Chapter 7

3174 Words
AVYANNA'S POINT OF VIEW "ATE AVY," masayang bungad sa akin ni Mason pagpasok ko sa mansion saka dinamba ako ng yakap. Avy ang tawag niya sa akin para daw mas maikli. "I miss you." Natawa naman ako sa kanya saka ginulo ang buhok niya. "Nagkita lang tayo kagabi." "Pero na miss pa rin kita dahil gabi ka na lang pumupunta," sabi niya. Tinatagalog na pala ako ng batang ito, sinabi ko kasi sa kanya na kapag kausap niya ako magtagalog siya, hindi sa hindi ko naiintindihan dahil gusto ko naman na maging fluent siya sa tagalog at ganun din naman ang gusto ni Tita. "Kahit nandito ako ng umaga hindi mo rin naman ako makikita dahil nasa school ka rin diba?" sabi ko kaya napanguso siya. "Buong araw naman tayong nagkikita kapag weekends diba?" Wala pala akong day off pero ayos lang dahil hindi naman ako ganun na papagod at pwede naman akong umuwi after kong magluto ng lunch at babalik na lang ng dinner pero hassle lang iyon kaya hindi na ako umuuwi. "Tama ang Ate mo, nagkikita naman kayo lagi kaya 'wag ka ng demanding diyan," sabi ni Tita Angelica. "Okay," sabi ni Mason saka kumalas sa yakap. "Congrats pala sa pagiging top 1 mo," sabi ni Tita na kinagulat ko. "Paano niyo po nalaman?" tanong ko. "Sinabi kasi ng Papa mo, sinasabi niya sa lahat ng mga dumadaan na nag top 1 ka at isa kami sa dumaan kanina na sinabihan niya," sabi niya. Napailing naman ako. "Si Papa talaga," sabi ko. "Proud lang ang Papa mo sa 'yo," sabi niya. Nginitian ko naman siya. "Sige po, magluluto na po ako," sabi ko. "Ate Avy gusto ko ng spagetti ngayong gabi," sabi niya. "Pero gabi na, hindi agad natutunaw ang pasta sa tiyan mo," sabi ko. Napanguso naman siya. "But I want to eat spaghetti." "Pagluluto kita ng spaghetti ngayon pero kainin mo na lang bukas ng umaga okay?" sabi ko. "Okay," sabi niya. Kinurot ko naman ang dalawang pingi niya dahil ang sobrang cute niya pero hindi naman masakit ang pagkurot ko. Pumunta na ako sa kusina para magluto na ng reniquest ni Mason na spaghetti at nag ulam niya ngayon at bukasa ng tanghalian. Tinutulungan naman ako si Mason sa pagluluto ko, swempre yung madali lang ang pinagawa ko. Kahit pigilan ko naman siya ayaw naman niya. "Mason, taste it," sabi ko saka inilapit ang kutsara sa bibigyan. Binuka naman niya ang bibig niya saka tinikman ang nasa kutsara. "Delicious?" Tumango naman siya. "You're cooking is always delicious." "Thank you," sabi ko saka binalikan ang nululuto ko. Sauce lang pala ang niluto ko sa spaghetti para bukas fresh ang pasta ng spaghetti, mas masarap kung bagong luto. Matapos kong maluto ang pagkain nilagay ko na sa lalagyan ang niluto ko. NAGLALAKAD ako ngayon papunta sa Dean's office dahil pinapatawag ako, pagpasok ko nagulat pa ako ng makita ko si Justin. "Mabuti nandito ka na Ms. Hendrix maupo ka," sabi ng Dean sinunod ko naman ang sinabi niya saka naupo sa upuan na kaharap ni Justin. "Pinatawag ko kayong dalawa dahil kayong dalawang ang napili namin na lumaban sa quiz bee." Nagulat naman ako sa sinabi niya. "Po, bakit po ako? Diba po dapat si Christine?" Siya kasi ang laging top 2 noon. "Dahil ikaw ang top 1 sa buong grade 11," sabi ng Dean, hindi na ako nakapagsalita. "Sa America gaganapin ang quiz bee at next week ang alis niyo kaya maghanda na kayo ng dadalhin niyo, isang linggo kayo doon." "Okay, dean," sabi namin. "'Wag muna kayong pumasok mula ngayon, paghandaan niyo ang darating na quiz bee," sabi niya. Tumango naman kami. "Sige pwede na kayong lumabas." Sabay kaming tumayo ni Justin, yumuko na muna kami bago lumabas ng office. Naging awkward naman kaming dalawa ng makalabas kami. "Dahil sinabi naman ni dean na 'wag na tayong pumasok, pumunta na lang tayo ng library para maghanda sa darating na quiz bee," pagbasag ko ng katahimikan. Hindi siya nagsalita pero tumango siya. Naglakad na kami papunta sa library. THIRD PERSON'S POINT OF VIEW May nakakita na magkasama sina Justin at Avyanna kaya kinuhanan niya ng picture ang dalawa para sa kanya magandang balita ito. Agad niyang pinost sa website ng school ang picture ng dalawa. Agad namang nag trending ang post niya, maraming nagtataka kung bakit sila magkasama, marami ang nag iisip na pasekretong nag de-date ang dalawa. Danica098: imposible na nag de-date ang dalawa dahil kinamumuhian ni Justin si Avyanna. Rosemerry: Baka naman nagkamabutihan na ang dalawa, nagustuhan na siguro siya ni Justin dahil nagbago na si Avyanna. Barbie43: hindi pwede iyon kahit maganda na si Avyanna hindi pa rin siya bagay kay Justin Iyan ang karamihan sa mga komento ng mga estudyante sa post, maraming positive comments meron din namang negative. Maraming nagsasabi na talagang nagpapanggap lang si Avyanna para mapalapit kay Justin. Hindi pa man nag tatagal sa trending ang picture na naka post ng may isa na namang nag post ng picture, sina Avyanna at Justin ulit pero hindi gaya kanina na naglalakad kundi nakaupo ang dalawa habang kaharap ang mga libro. 'Tingin ko mali ang mga iniisip niyo nag de-date sila, mukhang silang dalawa ang napili ni Dean na lumaban sa quiz bee.' Ang sabi sa caption. Rose001: ayan kasi ma-issue kayo, hindi niyo pa alam ang totoo. Hindi naman kasi porket ginugulo ni Avyanna si Justin noon ay iyon na lang ang gagawin niya hanggang ngayon. Hindi niyo ba matanggap na nagbago na siya? Naging top 1 pa? E kayo kailan kayo magbabago? Tigilan niyo na si Avyanna. JamesCarl: Tama, puro pang ba-bash kayo kay Avyanna hindi niyo pa naman alam ang totoo. Violet98: Pahiya kayo ngayon, puro kasi pambabash lang ang alam niyo. Komento ng mga nagtatanggol kay Avyanna. Hindi kasi nila nagustuhan ang mga pinagsabi ng mga ibang estudyante dahil ang iba ay below the belt na, sinasabi nila na malandi ito, may iba na mamatay na raw ito pero bigla na lang nag si wala dahil dinilete na ng mga nag comment 'nun dahil alam nila na maaaring ikapahamak nila iyon. AVYANNA'S POINT OF VIEW "Mag iingat ka doon anak ha? Balitaan mo kami kapag nakarating ka na," sabi ni Mama. "Opo, Ma," sabi ko. "Justin, ikaw ng bahala sa anak namin ha?" sabi ni Papa kay Justin. "Opo, Tito, ako ng bahala sa kanya," sabi ni Justin. Nandito kami ngayon sa airport, ngayon ang alis namin papunta sa America. "Mag ingat ka iha," sabi ni Tita Penelope saka niyakap ako. "Opo," sabi ko. "Alis na kayo, tinatawag na ang flight niyo," sabi ni Tita. Niyakap ko muli sina Mama at Papa bago kami naglakad ni Justin papunta sa immigration checkpoint, mabuti na lang may passport na ako dahil minsan sinasama ako nina Tita sa ibang bansa kapag nagbabakasyon sila, medyo mahaba ang pila pero hindi naman ganun katagal. Matapos namin doon sa security checkpoint naman kami. Matapos 'nun nagpunta na kami sa eroplanong sasakyan namin. Magkatabi naman ang upuan namin ni Justin. "Gusto mo palit tayo ng upuan?" tanong niya ng mapansin niyang nakatingin ako sa bintana. Nasa may bintana ang upuan niya habang ako sa gitna. Umiling naman ako. "Ayos lang naman," sabi ko. "So, palit na tayo, ayoko rin naman sa may bintana," sabi niya, nagtaka naman ako sa sinabi niya dati naman gusting gusto niya sa may bintana. Hindi ko na lang pinansin at nakipagpalit na lang sa kanya. Naunang tumayo si Justin at pumunta sa hallway para makadaan ako dahil medyo masikip ang upuan nasa may economy class lang kami. Bago ako tumayo narinig ko pang nag 'tsk' ang lalaki katabi ko pero 'di ko na pinansin at lumipat na ng upuan ni Justin. "Here ikumot mo na muna iyan," sabi niya saka binigay ang jacket niya. "Hindi pa naman malamig," sabi ko. "Tsk, ang ikli ng skirt ng dress mo tapos di ka nilalamig?" medyo inis na sabi niya, napatingin naman ako sa skirt ko pero hindi naman ganun ka ikli sakto ang naman. "Ilagay mo sa hita mo iyan." Kahit nagtataka ako sa kanya ginawa ko na lang ang sinabi niya. Buong biyahe nagbabasa lang ako ng librong dinala ko dahil hindi ako makatulog pero si Justin tulog na, nakakumot siya ng hiningi niyang kumot tapos naka takpan ang mata niya. "Miss."Napatingin naman ako sa lalaking katabi ko kanina. "Pwede ko bang matangong ang pangalan mo?" "Bakit?" tanong ko. "Gusto ko lang malaman," sabi niya. Sasabihin ko sana pero biglang nagising si Justin. "Hindi na rin naman kayo magkikita kaya hindi mo na kailangang malaman ang pangalan niya," malamig na sabi nito. "Hindi ikaw ang kinakausap ko kaya manahimik ka diyan," inis na sabi ng lalaki. "Kasama ko siya kaya may pakielam ako," sabi ni Justin. Hinawakan ko naman ang braso niya para pigilan siya. "Tama na Justin, hayaan mo na lang siya," mahinang sabi ko pero hindi niya ako pinansin. "Bakit girlfriend mo ba siya para makielam ka ha?" sabi ng lalaki. "Kung sabihin kong oo anong gagawin mo ha?" Nagulat naman ako sa sinabi ni Justin. "Kanina ka pa, kaya nga pinalipat ko na siya dahil minamanyakan mo siya." Iyon pala ang dahilan niya kung bakit niya ako pinalipat. Mayamaya biglang may flight attendant na lumapit sa amin. "May problema ba mag sir, ma'am?" "Wala po, pasensya na po sa abala." Ako na ang nagsalita para wala ng gulo. "Kung ganun po pakihinaan na lang ang boses dahil nakakaabala kayo sa ibang passengers," sabi niya. "Opo, pasensya na po," sabi ko kaya umalis na ang flight attendant. "Tumigil ka na Justin, 'wag mo na lang siyang pansinin, hindi ko rin siya papansinin." Mabuti na lang sinunod ako ni Justin. Matiwasay naman ang naging biyahe namin at hindi na nag away ang dalawa dahil nanahimik na ang lalaki. Pagdating namin sa america may sumundo sa amin at dinala kami sa hotel na tutuluyan namin ng isang linggo. Sakop lahat ng school ang gastos namin dito, pagkain namin, pocket money at iba pa. Swempre magkaiba kami ng room awkward naman kung magkasama kami sa isang kwarto, alam ko namang walang gagawing masama si Justin pero ang pangit tignan magkasama sa isang kwarto ang lalaki at babae. "Tawagin mo na lang ako kapag may kailangan ka, okay," sabi ni Justin. "Okay," sabi ko saka pumasok sa kwarto ko. Pagpasok ko ang unang ginawa ko ay humilata sa kama ko dahil inaantok na ako, hindi na ako nakapagpalit ng damit, matutulog na sana ako ng maalala kong tawagin sina Mama kung nandito na ako kaya pinilit kong labanan ang antok ko para tawagin sina Mama. "Hello," sagot ni Mama. "Mama, nakarating na kami," sabi ko. "Mabuti na lang, ayos ka lang ba?" tanong niya. "Oo naman po," sabi ko. "Bakit ganyan ang boses mo anak?" nag aalalang tanong niya. "Inaantok lang po, 2am na po kasi dito," sabi ko. 3pm pa lang naman sa pilipinas. "Ay naku, matulog ka na anak, sa susunod na lang tayo mag usap," sabi niya. "Sige po, bye," sabi ko. "Bye," sabi niya kaya pinatay ko na ang tawag. Nahiga muli ako sa kama at agad naman akong nakatulog. Paggising ko maliwanag na. Dumiretso ako sa c.r para maligo. Bukas pa lang naman ang quiz bee tatagal ito ng limang araw dahil marami kaming contestant. Maglilibot kami ni Justin ngayon para naman ma enjoy namin ang america, mamaya na lang kami mag aaral ulit, nakapag aral naman kami bago kami pumunta dito. Hindi naman kasi kailangan puro review lang, kailangan rin namin mag relax para hindi matuyo ang utak