AVYANNA'S POINT OF VIEW
Lumipas ang isang linggong palugit ni President, nandito ako ngayon sa station ko kasama si Pierre at nag se-set up para sa live ko.
"Kinakabahan ako," sabi ko sa kanya.
"Normal lang iyan sa first timer," sabi niya.
"Ano ba dapat kong gawin sa live? Kailangan ba kantahan ko sila?" tanong ko.
"Hindi naman, daldalan mo lang sila at sagutin ang mga tanong nila, dalawang oras ka lang naman makikipag usap sa kanila," sabi niya.
Tumango naman ako. "Okay," sabi ko.
"Maghanda ka na uumpisahan ko na ang live mo. Hintayin mo munang dumami ang mga nanunuod bago ka makipag usap sa kanila okay?" sabi niya tumango naman ako.
May pinindot si Kuya Pierre para mag umpisa ang live. Nakatingin lang ako sa number of viewers, nagulat naman ako ng biglang dumami ang viewers napatingin pa ako kay Kuye Pierre para mag hiningi ng tulong, sinabihan lang niya ako na magsalita.
"H-Hello, sa inyong lahat," kinakabahang sabi ko. Marami namang nag comment kaya hindi ko mabasa lahat. Tumikhim muna ako bago ulit nagsalita. "Pagpasensyahan niyo na ako, first time ko lang kasing mag live kaya kinakabahan pa ako."
'Ayos lang iyan'
'Kaya mo iyan, 'wag kang kabahan'
'Isipin mo lang nakikipag usap ka sa mga kaibigan mo'
'Yan ang ibang nabasa ko sa comment. Bumuntong hininga naman ako para medyo maalis ang kaba ko. "Mag papakilala muna ako, ako nga pala si Avyanna Hendrix pwede niyo akong tawaging Yanna, 21 years old. Culinary student," pakilala ko. "Comment lang kayo kung may iba pa kayong gustong malaman sa akin."
Sunod sunod naman ang tanong nila at ma-chaga kong sinagot ang mga iyon, trinay ko talaga na sagutin lahat pero dahil sa sobrangh dami hindi ko halos masagot lahat, pumili na lang ako ng mga importanteng tanong.
"Ate totoo ba 'yung nakasulat sa article tungkol sa 'yo?" Basa ko sa isang comment. "Yes, totoo iyon. Sobrang sama talaga ng ugali ko noon, napaka brat ko noon, social climer din ako at napaka walang kwentang anak. Galit na galit ako sa mga magulang ko noon kapag hindi nila nabibigay ang gusto ko, kapag konti lang ang perang binigay nila kung ano anong masasakit na salita ang sinasabi ko at lahat ng iyon pinagsisihan ko, sobrang guilty ako sa mga ginawa ko sa kanila lalo na nung napakadali lang nilang patawarin ako nung humingi ako ng tawad sa kanila kaya nga pinangako ko sa sarili ko na magsisikap ako para makabawi sa mga nagawa ko sa kanila."
At ngayon unti unti ay nakakabawi na ako sa kanila pero hindi pa rin iyon sapat kaya kailangan ko pa ring mag sikap para mas makabawi sa kanila.
"TAPOS NA rin sa wakas," sabi ko saka nag stretch ng katawan dalawang oras din akong nakaupo sa upuan ko.
"Congrats sa unang live mo," sabi ni Kuya Pierre. "Ang dali mong maka adapt parang ilang taon ka ng nag la-live."
"Hehe, salamat. Naging comportable na rin naman ako kalaunan para lang akong nakikipag usap sa dalawa kong kaibigan sa dati kong school nag vi-video call kasi kaming tatlo," sabi ko. "Ganyan nga dapat, mas mag e-enjoy ang mga nanunuod kapag sobrang daldal mo sa kanila," sabi niya pagkatapos may kinalikot siya. "Wow, ang dami mong nakihang virtual gift sa mga fans mo."
"Talaga?" tanong ko.
"Oo, grabe halimaw ka talaga, nung ako isang buwang kita ko na ito pero ikaw isang araw mo lang kinita ang ganito mo," sabi niya.
"Paano ba makukuha ang mga iyan?" tanong ko.
"Ganito..." Sinabi niya sa akin kung paano mapapalitan ang virtual gift into real money. "Na-i-separate ko na ang ibibigay mo para sa club kaya lahat ng ito ay pwede mo ng kunin kung gusto mo. Kelan mo ba kukunin?"
"Ngayon sana okay lang ba na tulungan mo akong kunin ito?" tanong ko.
Malaking tulong na rin naman ito kina Mama at Papa, dagdag pambayad sa utang, konti na lang kasi mauubos na ang utang namin.
"Sure," sabi niya.
HINDI ako makapaniwala na umabot pala ng 50k ang nakuha kong virtual gift, ang inaasahan ko lang naman ay mga nasa 5k lang pero sobra sobra pala ang makukuha ko.
"Halos 1k kasi ang virtual gift na binigay sa 'yo kaya ganyan kalaki ang makukuha mo," paliwanag ni Kuya Pierre.
"Bakit gagastos sila ng ganun kalaking virtual gifts?" tanong ko.
"Ganyan talaga sila, mas mataas ang virtual gift ibig sabihin gustong gusto nila ang binibigayan nila," sagot niya.
"Kahit na sobrang laki naman ng gagastosin nila sa hindi naman nila kilala," sabi ko.
"Mayayaman naman sila, barya lang para sa kanila ang mga iyon," sabi niya.
"Grabe naman pala kayong mayayaman," sabi ko.
Tumawa naman siya. "Sa sobrang dami kasi ng pera hindi na nila alam ang kung saan nila gagastusin, kaya ang iba sobrang ang mamayal ng mga binibiling gamit, ang iba naman nag do-donate na lang."
"Ang ganda naman ng problema niyong mayayaman," sabi ko.
Sana ganyan lahat ng problema, problema lang kung saan gagastusin ang pera nila.
After kong makuha ang pera pinadala ko na kina Mama iyon, gulat na gulat nga si Mama kung saan ko na kuha iyon, sinabi ko naman sa kanya. Natuwa naman siya dahil hindi na libro ang pinagkakaabalahan ko. Parehas lang sila ng sinabi ni Mikaella, ganun ba talaga ako? Libro lang ang inaatupag ko? Hindi ko na kasi napapansin dahil nag e-enjoy naman ako sa ginagawa ko.