AVYANNA’S POINT OF VIEW
Sigaw ng mga kababaihan ang bumungad sa amin pagpasok namin ng basketball court, hindi pa man nag uumpisa ang laban pero ang hype na ng mga estudyante lalo na ang mga babae halos puro babae nga nag nadito eh. Sa pagkakaalam ko mas marami dapat ang mga lalaki kasi basketball ito.
“Ang dami na agad nila, hindi na tayo makakanap ng magandang spot,” malungkot na sabi niya.
“’Wag ka ngang malungkot diyan, mapapanood mo pa rin naman sila kahit malayo ka,” sabi ko.
“Oo nga pero sayang naman kung hindi nila makikita ang banner na ginawa ko,” sabi niya.
Tama siya pinaghirapan niya pa namang gawin iyon. “Practice game pa naman ito gamitin mo na lang next time,” sabi ko.
Nginitian naman niya ako. “Okay,” sabi niya.
Naghanap na kami ng mauupuan dahil nga marami ng mga tao nahirapan kaming maghanap ng perfect spot, nakanap lang kami sa may pinaka likuran pero makikita pa rin naman ang mga maglalaro kaya ayos na ito.
“Bakit mas marami ang mga babae kumpara sa mga lalaki? Diba mas mahilig ang mga lalaki sa basketball?” tanong ko kay Beatrice.
“Oo tama ka, pero diba sabi ko sa ‘yo iba sila, marami kasi sa mga team natin ang mga gwapo lalo na si Captain, iyon ang dahilan kung bakit maraming mga babae, naiinis nga ang mga lalaki dahil nawawalan sila ng upuan dahil sa mga ito,” paliwang ni Beatrice.
“Dahil lang sa maraming gwapo kaya nanunuod sila hindi dahil mahihilig sila sa basketball?” tanong ko.
“Ganun na nga,” sabi niya.
“Paano kung hindi gwapo ang mga maglalaro?” tanong ko.
“Edi walang manunuod na mga babae,” sagot niya.
“Grabe naman iyon, itchura na lang ba ang basehan?” tanong ko.
“Wala tayong magagawa, ganyan talaga sa panahon ngayon, gapag gwapo at maganda ka marami mag iidolo sa ‘yo pero kapag hindi hindi ka nila papansinin. May mga tao talagang ganun at hindi natin sila ma pi-please,” sabi niya.
Napabuntong hininga naman ako, tama siya sa panahon ngayon puro ang panlabas na lang ang tinitignan nila wala na silang pakielam sa iba. Kahit sobrang bait mo pero kung hindi ka kagandahan o ka gwapuhan walang papansin sa ‘yo, ganun din sa talent kahit sobrang talented mo mas susuportahan pa rin nila ang mga gwapo at magaganda, ‘yun din ang dahilan kung bakit konti lang ang followers ng mga co-member ko sa StarMix.
“Ayan na mag uumpisa na,” kinikilig na sabi ni Beatrice at kasabay nito ang pagtilian ng mga kababaihan. Naunang tinawag ang makakalaban ng team namin, isa isang binanggit ng announcer ang mga pangalan nila pagkatapos ‘nun ay ang team naman namin ang tinawag nila, ganun din ang ginawa isa isang tinawag ang mga member.
Bigla naman akong napangiti ng malaman ko na ang member para ng team namin ay sina Zoltan at mga kaibigan niya. At last nakita ko na rin sa wakas si Zoltan, ilang buwan ko rin siyang hindi na kikita.
“Grabe ang gwapo talaga ni Captain Zoltan,” sabi ni Beatrice.
“Oo, sobrang gwapo niya talaga, mas gwapo siya sa malapitan,” nakangiting sabi ko habang nakatingin pa rin kay Zoltan.
“Kilala mo si Captain Zoltan?” gulat na tanong ni Beatrice sa akin.
“Oo,” sagot ko saka kinwento sa kanya kung paano ko nakilala si Zoltan.
“Wow, ang kapal naman ng mukha mo na gumawa ng kwento,” Napatingin kami sa nagsalita, si Nichole at mga kaibigan, nasa likuran namin sila. “Ganyan ka ba ka desperada na mapansin niya at gumawa ka pa ng kwento?”
“Hindi ako gumagawa ng kwento dahil totoo iyon,” sabi ko.
“Oh talaga lang ha? Sige mamaya kapag natapos sila lapitan mo siya at kausapin,” sabi niya.
“Okay, ‘yun lang pala eh,” sabi ko.
Ngumisi naman siya. “Good luck,” sabi niya, nagtataka naman sa inasal niya.
Mayamaya bigla naman akong hinila ng mahina ni Beatrice para mapalapit sa kanya. “Sigurado ka ba sa sinabi mo na kilala mo si Captain Zoltan?” mahinang sabi niya.
“Oo naman bakit?” tanong ko.
“Alam mo kilala siya bilang cold at hindi namamansin ng babae kaya kung hindi totoo ang sinasabi mo pwede kang mapahiya at i-bash ng mga estudyante,” sabi niya at ramdam ko ang takot sa boses niya.
“Hindi naman kasi ako nagsisinungaling, magkakilala talaga kami ni Zoltan,” sabi ko.
Napabuntong hininga naman siya. “Siguraduhin mo lang kung hindi lagot ka,” sabi niya.
BUONG game tahimik lang si Beatrice ramdam ko sa galaw niya na kinakabahan siya, hindi ko alam kung bakit kinakabahan siya.
“Avyanna, come on umalis na tayo,” nagmamadaling sabi ni Beatrice ng matapos ang game.
“Ha? Bakit?” takang sabi ko.
“Oo nga bakit aalis kayo, may deal pa kami ni Avyanna,” sabi ni Nichole na nasa tabi na namin. Tumingin siya sa akin habang naka cross arm. “So, Avyanna, gawin mo na iyong sinabi ko, lapitan mo na siya. Walang magbabago ang isip ah.” Napansin ko naman na ang isang kasama niya ay may hawak na cellphone at nakatutok sa amin.
“Okay,” sabi ko.
Sinamahan naman nila akong pumunta doon, kita ko na habang naglalakad kami panay ngisi lang ng mga kaibigan ni Nichole minsan tatawa pa sila ng mahina, meron din akong napansin na mga ibang estudyante na patingin tingin sa akin habang ngumi-ngisi ngisi rin kaya hindi ko maiwasang magtaka pero hindi ko na lang pinansin.
Pagkarating namin sa baba excited kong nilapitan si Zoltan, sinigaw ko pa ang pangalan niya pero nawala ang ngiti sa mata ko ng marinig ko ang sinabi niya.
“Who are you?” cold na sabi niya.
Hindi ko pinansin ang mga tawa nina Nichole pati ang ibang mga school ko dahil sa gulat sa sinabi ni Zolta. “W-What?” Utal na sabi ko.
“Who are why are you calling my name?” tanong niya.
Tumawa naman ng malakas si Nichole. “Sabi ko na ilusyonada kang babae ka,” sabi niya pero hindi ko siya pinansin.
“Bakit ganyan ka magsalita sa akin ha? Isang buwan lang tayo hindi nagkita tapos sasabihan mo ako na hindi mo ako kilala?” sabi ko.
“I don’t know you miss, so, please get out of my sight,” sabi niya.
Mas lalo akong hindi makapaniwala sa sinabi niya. “Ganun ba?” malamig na sabi ko. “Okay, fine, ganyan pala ang gusto mo, magkalimutan na tayo, kalimutan mo na nakilala mo ako.” Huminto muna ako saglit. “Sana hindi na lang kita nakilala kung ganito rin pala gagawin mo.” Tumalikot na ako sa kanya, pinigilan ko talaga na ‘wag maiyak dahil ayokong maging mahina sa harapan niya.
THIRD PERSON’S POINT OF VIEW
Tuwang tuwa si Nichole sa nangyari dahil sa wakas matatalo na niya si Avyanna, paniguradong mamaya ay mawawalan na ito ng mga fans dahil sa nangyari.
Habang si Zoltan naman ay nagdadalawang isip kung babawin niya ba ang sinabi niya o hindi pero hindi niya kaya na makitang malungkot ang prinsesa niya kaya tumakbo siya para habulin ito, agad niya naman niya itong niyakap ng mahabol niya pero nagpumiglas si Avyanna.
“Bitawan mo ako,” sigaw nito.
“I’m sorry princess hindi ko sinasadya,” sabi niya pero nagpupumiglas pa rin ito kaya mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya.
“Bitawan mo sabi ako!” muling sigaw ni Avyanna.
“No,” sagot niya.
“Bakit ayaw mo akong bitawan? Diba hindi mo ako kilala kaya bitawan mo na ako at ‘wag mo na akong kausapin kahit kelan, ganun din ako kakalimutan na kita,” sabi ni Avyanna na kinatakot niya, hindi niya gusto na mangyari iyon.
