Nakatayo ako sa paanan ng hagdan at nakita ko ang paglapit sa akin ni Mommy. Yumuko ako. Wala na akong lakas ngayong gabi para makipagtalo pa. Maglalakad na sana ako paakyat para makapagpahinga nang hawakan niya ako sa braso at pilit na iniharap sa kanya. Kumunot ang noo niya na para bang may naamoy na hindi maganda kaya umiwas agad ako. “Are you drunk?” umalingawngaw ang kanyang boses sa buong mansyon. Kung makapagtanong siya ay para bang isang beses pa lang niya akong nakitang umuwi ng lasing. Pagkabalik ko galing sa Siargao, that same night I went out and got so drunk that I almost passed out on the streets. Kung hindi dahil sa mga tauhan namin ay hindi ako makakauwi dahil sa sobrang kalasingan. At simula noong gabing iyon, gabi-gabi na akong nagpupunta sa Royal Club para uminom

