Chapter 31

1183 Words
THIRD PERSON'S POINT OF VIEW "BWISIT!" galit na sabi ni Nichole. Galit na galit siya dahil nakita niya na nalamangan na siya ni Avyanna kaya hindi na siya ang nasa rank 5 ngayon. Isang linggo pa lang itong sumali sa club nila pero nalamang na siya agad nito. "Ano bang espesyal sa babaeng iyon? Bakit gustong gusto siya ng mga tao? Mas maganda at magaling naman ako sa kanya." "Baka binayaran niya lang ang mga fans niya," sabi ni Ava. "Imposible, mahirap lang si Avyanna," sabi ni Layla. "Aminin na lang kasi natin na magaling talaga si Avyanna, kita naman natin na sa audition pa lang nagustuhan na siya agad ng mga tao," sabi ni Emma, sinamaan naman siya ng tingin ni Nichole. "Manahimik ka! Walang espesyal sa babaeng iyon," galit na sabi nito. Ayaw niyang aminin na may mas magaling sa kanya, para sa kanya siya lang ang magaling, hindi pwedeng may makalamang sa kanya. Aalamin niya kung anong ginagawa ni Avyanna at kapag nalaman niya na nandadaya siya ipagkakalat niya iyon. AVYANNA'S POINT OF VIEW "Sikat na sikat na talaga ang kaibigan ko," sabi ni Beatrice. "Baka mamaya niyan makalimutan mo na ako ah." "Hindi 'no kahit na sobrang sikat ako hinding hindi kita kakalimutan," sabi ko. "Biro lang, alam ko naman na hindi ganun ang ugali mo," sabi niya. "TINGIN MO magugustuhana ako ng mga kaibigan mo," kinakabahang sabi ni Beatrice. "Oo naman, gustong gusto ka na nilang makilala sa personal," sabi ko. Magkikita kami nina Mikaella at Gianna, gustong makilala ng dalawa ang bagong kaibigan ko kaya sinama ko siya ngayon. "Kinakabahan ako," sabi niya. "Relax lang, hindi naman sila nangangagat," biro ko para naman kumalma siya. Mayamaya nakarating na kami sa restaurant kung saan kami magkikita, agad ko naman silang nakita kaya lumapit na kami ni Beatrice sa kanya. "Omg, nagkita na rin tayo in person," sabi ni Mikaella kay Beatrice. "Mas maganda ka pala sa personal." "S-Salamat," nahihiyang sabi ni Beatrice. "Mamaya na kayo mag usap, kumain na muna tayo nagugutom na ako," sabi ko. Nagtawag ng order si Mikaella pagkatapos 'nun nag order kami ng makakain namin. Habang naghihintay kami ng order biglang may lumapit sa aming dalawang babae. "Excuse me diba po ikaw si Avyanna?" tanong sa akin ng maliit na buhok. "Oo, bakit?" tanong ko. Mahina naman silang tumili. "Ano kasi, fan mo kami, sobrang nagustuhan namin ang kanta mo kahit ka uumpisa mo pa lang, ang ganda ganda kasi ng boses mo di nakakasawa," sabi niya. Namula naman ako sa hiya. "S-Salamat," sabi ko. "Pwede bang magpa picture?" tanong niya. "Ah, oo," sabi ko na kina tuwa nila kaagad naman silang nagpapicture sa akin. Matapos nilang mag pa picture nagpaalam na sila. "Grabe sikat na talaga ang kaibigan namin," sabi ni Mikaella. "Oo nga," sang ayon ni Gianna. "Hindi naman," sabi ko. "Pa-hamble ka pa, kita mo nga na may nagpa picture na sa 'yo," sabi ni Beatrice. "Oo nga, tanggapin mo na lang na sikat ka na," sabi ni Mikaella. "Oo na, ang kukulit niyo," sabi ko. Mayamaya lang dumating na ang pagkain namin kaya nag umpisa na kaming kumain. Hindi pwedeng hindi kami mag kwentuhan habang kumakain, kaya sobrang daldal namin ng apat. Hindi na rin awkward nakakaramdam ng awkward si Beatrice sa dalawa paano pa naman kasi sobrang daldal talaga ng kaya hindi imposible na gumaan ang loob nito sa kanila. "MARAMING salamat sa panunuod, bye," sabi ko pagkatapos 'nun pinatay ko na ang live ko. Nag stretch muna ako bago ako tumayo sa upuan ko. Bigla naman akong napatingin sa calendaryo, isang buwan na rin pala ang lumipas mula ng dumating ako dito sa Empire University pero ni anino ni Zoltan hindi ko man lang makita, kung kelan nasa malapit na lang ako sa kanya doon pa kami hindi nagkita, dati naman nung nasa Crimson Academy ako weekends lagi kaming nag kikita, ngayon ni-weekends hindi siya nagpapakita sa akin. Galit ba siya sa 'kin? May ginawa ba ako na hindi niya nagustuhan? Kasi naman kapag nalaman niyang nandito ako siya mismo ang pupunta sa akin, imposible naman na hindi niya malaman na nandito ako. Sana naman hindi siya galit sa akin, miss na miss ko na siya eh. "Tapos ka na?" tanong sa akin ni Kuya Pierre pagpasok niya sa station ko. "Oo," sabi ko. "Buti naman, bumaba ka muna may konting salo salo sa baba," sabi niya. "Anong meron?" tanong ko habang nag liligpit. "Birthday ng president natin," sabi niya. "Oh, bakit hindi niya sinabi na mag be-birthday pala siya, edi sana nabili ko siya ng regalo," sabi ko. "'Yung nga ang dahilan kung bakit 'di niya sinabi kasi ayaw niya ng regalo," sabi niya. "Bakit naman?" tanong ko. "Ayaw niya kasing ginagastusan niya, hindi nga dapat siya mag hahanda pero dahil pinilit siya ng girl friend niya kaya wala siyang magawa kundi mag handa," sabi niya. "Bakit naman ayaw niyang maghanda? Once a year na nga langa ng birthday eh," sabi ko. "Siguro ganun talaga kapag tumatanda na," biro niya. "Grabe ka naman kay Pres, 26 pa lang siya," sabi ko. "Ay, 26 pa lang siya? Akala ko senior na, ang seryoso niya kasi lagi sa buhay," sabi niya kaya natawa ako. "Ang sama mo talaga kay Pres, sumbong kita eh," sabi ko. "'Wag naman," sabi niya kaya napailing ako. Lakas ng loob niya magsalita ng kung ano ano kay President pero takot naman siya dito. Nakakatakot kasi magalit si Pres, ayaw na ayaw namin na ginagalit siya. Naka close ko na rin pala ang mga members maliban kay Nichole na hanggang ngayon ang init pa rin ng dugo niya sa akin kahit wala naman akong ginagawa sa kanyang masama pero sabi sa akin ni Kuya Pierre naiingit daw ito kasi nalampasan ko na ito lalo na ngayon na nasa rank 3 na ako at nasa 6 million na ang followers ko. "Tara na baba na tayo," sabi niya. "Okay," sabi ko. Sabay kaming bumaba, pagbaba namin agad akong lumapit kay President para batiin siya. "Happy birthday Pres," sabi ko. "Salamat," sabi niya. "Kainin ka na doon." "Mayamaya na medyo busog pa ako," sabi ko. "Okay, kain ka lang kapag nagutom ka okay," sabi niya. "Okay," sabi ko. "Hi, Avyanna," Nilingon ko naman ang tumawag sa akin. Si Ate Yesha, girlfriend ni President. "Hello, ate," sabi ko at nakipag beso sa kanya. "Parang araw-araw na lang gumaganda ka," sabi niya. "Ate naman nambobola," sabi ko. "Bakit naman kita bobolahin eh nagsasabi lang ako ng totoo," sabi niya. "Ikaw nga ang gumaganda araw-araw," sabi ko. "Swempre, kailangan maganda ako lagi para hindi ako iwan nitong lalaking ito," sabi niya saka tinuro si President. "Kahit kelan hindi kita ipagpapalit dahil ikaw lang ang babaeng mahal ko okay, magkakaroon lang ako ng ibang babae kung babae ang magiging anak natin," sabi naman ni President. "Dapat lang dahil sisiguraduhin kong hindi ka na magkakaanak kapag hinilo mo ako," sabi ni Ate Yesha. "Don't worry, hindi ako mag loloko," sabi ni President. "Avyanna sumbong mo sa akin itong si babe kapag may nilandi siyang babae ah," sabi niya. "Oo Ate," sagot ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD