Bigla na lang bumuhos ang ulan. Kahit nababasa ako sa balcony ng kwarto ay hindi ako nakagalaw mula sa kinatatayuan ko. “Leave when you’re done. Magpapahinga na ‘ko,” halos hirap ko itong sinambit kay Migz. Hindi ko alam kung natunugan ba niya ang kaba sa loob ko. Ramdam ko ang panginginig ng mga kamay ko habang hawak ang phone ko. An image flashed through my head that almost made me lose balance. Kaya lang natigilan ako nang may mga kamay na pumulupot sa beywang ko. Napapikit ako nang mariin at pilit na nilabanan ang pagbuhos ng napakaraming alaala. God, please help me. ‘Wag ngayon. Not here. Not with him. Hindi ko alam kung sino ang nag-text sa akin at kung ano ‘yung sinasabi niyang alam niya. But I don’t feel good about it. “Let’s talk.” Isiniksik ni Migz ang mukha niya sa may

