigan mo?” tanong niya. “Oo naman po, alam kong maiintindihan niya ako,” sabi ko. “Okay, hihintayin ka namin,” sabi niya. “Okay po,” sabi ko kaya pinatay na niya ang tawag. Napabuntong hininga naman ako bakit ba kasi nagkasabay pa ng araw, nakakahiya naman sa magulang ni Zoltan kung maaga akong aalis pero ayoko naman na malungkot sina Mommy, unang beses na pupunta ako sa anniversary nila. NALAMAN ko kay Zoltan na maraming invited sa mga schoolmates namin dahil invited ang mga magulang ng mga ito pati si Beatrice ay kasama. Ngayon nandito kami sa hotel na malapit sa venue ng party ng magulang ni Zoltan, inaayusan nila ako. Nag reklamo nga ako sa kanya dahil bakit kailangan pang dito pero swempre wala naman akong laban sa kanya. “Ang ganda niyo ma’am,” puri sa akin ng nag me-make up sa akin. Si Ate Joe. “Hindi ako nahirapan sa pag aayos sa inyo.” “Salamat,” sabi ko. “Tapos na,” sabi naman ni Ate Rita, ang hair dresser ko pero ang ginawa niya ngayon nilagyan niya ako ng fake nails dahil sabi ko ayokong may nail polish ang kuko kaya ito na lang ang ginawa nila para maganda naman daw ang kuko ko. “Wow, ang ganda naman ng design,” sabi ko habang tinitignan ang fake nails. Mahaba ang nilagay nila sa akin, ayoko sana pero mas maganda raw kasi kung mahaba kaya hinayaan ko na lang. Hindi ko ma-describe kung anong tawag sa design na ito dahil wala naman akong alam sa mga ito pero magada siya at may mga diamonds na nakalagay may malaki at may maliit din. Iyong pinaka base niya isa nude lang. “Okay, ma’am, isuot mo na ang gown mo,” sabi ni Ate Joe. Dahil mahaba ang mga kuko ko hinayaan ko lang sina Ate Joe at Ate Rita na ipasuot sa akin ang gown ko, hidni ko rin naman kasi masusuot mag isa. “Ayan tapos na,” sabi ni Ate Rita. “Wow, bagay na bagay sa ‘yo ang gown mo.” Ang binigay na gown sa akin ay glamorous Satin Maroon gown with v-neck and off shoulder. Sinabi ko kasi sa kanya na simple lang dahil ayoko naman na maging center of attraction ako eh anniversary ng mga magulang niya. “Sir, tapos na siya,” rinig kong sabi ni Ate Joe, siya kasi ang unang lumabas. Sinenyasan naman niya ako na lumabas kaya lumabas ako. “Hindi ba maganda?” tanong ko ng hindi siya nagsalita, nakatingin lang siya sa akin. “No, it’s beautiful,” mabilis na sagot niya. “Bakit hindi ka nagsasalita?” tanong ko. “Because I’m speechless, ang ganda kasi ng nasa harapan ko,” sabi niya na kinapula ng mukha ko. “Tara na?” Nilahad niya ang kamay niya kaya kinuha ko ito pagkatapos ‘nun nilagay niya sa braso niya ang kamay ko saka nag umpisang maglakad. Ilang minuto lang nakarating na kami sa venue ng party, kinabahan pa ako dahil lahat sila nakatingin sa amin pagpasok namin. “Relax, I’m here,” sabi niya habang hawak ang kamay ko na nakahawak sa braso niya, naramdaman niya siguro ang kaba ko. “Alam ko pero hindi ko pa rin maiwasang kabahan,” sabi ko. “Avyanna,” Napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Si Beatrice. “Hello.” Bati niya kay Zoltan, tinanguan lang siya nit. “Nandito naman ang kaibigan mo, iwan na muna kita sa kanya okay?” sabi ni Zoltan. “Okay,” sabi ko. “Wow, ang ganda mo,” sabi ni Beatrice pagkaalis ni Zoltan. “Thank you,” sabi ko. “Saan mo nabili ‘yang gown mo?” tanong niya. “Hindi ko alam, si Zoltan ang bumili nito eh,” sagot ko. “Mahirap ka lang kasi kaya hindi mo kayang bumili,” Tumingin kami sa nagsalita si Nichole. “Kaya ka siguro nakikipag lapit kay Zoltan dahil sa pera niya.” Hindi ko naman nagustuhan ang sinabi niya. “Hindi ako nakikipagkaibigan kay Zoltan dahil sa pera niya,” inis na sabi ko. “Oh, talaga lang ha,” sabi niya saka nag cross arm. “Humanda ka na, dahil kapag nakilala ka ng mga magulang ni Zoltan sigurado ako na hindi ka nila magugustuhan, hindi nila hahayaan na mapalapit ang anak nila sa isang gold digger na gaya mo.” Sobra akong nainis sa sinabi niya pero hindi ako nag react. Mayamaya biglang namatay ang music, niyaya naman ako ni Beatrice na lumapit dahil lalabas na raw ang mga magulang ni Zoltan pagkatapos may nagsalita ang mc. “Please welcome Mr. and Mrs. Clifford.” Nagpalakpakan naman ang mga bisita habang ako gulat na gulat sa nakita ko. “Mommy, Daddy,” gulat na sabi ko, malakas ang pagkakasabi ko kaya narinig ng mga bisita. “Anong sinasabi mo? Nag iilusyon-“ Hindi natuloy ni Nichole ang sinabi niya ng magsalita si Mommy. “Avyanna? What are you doing here?” gulat na sabi ni Mommy saka lumapit sa akin. “Ate Avy,” masayang sabi ni Mason saka ako niyakap. “Wait, Mom, Dad, kilala niyo siya?” takang tanong naman ni Zoltan. “Yes, siya ‘yung sinasabi ko na anak-anakan namin ng Daddy mo,” sagot ni Mommy, na mas lalong kinagulat ni Zoltan ganun din ang mga bisita. “Siya ‘yung sinasabi ni Mason na Ate Avy niya?” gulat na tanong niya. “Oo, ikaw paano mo nakilala si Avyanna?” tanong ni Mommy. “Siya iyong sinasabi kong nagligtas sa akin,” sagot ni Zoltan. “Pero wala namang Princess sa pangalan ni Avyanna ah,” sabi ni Mommy. “Yes, but I call her Princess because she’s my princess,” sagot ni Zoltan. Napatingin naman kami kay Daddy ng bigla siyang tumawa. “So, it means iisang tao lang ang pinag uusapan natin? Wow, what a coincidence.” Tama si Daddy pero teka, “So, siya po ‘yung maarteng lalaking anak niyo?” tanong ko sa kanila. “What?” gulat na tanong ni Zoltan sa akin. “What do you mean maarte?” “Eh kasi naman nung cook pa lang ako nina Mommy sabi nina Kim ayaw mong nakkaakita ng mga katulong sa bahay kaya kailangan nilang magtago kaya nasabi kong maarte ka,” sagot ko nakinatawa nina Mommy. Napabuntong hininga naman siya. “Hindi ako maarte kaya lang ayokong makakita ng mga tao sa bahay dahil ayokong may pakalat kalat baka mainis lang ako at masigawan sila.” “Edi maarte ka nga,” sabi ko sa kanya saka bumaling kina Mommy. “Pero kung anak niyo po siya bakit Hansley ang apilido ni Zoltan kayo Clifford?” “Ito kasing si Zoltan gusto niyang bumuo ng pangalan na hindi kami na i-involve kaya ginamit niya ang apilido ko sa pagkadalaga para hindi siya makilala bilang anak namin, hindi pa naman nila alam na anak namin siya noon. Proud naman ako dahil sa ilang taon lang nakabuo na siya ng pangalan matapos ‘nun saka lang nila nalaman na anak namin siya pero hanggang ngayon ‘yung apilido ko pa rin ang gamit niya,” sabi ni Mommy. Napatango naman ako. “Okay po.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD