“What do you mean, Mommy? I’m getting married?!” Hindi ko intensyong magtaas ng boses pero hindi ko napigilan ang sarili ko. Huminto sa tabi ko si Migz, naramdaman ko ang paglapat ng kamay niya sa likuran ko. Napapikit ako dahil sa hapding hatid nito. Pagdilat ko, nakita kong matalim na tingin ang ipinukol ni Mommy kay Migz bago bumaling sa akin. “You’re getting married just like your brother-” “Seriously?! Naririnig mo ba ang sarili mo, Mommy?” Alam kong binalak kong magpabuntis noon. Pero dahil lang iyon sa kagustuhan kong matakasan ang pagiging CEO ng Savage Enterprises. Pero sa sinasabi ni Mommy, tingin ko’y hindi makakatulong sa sitwasyon ko ang pagpapakasal. Mas matatali pa ako kung nasaan ako ngayon kung siya na naman ang magdedesisyon para sa akin. Kapag nangyari ‘yon, impos

