Chapter 29

1009 Words
AVYANNA'S POINT OF VIEW "Congratulation, Avyanna, isang araw pa lang pero umabot agad ng million ang video na pinost mo," sabi ni President. Tinawagan niya ako kanina para makausap ako. "Salamat," sabi ko. "Ilang beses mo na akong ginugulat, ang swerte ko talaga at naging member kita," sabi niya. "Hindi nga rin po ako makapaniwala na ganito kadami ang followers at viewers ko," sabi ko. "Magaling ka kasi kaya hindi imposible na umabot ka agad sa ganyan," sabi niya. Nahiya naman ako sa sinabi niya. "Konti na lang ay makakapasok ka na sa ranking at dahil million na ang followers mo pwede ka ng mag live stream bukas pero kailangan mo munang mag notice na mag la-live ka bukas." Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. "Kailangan ba talaga na mag live ako?" tanong ko. "Yes, isa iyan sa mga requirements sa club natin pero sige bibigyan na lang muna kita ng isang linggo para paghandaan iyang live na iyan, nakakabigla nga naman kung agad agad kang mag la-live kakapasok mo pa lang ng club," sabi niya. "Naiintinhan ko po," sabi ko. "Sige, makakalis ka na baka ma-late ka pa sa klase mo," sabi niya. Nagpaalam muna ako bago ako umalis sa office niya dito sa club house. Habang naglalakad ako nakasalubong ko naman si Nichole kasama ang mga kaibigan niya, hindi ko naman sila ka close kaya nilampasan ko na lang sila. "Porket sumikat ka agad ang yabang mo na," biglang sabi niya kaya napahinto ako sa paglalakad at humarap sa kanya na nakakunot ang noo, "Ha?" takang tanong ko sa kanya. "Hindi porket naka isang million ka kaagad sa isang araw pagmamalakihan mo na ako," sabi niya na pinagtaka ko. "Ha? Kelan ako nagmalaki?" takang tanong ko sa kanya. "Kanina, nilalampasan mo lang ako," sabi niya. "Swempre dadaan ako, ano ba dapat ang gawin ko?" tanong ko. "Dapat batiin mo ako tanda ng paggalang mo sa akin dahil mas mataas ang posisyon ko sa 'yo," sabi niya. "Posisyon saan?" tanong ko. "Rank 5 ako sa StarMix," sagot niya. "Okay pero anong kinalaman ng pagiging rank 5 mo sa pagbati ko sa 'yo?" tanong ko sa kanya. "Una, hindi naman kita close para batiin na lang, ayoko naman na isipin mo na feeling close ako sa 'yo, pangalawa hindi ka senior o prof para basta basta na lang kitang batiin." "Hindi pa ba sapat na dahilan na rank 5 ako? Kaya dapat nirerespeto mo ako dahil mas mataas ang posisyon ko sa 'yo," sabi niya. Gusto kong umirap sa sinabi niya. "Oo, rank 5 ka pero hindi ibig sabihin 'nun ay obligasyon na ng nakakababa sa 'yo na batiin ka lagi kapag daan ka, hindi ka prinsesa para galangin ka. Naiintindihan ko pa iyang gusto mong sabihin kung mas matanda ka sa akin pero hindi eh." "Tama siya." Napalingon naman ako sa nagsalita. Si Kuya Pierre. "Hindi obligasyon ni Avyanna na batiin ka dahil lang sa rank 5 ka. Kung ganyan pala dapat bakit hindi mo ako binabati kapag dumadaan ako? Kahit si Levi hindi mo binabati kahit nga 'yung mga nakakatanda sa 'yo hindi mo rin binabati kaya anong karapatan mo na sabihan si Avyanna na batiin ka?" Tumabi naman siya sa akin. "Sabihin mo na lang kasi na naiinis ka kay Avyanna dahil isang araw pa lang ay million na agad ang nakuha niya habang ikaw ilang taon pa bago maging million ang followers mo." Kita ko sa mukha ni Nichole ang inis niya pero hindi siya nagsalita saka niyaya ang mga kaibigan niya na umalis. "'Wag mo na lang pansinin iyon, ganun talaga ang ugali niya ayaw niya na may nakakalamang sa kanya na babae, gusto niya siya lang ang magaling sa mga babae," sabi niya. "Sanay na ako sa ganung ugali," sabi ko. "Congrats nga pala, grabe isang araw pa lang pero isang million na agad ang followers mo. Baka ilang araw lang nasa rank ka na agad," sabi niya. Nginitian ko naman siya. "So, mag la-live ka na ba niya?" Tumango naman ako. "Binigyan ako ng isang linggo ni President para mag handa para sa doon." "Okay, sabihin mo sa akin kung kailangan tutulungan kitang mag set up," sabi niya. "Okay," sabi ko. "NAPANOOD namin ang video mo, magaling ka pa lang kumanta," sabi ni Mikaella. "Oo nga ang galing galing mo," sabi naman ni Gianna. "Paano niyo nalaman ang StarMix?" tanong ko. "Sikat na sikat ang StarMix, grade 7 pa lang ako nanunuod na ako ng videos sa StarMix," sagot niya. "Ako rin pero nung grade 11 ko lang nalaman ang StarMix," sabi naman ni Gianna. "Bakit 'di ko alam iyan?" tanong ko. "Swempre hindi ka mahilig sa ganun, puro libro lang naman lagi mong kaharap," sagot niya, sabagay tama siya. Wala na akong time sa social media, mas priority ko ang pag aaral. "Nagulat talaga ako ng makita ko ang video mo, nakakamangha pa na isang million agad ang video. Ganda kasi ng boses mo eh." "Salamat," sabi ko. "Mabuti naman naisipan mo na sumali sa ganyan?" tanong ni Mikaella. "Required daw kasi ang sumali sa club, hobby ko rin naman ang pagkakanta kaya nag try ako na sumali doon. Hindi ko naman akalain na sisikat agad ang video ko," sabi ko. "At least hindi na puro libro lang ang kaharap mo," sabi ni Mikaella. "Oo nga, enjoyin mo naman ang ibang bagay 'wag puro libro lang ang kaharap mo," sabi naman ni Gianna. "Nakaka-enjoy naman kasing mag basa," sabi ko. Napailing naman silang dalawa. "Nagkita na ba kayo ni Zoltan?" tanong ni Mikaella. "Hindi pa, busy siguro siya," sabi ko. "Siguro nga, imposible naman na hindi ka puntahan 'nun, gusto niya lagi kang nakikita kulang na lang tumira na siya kasama mo," sabi niya. Natawa namana ko. "Grabe naman kayo kay Zoltan," sabi ko. "Totoo naman kasi," sabi naman ni Gianna. "Kapag nagkita kami ni Zoltan sasabihan ko kayo agad," sabi ko. "Dapat lang, tagal niya rin kaming 'di kinakamusta parang hindi niya kami kaibigan," nagtatampong sabi ni Mikaella kaya natawa ako ng mahina. "Sige pagsasabihan ko siya," sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD