Chapter 32

1270 Words
AVYANNA’S POINT OF VIEW “May practice game raw ang basketball team natin bukas nood tayo ha?” sabi sa akin ni Beatrice. Uminom na muna ako bago ako nagsalita. “Hindi naman ako mahilig sa basketball eh.” “Don’t worry magagaling ang mga team natin kaya sigurado ako na mag e-enjoy ka sa panonood,” sabi niya matapos niyang maubos ang pagkain niya. “Isa pa maraming gwapo doon.” “Marami naman talagang gwapo dito sa school na ito,” sabi ko. “Iba naman kasi sila, mas gwapo sila kumpara sa mga ibang lalaki,” sagot niya. “Paanong iba? Taga ibang planeta ba sila para masabi mo na iba sila?” tanong ko, pare-parehas lang naman ang mga lalaki kaya paano niya nasasabi na iba ang mga ito. “Aish,” frustrated na sabi ni Beatrica. “Basta samahan mo na lang ako para makita mo ang sinasabi ko.” “Oo na,” sagot ko. “Yey, kaya lab na lab kita eh,” masayang sabi niya. Napailing naman ako, kaya mag kasundong magkasundong sila ni Mikaella parehas sila ng ugali, parehas silang mahilig sa gwapo. Ano ba kasing nakikita nila doon? Eh normal na tao lang naman ang mga iyon wala naman akong nakikitang special sa mga lalaking nagugustuhan nila, mas gwapo pa si Zoltan sa mga iyon. “ANG GALING mo talaga Avyanna, hindi na ako magtataka kung bakit pinili ka ng Prof mo noon na isali sa contest kahit first year ka pa lang noon,” sabi ng Prof ko matapos niyang matikman ang niluto ko. “Maraming salamat po,” sabi ko. “Pagpatuloy mo lang ang ginagawa mo at kapag naka graduate ka maraming mga restaurant ang kukuha sa ‘yo bilang chef,” sabi niya. Nginitian ko naman siya. “Opo pagbubutihgan ko po, pero wala po akong balak mag apply sa mga restaurant.” “Ha? Why?” takang tanong niya. “Balak ko po kasing gawing restaurant ang karenderya namin ngayon after kong grumaduate,” sagot ko. Tumango naman siya. “Magandang idea iyan pero mas maganda na mag create ka muna ng pangalan mo para kapag nag tayo ka ng restaurant mo ay agad makilala ang restaurant mo, ayos lang din naman na magtayo ka kaagad pero aabutin pa ito ng ilang taon kaya mas maganda na makilala ka muna,” paliwang niya. Napaisip naman ako sa sinabi niya, tama siya kung kilala ang pangalan ko madali lang akong makakahakot ng mga customer hindi ako mahihirapan na mag promote dahil may tiwala na nag mga tao sa kakayahan ko. “Tama po kayo, maraming salamat po sa advise,” sabi ko. “Wala iyon and gusto ko sanang humingi ng tawad sa hindi maganda ang trato ko sa ‘yo nung unang araw mo dito, ngayon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na humingi ng tawad sa ‘yo, pasensya na talaga iha hindi kita sinungitan noon dahil mahirap ka lang, ang akala ko kasi meron kang connection sa chairman kaya nakapasok ka dito ‘yon pala ay sobrang talino mo at napakagaling mo kaya ka kinuha,” sabi niya. “Naku, Prof ayos lang po iyon hindi ko naman po minasama iyon,” sabi ko. Hindi ko na nga matandaan na sinungitan niya ako nung first day ko kung ‘di lang niya pinaalala. “Napakabait mo talaga kaya marami agad ang nagkagusto sa ‘yo dito,” sabi niya. “Congrats nga pala, isang buwan ka pa lang sa StarMix pero naka 6 million ka na agad.” “Nanunuod din po pala kayo ‘nun?” tanong ko. “Oo naman, sinusoportahan ko rin ang mga students ko na nakasali doon,” sabi niya. Marami rin kasali sa mga kaklase namin pero ni-isa sa kanila wala pang nakakaabot ng million