namin. Tapos na akong maligo at magbihis ng may kumatok sa pinto ko kaya binuksan ko ito at bumungad sa akin ang napakagwapong lalaki na walang iba kundi si Justin, nakasuot ito ng white polo at black jean at naka rubber shoes, messy hair naman ang buhok niya na bumagay sa kanya. Wala na akong nararamdaman sa kanya pero hindi ibig sabihin 'nun hindi na ako na ga-gwapuhan sa kanya. "Are you ready?" tanong niya. "Hindi pa, patutuyuin ko lang ang buhok ko," sabi ko. "Okay, hintayin kita dito," sabi niya. "Ayaw mo bang pumasok?" tanong ko. Umiling naman siya. "Hindi magandang tignan." "Okay, mabilis lang ako," sabi ko. Hindi ko na sinara ang pinto pagkatapos pumasok ulit sa c.r para mag patuyo ng buhok, nandoon kasi ang hair dryer. After kong magpatayo nagliptint na muna ako saka kinuha ko ang maliit na bag ko na ang laman ay cellphone, wallet, 'yung liptint, maputla nag labi ko kaya kailangan ko ng liptint at ang key card ng kwartong tinutuluyan ko. "Tara na," sabi ko saka sinara ang pintuan ko, siniguro ko munang naka lock iyon bago kami naglagad papuntang elevator. Memorize na ni Justin ang america dahil bata pa lang siya pumupunta na sila dito kaya siya ang naging tour guide ko. Wala akong alam sa dollar kaya siya ang nagsasabi sa akin kung ano ang mas murang bilhin. Dinala niya rin ako sa magandang places, gusto ko sanang mag picture kaya lang hindi maganda ang camera ng cellphone ko pero buti na lang pinahiram ako ni Justin ng cellphone niya. Iphone ang cellphone niya kaya ang ganda ng camera niya. Panay lang ang picture ko sa kapag nakakakita ako ng magadang background minsan dinadamay ko na rin si Justin. Ayoko kasi na awkward na lang ang nararamdaman naming dalawa lalo na magkaibigan naman ang mga magulang namin, hindi man namin mababalik ang pagiging magkaibigan namin basta hindi kami maging strangers lang sa isa't isa, 'yung parang normal lang na magkakilala kaming dalawa. "Tara kain na tayo, nagugutom na ako," sabi ko. "Okay, may alam ako na masarap na kainan," sabi niya. Nagpunta na kami sa restaurant na alam niya pero pagdating namin napangiwi naman ako dahil 5 stra restaurant ito paniguradong mahal. "Sa iba na lang tayo 'yung mura lang," sabi niya. "My treat don't worry," sabi niya. "Naku, 'wag na nakakahiya," sabi ko. "Come on, alam mong ayaw kong hinihindian ako," sabi niya kaya wala akong nagawa kundi umoo na lang. Pumasok kami sa loob, may lumapit agad sa aming waiter saka inakay kami sa uupuan namin. Si Justin na ang pinag order ko dahil siya ang nakakalam ng masarap na pagkain dahil nga 5 star restaurant ito, unang binigay na muna nila ang appetizer, matapos naming maubos iyon ay main dish naman ang binigay nila. "Ang sarap," sabi ko. Hindi sila nagtipid ng seasoning kaya ang sarap ng pagkain. "Sabi ko sa 'yo," sabi niya. Habang kumakain kami panay lang ang kwenruhan namin about sa quiz minsan nag be-brain storm kami para hindi namin malimutan ang mga napag aralan namin. After namin maubos ang main dish binigay na nila ang dessert. Ang sarap din ng dessert matamis siya pero hindi sobrang tamis na nakakasawa. "Are you satisfied?" tanong niya paglabas namin ng restaurant. "Oo naman," sagot ko. "Salamat sa treat." "Welcome," sabi niya. Kung sigurong hindi ko minahal si Justin at hindi ako nabaliw sa kanya, sana nagingatalik na magkaibigan kaming dalawa. Sobrang laki ng panghihinayang ko sa pagkakaibigan namin ni Justin. Namasyal ulit kaming dalawa, ginabi na nga kami sa pag uwi. "Maaga kang matulog para hindi ka mapuyat bukas," sabi niya. "Oo ikaw rin," sabi ko. "Good night." "Good night," sabi niya pagkatapos pumasok na kami sa kanya kanya naming kwarto. Nag half bath muna ako para maalis nag mga duming kumapit sa katawan ko, pagkatapos 'nun hindi muna ako natulog nag review muna ako sandali para ma recall ang mga pinag aralan ko. Ayokong matalo kami ng dahil nakalimutan ko ang pinag aralan ko. "NANDIYAN na ang sundo natin," sabi ni Justin. "Okay," sabi ko. Bumaba na kami, naghihitay sa mismong harap ng hotel ang sunod namin, paglapit namin agad naman kaming sumakay dalawa agad namang pinaandar ng driver ang kotse. Hindi nanan ganun kalayo ang lugar kung saan gaganapin ang quiz bee kaya agad rin kaming narating. Oo nga pala, live itong quiz bee para mapanood ng mga classmates naming mga contestant. "Kinakabahan ako," sabi ko habang papalapit kami sa stadium. "Relax, baka iyan pa ang maging dahilan ng pagkalimot mo ng sagot," sabi nita. Tama siya baka mapunta lang sa wala ang mga pinag aralan ko. Huminga ako ng malalim para ma relax ako, medyo nakatulong naman sa akin. Pagdating namin sa stadium marami ng mgacontestant na nadoon at lumipas lang ang ilang oras nagsimula na rin ang contest. Sobrang saya ko dahil madali lang naming naipanalo ang first stage ng quiz bee. "Congrats sa atin," sabi ko kay Justin. "Yeah, congrats," sabi niya. Mas lalo kaming natuwa ng makapasok kami ng final ni Justin. "Heto na ang huling laban natin, galingan natin," sabi ni Justin. "Oo, iuwi natin ang gintong medalya," sabi ko. Science nga pala ang subject ngayong finals. Umakyat na kami sa stage ng tawagin na kami, nagkamayan muna kami ng kamaban namin bago kami punta sa pwesto namin. Pagkatapos 'nun nag umpisa na ang laban, nag umpisa muna kami sa easy round. Nanalo kami sa easy round, sa average tie ang score. "Okay let's proceed to difficult round, Identification," sabi ng host. "First question, assume that a ray of light passes from the glass into air at an angle of incidence greater that zero degree. Will the ray of lightbe bent toward or away from the normal as it passes into the air?" Sabay kaming nagpindot ng kalaban pero 'yung kanya ang umilaw kaya nainis ako. "It's okay, mas bilisan mo na lang next time," sabi niya. "Away from," sagot niya. "Correct," sagot ng host. Nagpalakpakan naman ang mga nanunuod. Sunod sunod na nakasagot ang kalaban namin kaya sobra ng nanlalamig ang kamay ko, alam ko ang mga sagot kaya lang mabilis lang pumindot ang kalaban. "Makakabawi rin tayo," sabi ni Justin. "Oo," sabi ko. "Next question, name the person who developed a table of elemets which revealed regularities in elemental properties?" Hindi nagbazzer agad ang kalaban kaya nag buzzer na ako pero nagtaka ako dahil hindi umilaw ang buzzer ko kaya hininto na muna pansamantala ang contest para tignan kung bakit ayaw umilaw. Napag alaman na putol pala ang wire na nag co-connect sa ilaw ng buzzer namin at sinadya iyon dahil ang linis ng cut. Inimbistigahan ang nangyari at nalalaman na ang adviser na kasama ng kalaban namin ay pinutol ang wire ng patago habang break kaya naman nag decide na i-disqualified ang kalaban namin. Pero kita kong walang alam ang kalaban namin sa ginawa ng adviser nila kaya sinabi ko na lang sa host na ulitin, ayoko naman na manalo na lang kung alam kong may naagrabyado. "Thank you so much," sabi ng kalaban namin. "it's okay," sabi ko. Nagsimula na ulit ang contest panibagong questions ang binanggit. "CONGRATS," sabi ng kalaban namin habang nakikipag kamay. "You're really smart." "You too," sabi ko. Kami ang nanalo sa quiz bee pero muntik na kaming matalo kung hindi lang naunahan ni Justin ang pag buzzer. Konting score lang ang lamang namin sa kanila, ang tatalino kasi talaga nila. "Come on lets celebrate," sabi ni Justin. "Okay," sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD