Nakatanggap ako ng ilang tawag at texts galing kay Claudia pero kahit isa ay wala akong sinagot. Hindi na nga kami magkasama pero talagang pinapasakit pa rin niya ang ulo ko. Claudia: You’re worse than Aria! I hate you so much! Hinahanap niya kasi sa akin si Migz. Kinukulit niya akong iuwi ko sa kanila ang kapatid niya - na ibalik ko si Migz sa kanya na para bang pagaari niya ito. And knowing her, no explanation would be enough for her to calm down and understand the situation. Pupunta lang kami sa business seminar buong weekend. Sa Tagaytay lang at hindi sa ibang bansa. Ganuon ba talaga kahirap para sa kanya mawalay sa kapatid? Siguro nga ito ang unang beses na malalayo ng ganito si Migz sa kanya. But I know she’s aware that I did not force her brother to come with me. May sariling