“Sh*t no, I’m sorry hindi ko naman sinasadya na gawin iyon,” sabi niya.
‘Yung luhang kanina pa pinipigilan ni Avyanna ay bumagsak na dahil hindi na niya kaya ang sakit. “Hindi sinasadya?” umiiyak na sabi nito saka tinulak si Zoltan, this time binitawan na siya nito. “Sinabi mo na hindi mo ako kilala tapos pinapaalis mo pa ako? Ano bang nagawa kong kasalanan para gawin mo sa akin iyon?” Hindi naman maiwasang mapamura ni Zoltan dahil ayaw na ayaw niyang nakikitang umiiyak ang prinsesa niya. “Isang buwan tayong hindi nagkita, gustong gusto na kitang makita pero hindi ako makakuha ng pagkakataon tapos ngayon na nagkita na tayo ganun lang ang gagawin mo? Magpapanggap ka na hindi mo ako kilala ha? May ginawa ba ako para gawin mo sa akin iyon?”
Mabilis naman umiling si Zoltan. “No, you did nothing, I’m just a j*rk for doing that,” paliwanag niya pagkatapos niyakap muli si Avyanna. “I’m sorry, I’m really sorry.”
“I hate you, ang sakit sakit ng ginawa mo,” humuhikbing sabi ni Avyanna.
“Yes, you hate me and I understand that,” sabi niya saka kulas sa yakap para tignan ito. “’Wag ka ng umiyak, alam mong ayoko na umiiyak ka.”
“Ayaw mo palang umiiyak ako bakit ginawa mo iyon?” inis na sabi ni Avyanna.
“I was I said I’m j*rk, I’m really sorry for doing that,” sabi niya at muling niyakap si Avyanna.
Hindi naman makapaniwala ang mga estudyante sa nasaksihan nila, ngayon lang nila nakita na sobrang mahinahon at sweet ng boses ni Zoltan lalo na sa isang babae, kilala nila ito na cold at masungit pagdating sa babae. Kaya nga wala pa itong nagiging girlfriend dahil sa sobrang sungit nito.
“Tsk, tsk, tsk, binalaan ka na namin, sinabi na namin sa ‘yo na hindi maganda na gawin mo iyon kay Avyanna, tignan mo tuloy pinaiyak mo siya,” sabi ni Ximen pagkalapit nila kina Zoltan.
“Oo nga, ayaw mong nakikitang umiiyak siya pero ikaw mismo pinaiyak siya,” sang ayon naman si Acyn.
Sinamaan naman sila ng tingin ni Zoltan. “Shut up,” sabi nito saka muling binaling ang atensyon kay Avyanna. “I’m sorry okay, bati na ba tayo.”
Tinignan naman siya nito habang nakayakap pa rin ito sa kanya. “No, I hate you pa rin,” sabi nito na kinasimangot niya.
“Hindi ko naman sinadya eh,” parang bata na sabi niya natalagang kinagulat ng mga estudyante.
“Hmp,” sabi lang ni Avyanna kaya nagtawanan sina Ximen, Acyn at Lorcan.
“Ayan kasi kasalanan mo,” sabi ni Lorcan. “Avyanna pahirapan mo siya ha?”
“Tsk, shut up, ‘wag mong turuan ng masama ang prinsesa ko,” sabi niya pero tinawanan lang siya nito. “Gusto mo bilhan na lang kita ng chocolate pambawi sa ginawa ko?” tanong niya kay Avyanna.
Tinulak siya ng mahina nito para makakalas sa yakap nila. “Sabihin mo muna bakit mo ginawa iyon?” tanong nito.
Napabuntong hininga naman siya. “Nagawa ko lang iyon dahil ayokong masaktan ka pero mali pala ang ginawa ko, ako pa ang nakapanakit sa ‘yo.”
“Buti alam mo,” masungit na sabi nito.
Gusto niyang mapangiti dahil ang cute cute nito kapag naiinis pero baka mas magalit ito sa kanya kapag ngumiti siya.
“At bakit naman ako mapapahamak?” dagdag nito.
“Ahm, sorry I can’t say, It’s complicated,” sagot niya.
“Tama siya, may mga bagay talaga na hindi mo kailangan malaman,” sabi ni Ximen.
“Okay pero I hate you pa rin, hmp,” sabi nito na ikinanganga niya kaya muli na namang nagtawanan ang tatlo.
“Naku, mukhang may mangsusuyo ngayon,” sabi ni Acyn.