Chapter 8

3694 Words
AVYANNA’S POINT OF VIEW "ANG GALING GALING talaga ng anak ko," naluluhang sabi ni Mama. "Sobra ang kaba ko habang pinapanood ko kaya pero alam ko naman na mananalo kayo." "Salamat po," sabi ko. "Congrats iha," sabi ni Tita Penelope paglapit niya. "Thank you po," sabi ko. "Ang tatalino niyo talagang dalawa ni Justin, ang hirap ng mga tanong pero sisiw lang sa inyo, wala man lang kayong namiss na questions, ang naging problema niyo lang ay nauunahan kayo sa pag buzz pero hindi kayo man lang kayo huminto sa pag buzz bawat question nag ba-buzz kayo." "Naka tulong rin po kasi 'yung pag brainstorm namin dalawa ni Justin," sabi ko. "Nah, you're just too smart," sabat ni Justin. "Ang hihirap ng mga questions at halos lahat ng brinain storm natin puro may choices." "Matalino ka rin naman," sabi ko. "No, you kaya kanga top 1," sabi niya. "Ikaw kaya matalino," sabi ko. "Matalino kayong dalawa kaya 'wag na kayong mag away," sabi ni Mama pagkatapos nagtawanan kami. KINABUKASAN pagdating namin sa school bumungad sa amin ang napakalaking tarpulin na may picture naming dalawa ni Justin at may nakasulat na 'CONGRATIOLATIONS'. "Congrats sa inyong dalawa, tama talaga ako ng pinili para ilabas sa quiz bee," sabi ng dean sa amin ni Justin. Nandito kami sa office niya para ibigay ang trophy at sa amin naman ang medal na nakuha namin pero maliban sa medal at trophy meron din kaming natanggap na price pero hindi na hiningi sa amin iyon, ang kailangan lang nila ay trophy at reputation. Hindi rin nakipaghati si Justin sa akin dahil hindi na niya kailangan ng pera, itago ko na lang daw para sa savings ko. "Maraming salamat po at ako ang pinili niyo," sabi ko. "Alam ko kasi na kaya mo, kaya ka lang siguro nakakakuha ng mababa noon dahil hindi ka nag aaral ng maayos pero matalino ka," sabi niya. "'Wag na muna kayong pumasok ng isang linggo, price ko na sa inyo iyon dahil nag uwi kayo ng trophy, magpahinga muna kayo." "Thank you po," sabi ko, tahimik lang si Justin. TUWANG TUWA si Mason ng pumayag ako na sa kanila na muna matulog sa isang linggong bakasyon ko. Ayos lang din naman kina Mama at Papa malaki na rin naman ako para mag decide sa sarili ko at alam din naman nila na safe ako. “Ate Avy, come, the water is not cold,” sabi ni Mason matapos ibabad ang paa niya sa pool para tignan ang temperature. Niyaya niya akong mag swimming, hindi ko naman siya matanggihan dahil ginamitan niya ako ng cute face. “Wait, let’s warm up para hindi sumakit ang katawan natin after nating mag swimming,” sabi ko. Sinunod naman niya ako, basic warm up lang ginawa namin siniguro ko talaga na lahat ng katawan namin ma stretch mula ulo hangga paa. After naming mag warm up nagpunta kami sa pool na abot namin, matangkad naman si Mason hanggang balikat ko siya, 5’4 lang kasi ang height ko. Ang tangkad niya para sa edad niya at konti na lang mas matangkad na siya sa akin. Hindi ako marunong lumangoy kaya panay lang ang lakad ko sa pool at minsan naman nasa may hagdan lang ako nakaupo habang pinapanood na lumangoy si Mason na kaya niya nga ang napakalalim na bahagi ng pool. “Kumain muna kayo,” sabi ni Tita Angelica na may dalang tray na may lamang dalawang cake at juice saka nilapag sa may lamesa. “Okay po,” sabi