“What the—!” Nagising ako dahil sa sigaw ni Dean. Halos itulak niya si Migz papalayo nang bumalik siya sa pagkakaupo. Pulang-pula ang mukha niya lalo na nang marinig namin ang hagikgikan ng ibang kasama namin sa van. Nakita ko ang pagaayos ni Migz ng pagkakasuot ng kanyang salamin bago niya binaling ang tingin sa akin. Napatakip ako ng bibig nang kindatan niya ‘ko. “Sabi na sa ‘yo, mahirap makahanap ng poging straight,” narinig kong bulong ni pink girl na muntikan nang magpatawa sa akin. Nang mapatingin sa akin si Dean, nakita ko ‘yung panlilisik ng kanyang mga mata. Imbes na umiwas ng tingin, tinaasan ko pa siya ng kilay. Ano siya ngayon? Sino ba siya sa inaakala niya? “Sarap na sarap ka sa pwesto mo ah,” gatong ko sa sitwasyon na muli’y nagpatawa sa lahat. “Dean, may laway ka pa

