AVYANNA'S POINT OF VIEW
Gaya ng sinabi sa akin kahapon nagpunta ako ulit sa auditorium doon kasi muna magkikita kita ang mga nakapasa bago magpunta sa mismong club nila. Sa dami ng mga nag audition siyam lang kaming naka pasa.
"Good morning, I'm Ranz Flores ang club president," pakilala ng nga judge sa amin kahapon. "Congrats sa inyong mga nakapasa, aasahan ko na mas mag i-improve pa kayo sa mga susunod na mga araw. Ngayon pupunta na tayo sa club house natin bago ko sabihin ang mga gagawin niyo."
Nauna na siyang naglakad kaya sumunod naman kami, ilang oras kaming naglakad hanggang napunta kami sa five-story building. Ang yaman talaga ng mga estudyante dito, hindi lang basta basta ang club house nila.
"Welcome to our club house, pumasok na tayo para maipakilala ko na kayo," sabi ni President.
Pumasok naman kami sa loob pagpasok namin nakita namin ang mga club member, hindi ko alam kung ilan sila basta madami.
"Bago magpakilala ang mga old member, magpakilala muna kayo," sabi ni President sa amin.
Nauna namang nagpakilala ang isa hanggang sa sunod sunod na at panghuli naman akong nag pakilala.
"Hi, I'm Avynna Hendrix," pakilala ko.
"So, ikaw iyong may mala anghel na boses," sabi ng isang lalaki, tumango naman ako. "Nakilala na rin kita sa wakas, grabe sobrang namangha ako sa boses mo, ang sarap pakinggan lagi."
Namula naman ako sa hiya. "S-Salamat."
"Mamaya mo na siya kausapin Pierre," saway ni President dito.
"Hehe, sorry," sabi niya.
"Okay, una munang mag pakilala ang mga nasa Rank 10 bago ang iba.
Nagpakilala naman ang mga rank 10, after nilang mag pakilala ang ibang member naman ang nagpakilala. Ang sabi ni President ay nasa 160 ang mga member dahil ang iba nag graduate na.
"Ngayon ihahatid namin kayo sa magiging station niyo, doon kayo mag rerecord ng kakantahin nito cover man 'yan o sariling compose niyo ng kanta, doon din kayo mag i-stream kapag naka 100k followers na kayo. Sa kikitain niyo sa stream niyo 30 percent ibibigay niyo sa club the rest sa inyo na. Maliwanag ba?" mahabang paliwanag ni President.
"Yes," sagot namin.
"Good, sumunod kayo sa akin," sabi niya saka nauna ng naglakad. Sumunod naman kami, pumasok kami sa elevator pagkatapos 'nun pinindot niya ang fifth floor pagdating namin doon, isa isa kaming nilagay sa mga station namin.
"Wow, ang ganda," sabi ko pagpasok ko sa station ko, hindi ganun kalaki itong room hindi rin ganun kalaki sakto lang naman, bumungad agad sa akin ang computer set, table at pink gaming chair, actually pink ang theme ng kulay mabuti na lang talaga light pink ito hindi siya 'yung neon pink kaya hindi masakit sa mata. Sa kabilang sulok naman may maliit na sala, may book shelf sa tabi pero konti lang ang libro na nandoon the rest display na lang ang nakalagay. Sa kabilang sulok ay may maliit na coffee station.
Naupo na muna ako sa sofa dahil sabi ni President may pupunta dito para ituro sa akin ang aggawin ko, gusto kong magbasa kaya lang nabasa ko na ang mga librong nakalagay dito. Napatayo naman ako ng may kumatok lumapit ako sa pinto saka ito binuksan, bumungad sa akin ang nakangiting si Senior Pierre.
"Hi," bati niya.
"Hello," sabi ko.
"Pasok na ko ah?" sabi niya.
"Sige po, pasok ka," sabi ko saka tumabi para makadaan siya, pagpasok niya sinara muli ang pinto tapos humarap muli sa kanya.
"Maupo ka muna sa upuan mo," sabi niya sa akin, sinunod ko naman siya. In-on naman niyaang computer ko. "Ilang taon ka na pala?" tanong niya habang naghihintay na mag on ang computer.
"21 na po ako," sagot ko.
Tumango naman siya. "Dalawang taon lang naman ang tanda ko kaya 'wag ka ng mag po sa akin."
"Okay pero pwede ba kitang tawaging Kuya?" tanong ko.
"Oo naman," sabi niya saka muling humarap sa computer ng mag on na ito. Pagkatapos may nire-search siya. "Heto ang StarMix, ang website natin. Ginawa na kita ng account mo kanina palitan mo na lang ng password mamaya." Binigay niya sa akin ang isang papel kung saan nakasulat ang ginawa niyang account. Pagkatapos tinuro niya sa akin kung anong gagawin ko sa website namin. "Ikaw ang bahala kung anong oras ka mag a-upload ng video mo pero dapat kapag araw ng club natin ay may ma-i-upload ka. Na intindihan mo ba ang mga sinabi ko?"
"Oo," sagot ko.
"Tanong ka lang kung may gusto kang itanong okay? Hanggang isang linggo mo pa naman ako makakasama pero after that wala ng tutulong sa 'yo kaya intindihin mo ang mga ituturo ko okay?" sabi niya.
"Okay," sabi ko.
"Sa susunod na lang tayo mag kwentuhan, iwan na muna kita para makapag record ka na ng i-a-upload mo ngayon," sabi niya.
"Okay, salamat," sabi ko.
Tumango naman siya pagkatapos lumabas na siya ng station ko. Kinalikot ko muna ang website para maging pamilyar ako, pinalitan ko na rin ng password gaya ng sinabi ni Kuya Pierre. Matapos 'nun inumpihan ko ng mag record, may mic naman dito at sabi ni Kuya Pierre kanina maririnig pa rin naman ang boses ko kahit na hindi ko ilapit ang mic sa bibig ko. Naka ilang take ako sa nire-record ko dahil ayoko na maging pangit ang first recording ko.
"AVYANNA! AVYANNA!" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin. Si Beatrice.
"Quiet!" saway ng librarian, ang lakas kasi ng boses nito.
"Sorry po," nahihiyang sabi niya saka mabilis na lumapit sa akin.
"Bakit ka ba sumisigaw? Ayan tuloy na pagalitan ka," tanong ko sa kanya.
"Dahil dito," sabi niya at pinakita sa akin ang cellphone niya at nakita ko ang StarMix doon. Nakita ko naman na video ko ang nandoon.
"Anong meron?" takang tanong ko.
"Look at the view," sabi niya kaya napatingin ako.
Nanlaki naman ang mata ko ng makita kong 1 million ang nakalagay. "Hindi ba glitch 'yan?" tanong ko.
"Hindi nagkaka glitch ang StarMix, totoo ang nakalagay diyan," sabi niya.
"P-Pero kahapon ko lang na post 'yan," sabi ko.
Imposibleng umabot ng ganyan kadami ang views.
"Possible 'yan lalo na maraming naghihintay sa video mo," sabi niya.
"Pero konti lang ang nanuod nung audition," sabi ko.
"Oo nga pero kumalat iyon sa buong school, hindi mo ba nabasa ang pinost ng journalist sa school website?" tanong niya.
"Hindi," sagot ko.
"Dapat lagi kang tumambay doon para hindi ka nahuhuli sa balita, minsan kasi nag po-post sila ng importante doon," sabi niya.
"Sige, magtitingin na ako doon," sabi ko. "Pero hindi pa rin ako makapaniwala sa views ng video ko."
"Ganyan talaga dito," sabi niya. "Check mo rin 'yung account mo tignan mo kung ilan na ang followers mo."
Kinuha ko naman ang cellphone ko saka in-open ang account ko, nagulat na naman ako ng makitang nasa 1 million na rin ang followers ko. Ang bilis ng pangyayari kaya ang hirap paniwalaan.
"Sikat ka na talaga," sabi niya, nakatingin din siya sa cellphone ko.
"Hindi pa rin talaga ako makapaniwala, napaka bilis ng nangyari," sabi ko.
"Kahit ako rin nagulat kaya nga nagmadali ako pumunta dito para ibalita sa 'yo," sabi niya.