ko saka tinawag si Mason agad naman siyang lumapit sa akin. Inabutan naman kami ni Tita Angelica ng robe. “Here iha,” sabi ni Tita at inabot sa akin ang maliit na regalo. Nataka namana ko, hindi ko naman birthday. “Para saan po ito?” tanong ko. “Regalo ko para sa pagkapanalo mo sa quiz bee, napanuod ko iyon at napakagaling mo,” sabi ni Tita. “Me too, me too, ang tali-talino mo Ate nasagutan mo lahat ng mahihirap na tanong,” sabi naman ni Mason. Ginulo ko naman ang buhok niya. “Pero Tita hindi naman po kailangan ng regalo,” sabi ko. “You deserve that,” sabi niya. “Nakakahiya naman po, employee niyo lang po ako pero kung tratuhin niyo ako parang anak niyo ako,” sabi ko. Hinawakan naman ni Tita ang kamay ko. “Hindi employee ang tingin ko sa ‘yo,” nakangiting sabi niya sa akin. “I like you, napakagaan ng loob ko sa ‘yo, unang kita ko pa lang sa ‘yo nakuha mo agad ang loob ko. Kahit sino naman kasi gagaan ang loob sa ‘yo dahil napakabait mo.” Napangiti naman ako. “Salamat po.” “So, if it’s okay, ituring kitang anak kapag nandito ka? Wala kasi akong anak na babae at matagal ko ng pangarap iyon,” niya. “Sige po, wala naman pong problema sa akin,” sabi ko. Ang saya saya dahil tatlo ang Mama ko, una si Mama, pangalawa si Tita Penelope at pangatlo itong si Tita Angelica. “So from now on Mommy na ang itawag mo sa akin ha?” sabi niya. “Opo, Mommy,” nakangiting sabi ko. “So, it means Ate ko na talaga si Ate Avy,” masayang sabi ni Mason. “Ate mo naman ako dati pa diba?” sabi ko. “Oo nga pala,” sabi niya. Wala akong kapatid kaya natatatuwa na tawagin akong Ate ni Mason dati ayaw ko ng kapatid dahil gusto ko ako lang ang binibigyan ng pera nina Mama pero ngayon gusto ko na pero swempre hindi na pwedeng mag anak pa si Mama. NAPAGOD sa kakalaro si Mason kaya naman agad siyang nakatulog, heto naman kami ni Mommy nanunuod sa moview theater nila ng movie. Parehas kaming mahilig sa action kaya action ang pinanood namin. “Nandito ka lang pala kayo.” Napalingo naman kami sa nagsalita si Tito Blade. “Ang tahimik ng bahay akala ko walang tao kaya nagtanong ako sa maid kung nasaan kayo.” “Nag bo-bonding lang kami ni Yanna, diba?” sabi ni Mommy sa akin. “Opo, Mommy,” sagot ko. “Mommy?” takang tanong ni Tito. “Yes, pumayag si Yanna na maging anak anakan ko kaya Mommy na ang tawag sa akin,” sabi ni Tita. “Kung Mommy ang tawag niya sa ‘yo dapat Daddy na rin ang itawag sa akin, hindi pwedeng Tito ang tawag sa akin tapos sa ‘yo Mommy,” parang batang sabi niya na ikinagulat ko dahil ngayon ko lang siya nakitang ganito. Tumawa naman si Moomy. “Itanong mo kay Yanna kung papayag siya.” Lumapit naman sa akin si Tito saka umupo para pantayan ako. “Tawagin mo na lang akong Daddy ha? Hindi pwedeng ang Mommy mo lang ang payagan mo,” sabi niya sa akin. Napatingin naman ako kay Mommy saka tumingin ulit kay Tito. “Kung magiging Mommy at Daddy ko na po kayo dapat hindi niyo na po ako employee, ang pangit naman po kung pinapasweldo niyo pa rin po ako pero ipagluluto ko pa rin naman si Mason,” sabi ko. Hindi naman maganda na ituring nila akong anak nila tapos employee pa rin nila ako. “Pero ayos lang ba sa ‘yo na ipag luto si Mason kahit hindi ka na nag se-sweldo?” tanong ni Mommy. Umiling naman ako. “Parang kapatid ko na rin naman po si Mason, isa pa masaya ako na nakakapagluto ako,” sabi ko. “Kung ganun, sige hindi ka na naming employee pero bibigyan ka namin ng allowance, deal?” sabi ni Tito. “Pero dapat hindi po kasing mahal ng sweldo ko,” sabi ko. “10k evey month,” sabi niya. “Ang laki pa rin po,” sabi ko. “Maliit na nga iyon, ang allowance ni Mason every month 20k,” sabi niya. “Sige na iha tanggapin mo na, diba sabi mo gusto mong tulungan ang parents mo? Kaya nga nag trabaho ka sa amin diba? Pero ngayong hindi ka na namin employee yung magiging allowance mo na lang ang maipangtutulong mo sa kanila,” sabi ni Mommy. Napabuntong hininga naman ako, mukhang wala naman akong magagawa dahil parehas silang hindi marunong sumuko. “Osige po deal na ako sa 10k,” sabi ko. Mas lumawak naman ang ngiti ni Tito. “So, Daddy na ang tawag mo sa akin ha?” “Opo, Daddy,” sabi ko. “May prinsesa na tayo, wife,” masayang sabi ni Daddy. “Oo nga,” sabi ni Mommy. Sumali sa amin si Daddy sa panunuod, kahit panay lang ang spoiler ni Daddy sa movie nag enjoy naman kami. MULA NANG pumayag akong maging anak anakan nina Mommy at Daddy prinsesa na ang turing nila sa akin, pinapagawan na nga ako ng sarili kong kwarto, gusto ko nga silang pigilan pero hindi naman sila nagpapagil, ayos lang naman kung gawan nila ako ng room kaya lang exaggerate naman sila dahil ang laki laki ng ipapagawa nila kasing laki ngt kwarto ni Mason pero kahit anong pigil ko naman sa kanila hindi rin naman ako nananalo. Ngayon niyaya ako ni Mommy na mag mall dapat kaming dalawa lang pero gusto talagang sumama ni Mason kaya walang nagawa si Mommy kundi isama ito at isa pa ngayon daw lang ito sumasama sa mga lakad lagi na lang itong nagpapaiwan. “Ready na kayo kids?” tanong ni Mommy. “Opo,” sabay na sabi ni Mason. “Then let’s go,” sabi niya. Sumakay na kami sa kotse pero nagtaka naman ako dahil hindi ko kilala ang nasa drivers seat. “May sakit si Robert kaya pumalit muna si Lenard, pamangkin niya,” biglang sabi ni Mommy, siguro nakita niya ang pagtataka sa mukha ko. Napatango naman ako. “Okay po.” Pinaandar na ni Lenard ang kotse. “BAGAY sa ‘yo ito,” sabi ni Mommy saka binigay sa akin ang isang black dress. “Mommy sobra na po ito, ang dami mo na pong napili,” reklamo ko. Pagdating na pagdating pa lang namin sa mall dumiretso kami agad sa paboritong boutique ni Mommy tapos pumili agad ng maraming damit at pinasukat sa akin. “Last na iyan promise saka mas magandang maraming choices,” sagot niya. Napabuntong hininga naman ako saka bumalik sa dressing room para isukat na naman ang binigay niyang damit. “Sabi ko na bagay sa ‘yo eh,” sabi ni Mommy pagkalabas ko ng dressing room. “Ang ganda ganda mo kasi kaya bumabagay sa ‘yo ang mga damit.” “Salamat po,” sabi ko. “Bibilhin ko lahat,” sabi ni Mommy sa sales lady sa tabi namin. Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. “Mommy, bibilhin mo lahat?” “Yes, why?” nakangiting sabi niya. “Mommy ang dami po ‘nun,” Tapos ang mamahal pa, nakita ko sa mga tag price na hindi bababa sa isang libo ang mga damit na pinili ni Mommy. “Para marami kang isusuot na magagandang mga damit napapansin ko kasi na luma na ang mga damit na sinusuot mo,” sabi niya. “Pero ayos pa naman po ang mga iyon,” sagot ko. “Kahit na anak, dalaga ka na dapat makapagsuot ka naman ng magagandang mga damit. Ngayon na anak na kita hindi pwedeng hindi kita mabili ng mga damit,” sabi niya. “Pero Mommy…” sabi ko. “Please? Pagbigyan mo na ako, matagal ko ng gustong bumili ng mga damit pambabae para sa anak ko pero hindi ako biniyayaan pero dahil nandito ka na magagawa ko na ang gusto ko,” sabi niya. Napabuntong hininga naman ako. “Sige na nga po.” Kung dito sasaya si Mommy hahayaan ko na lang siya sa gusto niya. Natuwa naman si Mommy sa sagot ko. “Salamat anak ko.” “Basta masaya po kayo,” nakangiting sabi ko. Tinulungan ng mga sales lady si Mommy na kunin ang mga damit na pinili niya. Hindi na ako sumama sa counter dahil ayokong makita ang presyo na binili niya baka malula lang ako kaya sinamahan ko lang si Mason sa waiting area na kasalukuyang naglalaro sa nintendo switch niya. “Tara na,” sabi ni Mommy paglapit niya, may bitbit siyang anim na malalaking paper bag kaya naman tinulungan namin siya ni Mason nagbitbit rin kami ng tigdalawa. “Almost lunch time na, anong gusto niyong kainin?” “Kahit saan naman po okay ako, si Mason po dapat ang mamili,” sabi ko, mapili pa naman si Mason sa pagkain kaya kailangan siya ang mamili. “I’ll try to eat na lang ng pagkain,” sabi ni Mason. “Ayos lang ba sa ‘yo?” tanong ko. Tumango naman siya. “Sabi niyo nga Ate hindi habang buhay ipagluluto mo ako kaya naman ita-try ko na kumain ng ibang pagkain,” sabi niya na kinangiti naman ni Mommy. “Aww, big boy na talaga ang baby ko,” sabi ni Mommy saka niyakap si Mason. “And I’m sorry Mommy dahil pinag alala ko kayo noon sa hindi ko pagkain ng maayos,” sabi ni Mason. Nakita kong naluha si Mommy pero agad din niyang pinigilan. “It’s okay baby, at least now mag ta-try ka na dahil diyan ikaw ang mamili ng gusto mong kainin.” Gusto raw niyang mag grilled barbeque kaya doon kami kumain. Nag order si Mommy ng iba’t ibang klase ng meat para hindi kami magsawa sa lasa. THIRD PERSON’S POINT OF VIEW Nag desisyon si Avyanna na hindi na muling pansinin si Justin matapos ang kanilang quiz bee dahil ayaw niyang isipin na naman ng mga kaklase niya na hinahabol na naman niya ito, ayaw na niyang maging desperada sa tingin ng mga schoolmate niya, gusto niyang maging matiwasay ang pag aaral niya. Minentain niya ang kanyang pagiging top 1 dahil gusto niyang makakuha ng honor kapag nag graduate siya. Habang si Justin naman sobrang gulong gulo siya sa nararamdaman niya, noon pa gusto na niyang tigilan siya ni Avyanna at ngayong hindi na siya nito pinapansin parang may kulang. Noon naiirita siya sa laging pagsunot nito sa kanya pero ngayon hinahanap hanap niya ito kung saan man siya mapunta. “Akala namin may sakit ka kaya hindi ka pumasok ngayon pala naglalasing ka lang dito sa condo mo,” sabi Tj. Nagtataka kasi sila na hindi pumasok ang kaibigan nila samantalang hindi ito pala absent kaya nag desisyon silang puntahan ito sa bahay nila pero ang sabi ng magulang niya ay nasa condo ito. “Bakit ka ba naglalasing?” “Oo nga hindi ka naman madalas uminom ah? May problema ka ba?” tanong ni Albert. “Naguguluhan ako,” biglang sabi ni Justin sa pananahimik nito. Nagtaka naman ang dalawang kaibigan niya. “Saan ka naguguluhan?” tanong ni Tj. Sumandal naman ito sa