AVYANNA’S POINT OF VIEW
“So, bati na tayo?” tanong ni Zoltan sa akin habang pinupunasan ang gilid ng labi ko na may chocolate.
Tumango naman ako dahil may laman pang chocolate ang bibig ko. Bati na kami ngayon kasi binili na niya ako ng chocolate pero hindi lang naman iyon ang dahilan dahil hindi ko rin naman kayang hindi ko siya pansinin, nagpapasuyo lang ako kaya kunwari galit ako.
“Ay, ganun lang kadali,” sabi ni Lorcan. “Hindi dapat ganun dapat pinahirapan mo siya kasi pinaiyak ka niya."
"Oo nga ‘no?” Pagsasakay ko sa sinabi niya kasi alam kong niloloko niya lang si Zoltan, pikon pa naman iyon at ayun na nga napikon na kaya binatukan niya si Lorcan.
“Tsk, ‘wag mo siyang turuan ng masama,” malamig na sabi ni Zoltan at saka humarap sa akin. “Don’t listen to him, he’s bad influence.”
“Pero tama siya dapat pahirapan kita,” sabi ko habang pinipigilan na mapangiti.
Nakita ko naman sa mata niya ang takot. “No, sabi mo bati na tayo,” parang batang sabi niya.
“Tama iyan pahirapan mo siya,” gatong ni Lorcan kaya nainis na siya ng sobra.
“You rascal,” galit na sabi niya at susugurin na sana ito pero hinawakan ko siya sa kamay.
“Joke lang, swempre bati na tayo,” sabi ko sa kanya baka kung ano pang gawin niya kay Lorcan mahirap na baka maalis ang gwapo nitong mukha.
Napabuntong hininga naman siya. “That’s not a funny joke,” sabi niya saka niyakap ako. “Don’t do that again, okay.”
“Okay, I’m sorry,” sabi ko.
“It’s okay,” sabi niya.
THIRD PERSON’S POINT OF VIEW
“Captain, pagod na ako gusto ko ng magpahinga,” reklamo ni Lorcan habang tumatakbo sa baketball court.
“Shut up,” malamig na sabi ni Zoltan.
“Anong meron? Bakit pinapatakbo ni Captain si Lorcan?” takang anong ni Thunder, member ng Dragon Eye, ang basketball team ng Empire University.
“T*arant*ado kasi iyan, alam niyang pikon si Captain niloloko niya pa,” sabi ni Acyn. Kapag training nila Captain ang tawag niya kay Zoltan, silang lahat ganun.
“Ano bang ginawa niya?” tanong ni Angelo, bago lang sa team.
“Kilala niyo naman si Avyanna diba?” tanong ni Acyn.
“Iyong yakap ni Captain kahapon?” tanong ni Jaime. Aakalain mong mahina siya dahil mukha siyang nerd dahil may suot siyang salamin pero kapag sumabak na siya sa laro magiging halimaw siya.
“Oo,” sagot niya.
“Tapos anong nangyari?” tanong naman ni Bryan, bagong member din.
Kinwento naman ni Acyb ang nangyari. “Kaya ayan ang napala niya pinarusahan siya ni Captain.”
Nagtawanan naman sila. “G*go talaga iyang si Lorcan, alam niyang pikon si Captain tapos gaganunin pa niya,” sabi ni Zeke, pinakabata sa kanila.
“Pero tanong ko lang, girlfriend ba ni Captain si Avyanna?” tanong ni Thunder na sinang ayunan naman ng iba.
“Hindi,” sagot ni Acyn.
“Hindi naman pala pero bakit ganun na lang niya yakapin si Avyanna?” tanong ni Bryan.
Natawa naman si Ximen sa sinabi niya. “Tama ka, sobrang sweet at maalaga siya kay Avyanna pero wala naman silang labe.” Nilakasan niya talaga ang boses niya para marinig ni Zoltan.
“Gusto mong samahan si Lorcan dito Ximen?” malamig na sabi ni Zoltan.
Baliwala lang kay Ximen iyon dahil sanay na siya dahil mula pa lang pagkabata magkasama na silang dalawa kaya sanay na sanay na siya sa ugali nito. “No thanks,” sabi niya. “Masyado kang sweet kay Avyanna at kita ko naman na may gusto ka sa kanya kaya bakit hindi mo pa siya ligawan?”
Napabuntong hininga naman si Zoltan saka umupo sa tabi ni Ximen. “She’s not ready,” sagot nito.
“Bakit naman? Kita ko naman na sobrang sweet niya rin sa ‘yo,” sagot ni Ximen.
“Yes, sweet siya sa akin pero hindi ibig sabihin parehas na kami ng nararamdaman, she just like that dahil malapit ang loob niya sa ‘kin, parang kapatid ganun,” sagot nito.
“Ouch,” sabi ni Ximen saka humawak sa dibdib niya na kunwari ay nasaktan siya. “Kapatid lang ang turing sa ‘yo? Kawawa ka naman.”
“Well, I don’t care about that, as long as she’s with me ayos na sa akin. Hindi rin naman ako nagmamadali na magustuhan niya rin ako, handa naman akong maghintay sa kanya hanggang maging handa siya ulit,” sabi niya.
“Wow, ngayon lang kita narinig magsalita ng ganyan,” manghang sabi ni Zeke.
“Pagdating talaga kay Avyanna nag iiba ang ugali niya,” sabi ni Acyn, tumango naman si Ximen. “Pero paano mo nalaman na ayaw pa ni Avyanna na magka boyfriend?”
“Because of that bastard,” malamig na sabi nito, nanggagalaiti talaga siya sa galit kapag naiisip niya ang dahilan kung bakit nasaktan ang prinsesa niya.
“Sinong basta- ohh, you mean si Justin Abraham?” tanong ni Ximen ng makuha niya kung sino ang sinasabi ni Zoltan.
“Yeah, that bastard,” sagot nito.
Kilala nila kung sino si Justin dahil minsan na nila itong nakalaban sa basketball pero ng ma injured ito hindi na ito naglaro pa. Nanghihinayang din sila sa nangyari dito dahil sobrang galing si Justin kaya nakakapanghinayang na hindi na nila ito ulit makakalaban pa.
AVYANNA’S POINT OF VIEW
Hindi pa rin ako makapaniwala na ang dating 6 million lang na followers ko bigla na lang naging 10 million sa isang iglap lang.
“Dahil iyan kay Zoltan,” sagot ni Kuya Pierre kaya napatingin ako sa kanya. “Sinong mag aakalang magkakilala kayo ni Zoltan? Tapos nakakagulat pa na ibang iba ang ugali niya sa ‘yo.”
“Sikat ba si Zoltan dito?” tanong ko.
“Oo naman, captain siya Dragon Eye isama pa na kinababaliwan siya dahil sa itchura nito idagdag pa mas nakaka attract daw ang pagiging cold nito kaya mas lalo silang nagkakagusto dito,” sagot niya tumango naman ako. Sabagay marami nga sa customer ng karenderya namin sobrang attracted kay Zoltan kahit na sobrang sungit at suplado nito sa iba. “Kaya nga gulat na gulat sila ng makita nila na sobrang lambing sayo ni Zoltan, nginingitian ka pa niya kaya talagang sobrang curious sila sa ‘yo.”
“Maliban sa akin may pinakitaan na ba siyang ganung ugali?” tanong ko.
Umiling naman siya. “Wala, ikaw pa lang,” sagot niya.
“Hindi pa ba siya nag kaka girlfriend?” tanong ko.
“Hindi pa, wala nga siyang nilalapitang babae, ang mga babae na nga ang nagbibigay ng motibo pero wala man siyang pakielam, kahit nga siguro maghubad ang babae sa harapan niya hindi niya papansinin ito,” sgot niya.
“Ohh,” sagot ko.
Napanatag naman ako ng malaman ko iyon, at least sa akin lang ganun si Zoltan ayoko na may ibang babae siya mabait siya, mag seselos ako.
Wait.
Bigla akong napamulahan ng mukha ng ma realize ko ang inisip ko. Did I just say I will be jealous? Sh*t, bakit ko ba naisip iyon? Sino naman ako para mag selos? Hindi ko naman boyfriend si Zoltan para magselos ako.
‘Avyanna, ang tanga tanga mo’
“Are you okay? Bakit pinapalo mo ang ulo mo?” tanong ni Kuya Pierre.
“Ah, eh, w-wala, may bigla lang akong naisip hehehe,” sabi ko.
Tumango naman siya. “Okay,” sagot niya. “Ngayon dahil 10 million na ang followers mo, ikaw na ang rank 2 at konti na lang ikaw na ang magiging Rank 1.”
Bigla naman akong nakaramdam ng guilty. “I’m sorry, Kuya Pierre.”
“Bakit ka naman nag so-sorry?” tanong niya.
“Kasi naging rank 3 ka na lang,” sabi ko.
Napapikit naman ako ng ginulo niya ang buhok ko. “Ano ka ba, wala ka dapat ika sorry kasi deserve mo naman iyon, mas magaling ka sa akin kaya maraming nag follow sa ‘yo at hindi mo rin naman kasalanan kung mas marami kang followers ngayon kesa sa akin. ‘Wag ka ng ma-guilty okay?”
Napangiti naman ako. “Okay,” sabi ko.
“GRABE, AVYANNA, totoo talaga ang sinabi mo na magkakilala kayo ni Captain Zoltan,” gulat na sabi niya.
“Sinabi ko naman sa ‘yo diba?” sabi ko.
“Pero bakit nung una sinabi niya na hindi ka niya kilala, iyan tuloy pinagtawanan ka pa nina Nichole pero bumawi ka naman kaya kwits na kayo,” sabi niya.
“Ewan ko doon, nakakatampo nga ang sinabi niya eh, ayoko sana siyang patawarin agad kaya lang isang buwan ko na rin naman siyang hindi nakikita kaya pinatawad ko na,” sabi ko.
“Wow, ang swerte mo,” sabi niya. “So, girlfriend ka niya?”
Mabilis naman akong umiling. “Hindi ah, magkaibigan lang kami,” sagot ko.
“Weh, ang sweet niya sa ‘yo tapos mag kaibigan lang? ‘Wag mo nga akong lokohin,” sabi niya.
“Totoo nga, sweet lang talaga siya sa akin,” sagot ko.
“Pero bakit magkaibigan lang kayo? Bagay naman kayo ah, single naman kayo parehas,” sabi niya.
Napabuntong hininga naman ako. “Parehas kayo ng sinabi nina Mikaella, sinasabi niyo na bagay kami na single kami parehas pero hindi naman ganun kadali. Oo, close kaming dalawa, sweet siya sa akin at ganun din naman ako sa kanya pero hindi ibig sabihin ‘nun ay magkakagusto na ako sa kanya,” sagot ko.
“Bakit naman? Wala namang hadlang sa inyong dalawa ah?” tanong niya.
“Dahil sa ngayon hindi pa ako handa na magmahal. Kung pipilitin ko lang masasaktan ko lang siya,” sabi ko. Ayokong masira ang kung anong meron kami ni Zoltan dahil lang sa sinubukan ko siyang mahalin, okay na sa akin na nakakasama ko siya kesa naman sa mawala siya sa tabi ko.
“Dahil ba iyon kay Justin?” tanong niya.
“Yeah, ayokong sumubok muli matapos ang naranasan kong sakit sa kanya,” sabi ko.
Kahit anong kumbinsi ko sa sarili ko na naka move on na ako sa kanya hindi pa rin nito mababago na nasaktan ako at hindi porket naka move on na ako kailangan kong magmahal ulit para maghilom ang sugat sa puso ko, ayoko ng ganun gusto ko bago ako magmahal ulit gusto ko hilom na hilom na talaga ang puso ko dahil ayokong maging unfair sa lalaking mamahalin ko, siya mahal na mahal ako tapos ako hindi pa talaga magiging buo ang pagmamahal ko sa kanya.
Kaya sa ngayon itutuon ko na lang ang atensyon ko sa mga magulang ko at pag aaral ko, bonus na iyong may mga kaibigan ako na nasa tabi ko.
“Sabagay tama, mahirap nga na mag mahal na hindi pa hilom ang sugat sa puso mo,” sabi niya.
NAGLALAKAD kami ni Beatrice papunta sa dorm namin, medyo ginabi na kami dahil nag tambay pa kami sa library, hindi naman namin namalayan ang oras mabuti na lang hindi pa 10pm kaya hindi pa curfew.
“Bakit?” tanong ni Beatrice ng bigla akong huminto.
Lumingon lingon naman ako pero wala naman akong nakita. “Wala, akala ko may sumusunod sa atin.”
“Ano ka ba, nasa school tayo kaya hindi tayo mapapahamak,” sabi niya.
“Oo nga pala,” sabi ko saka tumuloy na kami sa paglalakad.
THIRD PERSON’S POINT OF VIEW
“Tsk, this is why I don’t want them to know that Princess is important to me,” inis na sabi ni Zoltan.
Nakita niya kasi na may sumusunod sa prinsesa siya. Naisipan niya kasi na bisitahin si Avyanna pero hindi na natuloy dahil nakita niya na may sumusunod dito.
“Pero hindi mo naman napanindigan na ‘wag siyang pansinin diba?” tanong ni Ximen matapos niyang taliin ang lalaking sumunod kay Avyanna.
Napabuntong hininga naman siya. “How can I do that if my princess is hurt?” tanong niya.
“Kaya nga ‘wag kang mag reklamo diyan, ikaw rin naman ang may kasalanan kung bakit nalaman na nila na importante siya sa ‘yo,” sabi ni Ximen.
“Tama,” sang ayon ni Lorcan. “Isa pa malalaman at malalaman naman nila na may connection ka kay Avyanna, ang magandang gawin mo na lang protektahan mo na lang siya, kaya mo naman gawin iyon diba?”
“Of course, for my princess I can do everything,” sagot niya.
“Iyon pala eh, kaya ‘wag ka ng mag reklamo diyan,” sabi ni Lorcan.
‘He’s right, wala rin akong mapapala sa pagrereklamo ko,’ sabi niya sa isip niya.
“Kanino ba grupo kasali ito?” tanong ni Acyn.
“Ewan ko, tanungin natin,” sabi ni Lorcan.
“Pahihirapan niyo pa ang sarili niyo, tignan niyo na lang kaya ang tattoo niya para malaman kung anong grupo niya,” sabi ni Ximen.
“Oo nga ‘no? Bakit ko naisip iyon?” tanong ni Lorcan.
“Wala ka naman kasi talagang isip,” sabi ni Ximen.
“Aba’t…” reklamo nito pero hindi natuloy ng sinaway sila ni Zoltan.
“Alamin niyo na kung anong grupo niya,” inis na sabi niya.
“Oo na, ang init agad ng ulo eh,” sabi ni Lorcan saka hinubad ang t-shirt ng lalaki para tignan ang tattoo nito, agad naman nilang nakita ang tattoo nito na nasa may likuran nito. “Sa Phantom Light siya.”
“Tsk, sila na naman,” sabi ni Acyn.
“Ano pa nga ba, hindi na nakakagulat na sila na naman, alam mo naman kung gaano nila kagusto na makuha ang posisyon natin diba?” sabi ni Ximen.
“Eh ang rank 4 nga hindi na nila maagaw paano pa kaya tayong nasa rank 1?” sabi ni Acyn.
“Oo nga, kung gusto nilang maging rank 1 kalabanin na muna nila nag rank 4,” sabi ni Lorcan.
“Eh paano nila lalaban ang rank 4 diba girlfriend ng leader nila ang leader ng rank 4?” tanong ni Acyn.
“Edi labanan nila ang rank 3 ganun lang ka simple,” sabi ni Lorcan.
Bigla naman silang nakaramdam ng kilabot kaya napatingin sila kay Zoltan, sobrang dilim ng mukha nito at anytime pwede na itong pumatay. Wala namang naglakas loob sa kanila na pakalmahin ito dahil kapag ganito na ang aura niya wala ng makakapigil sa kaniya.
“Lagot,” nasabi na lang ni Lorcan.
Lagot talaga dahil alam nila ang mangyayari kapag ganito nag kanilang leader.
“Good luck na lang sa Phantom Light,” sabi ni Ximen saka napabuntong hininga.