Hindi nagsasalita si Migz buong byahe namin. Tuloy ay nawalan ako ng lakas ng loob kumpirmahin kung talaga ngang girlfriend na niya ako. Iyon naman kasi ang sinabi niya kay Dean. But the overthinker in me thinks otherwise. Wala naman kasing maayos na pagtatapos ang naging paguusap namin kagabi. Ayokong isipin na ganuon kadali lang niya palalagpasin ang nangyari. Pero mas ayokong sirain ang araw na ‘to para sa amin. Pagdating namin sa sikat na amusement park dito sa Tagaytay, si Migz ang nagprisentang magbayad ng admission fee namin. Ako na sana kaya lang mapilit siya. Hinayaan ko na lang siya dahil ayokong ito pa ang pagawayan namin. “Pwede bang dito na lang tayo?” tanong ko kay Migz habang lumilinga-linga sa paligid. Kahit naman kasi mayaman kami, mabibilang lang yata sa kamay ang na