sandalan ng sofa saka tuminga. “Noon pa lang gusto ko ng tigilan ako ni Avyanna at ngayon na hindi na niya ako ginugulo parang…” “Namiss mo siya ganun?” Pagtulog ng sinabi niya. “Oo,” sagot niya. Napabuntong hininga naman si Tj. “Totoo talaga ang sinabi nila na malalaman mo lang ang halaga ng isang tao kapag lumayo na ito sa ‘yo, ngayon na iniiwasan ka na ni Avyanna doon mo na realize na mahalaga siya sa ‘yo.” “Tama,” sang ayon ni Albert. “Mabait naman talaga si Avyanna noon pa lang pero dahil gusto niya na mapansin mo siya pilit niyang ginagaya ang mga babaeng pinapansin mo.” “Oo nga, may part din na kasalanan mo kung bakit naging ganun si Avyanna, diba sabi mo sa amin na childhood bestfriend mo siya pero nagbago ang pakikitungo mo sa kanya dahil nagustuhan ka niya,” sabi ni Tj. “Tsk, kung makapagsalita kayo ng ganyan parang ako lang ang naging masama sa kanya, diba kayo rin naman kung ano ano ang sinasabi niyo sa kanya,” sabi ni Justin. “Oo aminado kami na pinagtatawanan namin siya pero hindi naman talaga namin kinamumuhian si Avyanna, naiinis lang kami sa ugaling meron siya noon dahil sa ugali niya pero ngayong nag iba na siya nawala na ang inis namin sa kanya,” sagot ni Albert. “At ganun ka rin sa kanya, nawala ang inis mo sa kanya ‘nun hindi ka na niya ginugulo kaya ngayon na re-realize mo na ang halaga niya sa ‘yo,” sabi ni Tj. Tama ang mga kaibigan niya, simula ng hindi na siya pinansin ni Avyanna doon lang niya nakita ang halaga nito sa kanya na hindi niya kayang mawala ito sa paningin niya. “Nag desisyon na ako, ako naman ngayon ang susuyo sa kanya,” sabi ni Justin. “Goodluck pero ewan ko lang kung masusuyo mo siya dahil mukhang naka move on na siya sa ‘yo,” sabi ni Albert. “Wala akong pakielam, susuyuin ko siya ng susuyuin hanggang sa bumalik muli ang pagmamahal niya sa akin,” determinadong sabi niya. AVYANNAS POINT OF VIEW Naglalakad ako ngayon papuntang library ng biglang may humarang sa akin. "Pwede ba tayong mag usap?" sabi ni Justin. "Anong pag uusapan natin?" tanong ko sa kanya. “Pwede bang ‘yung tayong dalawa lang?” tanong niya. “Okay,” sabi ko. Nagpunta kami sa may gardern area, walang masyadong nagpupunta dito. Umupo kami sa may upuan na nandoon. “Ngayon tayo na lang dalawa sabihin mo na ang gusto mong sabihin,” sabi ko. Bumuntong hininga na muna siya bago nagsalita. "Iiwasan mo na lang ba talaga ako?" tanong niya. Hindi ko maiwasan na mapakinot ang noo sa tanong niya. "Diba iyon naman ang gusto mo?" takang tanong ko. Pagkatapos 'nung quiz bee namin, bumalik ulit ako sa pag iwas sa kanya dahil ayoko na isipin na naman niya na nagpapapansin ako sa kanya. "Oo pinagtatabuyan kita pero hindi ko naman sinabi na iwasan mo ako," sabi niya na mas lalo kong pinagtaka. "Ha? What do you mean? Pinapahiya mo nga ako sa maraming tao dahil ayaw mo akong makita diba? Tapos sasabihin mo iyan?" tanong ko. Naguguluhan ako sa kanya, hindi ko alam kung ano bang ibig niyang sabihin sa sinabi niya? Tinataboy niya ako pero hindi niya sinabi na iwasan ko siya? "Oo pinagtatabuyan kita pero hindi ko naman akalain na parang hindi mo ako kilala kung tratuhin mo ako," sabi niya. "Anong dapat na gawin ko? Ilang beses mo ng sinabi sa akin na layuan kita, sa bibig mo na nanggaling iyon kaya anong nirereklamo mo?" tanong ko. "Dapat hindi ka lumayo, ginawa ko lang iyon para baguhin mo ang sarili mo, na marealise mo na mali ang ginagawa mo. Nag bago ka nga pero iniwasan mo naman ako," sabi niya. Natawa naman ako ng mapakla. "'Yung mga masasakit na salita na binitawan mo sa akin at 'yung pamamahiya mo, sa tingin mo sa mga ginawa mong iyon ay mananatili pa rin ako sa tabi mo? Oo, ang pangit ng ugali ko noon pero wala kang karapatan na sabihan ako ng masasakit na salita lalo na wala naman akong hinawa sa 'yo, lahat ginawa ko mapansin mo lang ako pero anong ginawa mo pinagtabuyan mo lang ako," sabi ko pinigilan kong 'wag maiyak dahil ayokong maging mahina sa harapan niya. "Close naman tayo dati ah, prinsesa pa nga ang turing mo sa akin tapos bigla ka na lang ang bago. Isa ka sa naging dahilan kung bakit naging ganun ang ugali ko, akala ko gusto mo 'yung mga mayayaman kaya ginawa ko ang lahat para mapantayan sila, binatos ko ang mga magulang ko dahil sa pagmamahal ko sa 'yo, hindi ko na inisip ang nasa paligid ko basta mapansin mo lang ako." Napagtanto ko na siya nag naging dahian ng bigla kong pagbago, kung bakit naging social climber ako at naging spoiled brat. Inisip ko na kaya hindi ako minahal ni Justin dahil mahirap ako kaya ginawa ko ang lahat para mapansin niya ako. "Kasalanan mo rin naman kung bakit lumayo ang loob ko sa 'yo, pinagtatawanan ako ng mga kaibigan ko sa tuwing lumalapit ka sa akin lagi nila akong inaaaar dahil ginagawa mo akong baby," sagot niya. Hindi naman ako makapaniwala sa sinabi niya dahil lang doon? Dahil napapahiya siya kaya lumayo ang loob niya sa akin? "Dahil lang doon? Dahil napahiya ka? Kasalan ko pa ba kung ganun ang mga ugali ng mga kaibigan mo? Kung totoong mga kaibigan mo sila hindi ka nila pagtatawanan, wala silang pakielam sa kung anong ginagawa ko sa 'yo," sabi ko. Napayuko naman siya sa sinabi ko. "Napakababaw naman ng dahilan mo para iwasan ako. Kung ayaw mo pala 'yon sana sinabi mo na noon pa lang sa akin para hindi ko nabago ang ugali ko at hindi ko na bastos ang magulang ko," sabi ko. "So, kasalanan ko pa na binago mo ang ugali mo?" sabi niya. "Oo, kasi mahal kita eh, gagawin ko ang lahat para mahalin mo lang ako pero wala rin pa lang kwenta ang ginawa ko, hindi mo ako kayang mahalin dahil napapahiya ka," sabi ko. Napaka tanga ko talaga at minahal ko siya, kung hindi ko siya minahal baka hindi ko nagawa ang mga bagay na iyon dati. Hindi ko sana nabastos ang magulang ko. "Kung wala ka ng sasabihin aalis na ako," sabi ko. "Meron pa akong sasabihin," sabi niya. "Ano iyon?" tanong ko. "Pwede bang kalimutan na lang natin 'yung nakaraan? Misunderstanding ang nangyari sa atin noon at ngayon na nagkalinawan na tayo pwede nating umpisahan sa dati," sabi niya. Umiling naman ako. "It's too late, Justin. Naka move on na ako eh, wala muna akong balak mag mahal, sa ngayon priority ko muna ang mga magulang ko," sabi ko. "Kung ganun, hihintayin kita hanggang maging handa ka," sabi niya. "Mag sasawa ka lang sa kakahintay kaya 'wag mo ng subukan," sabi ko. "Please, gusto kong ipakita sa 'yo na magbabago ako," sabi niya. Napabuntong hininga naman ako. "Bahala ka pero 'wag kang umasa," sabi ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD