“Hinatid lang ako ni Dean kasi iniwan ako ni Mr. Johansson,” sabi ko agad kay Migz bago pa siya mag-isip ng kung anu-ano. Hindi ko alam kung bakit sobrang bilis ng t***k ng puso ko kahit na alam ko namang wala akong ginagawang masama. “Wala kang dalang sasakyan?” tanong ni Migz sa akin pero hindi napuputol ang matalim niyang tingin kay Dean. Pakiramdam ko tuloy nagkaroon sila ng sariling mundo. “Sinundo na kasi ako ni Mr. Johansson kaya hindi na ako nakapagdala,” nagaalangang sagot ko. Nagkaroon ng nakakabinging katahimikan pagkatapos kong magsalita. Hindi nagbabago ang ekspresyon ng mukha nilang dalawa kaya mas lalo lang akong kinabahan. Hindi naman siguro sila aabot sa suntukan. I don’t think Migz is the jealous-type of guy. Tumawa na lang ako ng walang dahilan para mapagaan ang si