kahit sobrang tagal na nila kaya siguro ganun na lang ang pag dis gusto nila sa akin dahil ako nagawa kong maka million ng isang buwan lang. “Gustong gusto ko ngang pakinggan ang mga kanta mo kapag nag ta-trabaho ako dahil sobrang nakaka relax pakinggan ang mga iyon,” dagdag niya. “Salamat po, next month po mag po-post ako ng sariling compose ko na kanta, medyo busy pa kasi ngayon kaya hindi ako makapag sulat agad,” sabi ko. “Oh, so, kaya mo ring magsulat ng kanta?” gulat na tanong niya. “Opo, pati gumamit ng instrument alam ko,” sagot ko. “Wow, ang talented mo talaga,” sabi niya. Matapos ng klase dumiretso ako sa dorm ni Beatrice gagawa raw siya ng banner para daw supportahan ang team namin, gusto nga niya nga na gumawa rin ako pero sabi ko hindi ko naman sila kilala kaya ‘wag na. “Kailangan ba gumastos ka ng ganito para lang sa isang banner na isang beses mo lang gagamitin?” tanong ko sa kanya ng makita ko ang mga gamit na pinamili niya. “Ano ka ba, sulit naman iyan lalo na kung mananalo ang team natin saka para mas ganahan ang team natin sa paglalaro,” sabi niya. “Pero hindi mo naman kailangan na bumili ng kung ano ano, marker at kartolina lang naman ang kailangan diba?” tanong ko. “Kapag simple lang ang ginawa natin pag uusapan nila tayo, kesyo wala raw pambili o hindi man lang nag effort para suportahan ang team natin,” paliwanag niya. Napabuntong hininga namna ako. “Grabe naman iyon, hindi porket simple lang wala ng effort sapat na ‘yung nanuod ka para suportahan ang team diba?” “Oo pero alam mo naman ang gali ng mga estudyante dito,” sabi niya. “Sabagay, tara umpisahan na natin baka gabihin pa tayo,” sabi ko. May curfew kasi ang dorm kapag wala pa ang estudyante sa dorm niya ng 10pm mapaparusahan ito, kung makiki sleep over naman kailangan mag paalam muna sa dorm president at kapag pinayagan doon lang pwedeng mag sleep over. Nag umpisa na kami sa paggawa ng banner niya, wala naman akong masyadong naitulong nag gugupit lang ako ng ipapagupit niya. Magaling na artist talaga si Beatrice, ang ganda ng ginawa niya sa banner niya, manghang mangha pa nga ako habang pinapanood siyang mag paint dahil sobrang polido ng pag pe-paint niya, hindi man lang lumalagpas ang kinukulayan niya sa guhit kung ako iyan. “Tapos na rin,” sabi niya pagkatapos nag stretch siya, sa lapag kasi siya nag pe-paint kaya sasakit talaga ang likod niya. “Ang galing mo naman,” sabi ko ng makita ang final design niya sa banner niya. “Salamat,” sabi niya saka tumingin sa wall clock niya. “Sige na, bumalik ka na sa dorm mo, 9pm na baka maparusahan ka pa.” “Oo nga,” sabi ko sabay tayo at pinagpagan ang skirt ko para maalis ang lukot. “Salamat sa tulong,” sabi niya na kinatawa ko. “Halos ikaw nga ang gumawa tapos magpapasalamat ka sa akin,” sabi ko. “Alam mo kung ako lang mag isa baka matapos na ako ng 11pm at least ‘yung simpleng tulong mo nababawas sa ginagawa ko,” sabi niya. “Okay, sige alis na ako,” sabi ko. “Sige, kita na lang tayo bukas,” sabi niya tumango lang ako saka lumabas ng dorm niya. Half day lang kami bukas, kung hindi rin kasi nila ito gagawin wala ring papasok dahil mas pipiliin ng mga students na pumunta sa practice game kesa sa pumasok kaya ang ginawa na lang nila kada may practice game ang team namin half day na lang ang pasok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD