“Anong nangyari pagkatapos kong maaksidente?” puno ng pangambang tanong ni Migz nang sa wakas ay huminahon din ako. Paano ba naman ay hindi pa rin ako makapaniwala na gising na siya. Natatakot pa nga akong kumurap dahil baka pagdilat ko, bumalik ulit sa dati ang kanyang kundisyon. I can’t imagine being in the same situation as I was the night before. Naramdaman ko ang marahang pagpisil ni Migz sa kamay ko kaya napatingin ako rito. Mukhang lumilipad na naman ang isip ko kaya ngumisi lang ako sa kanya ngayong nakatitig siya sa mukha ko. Kaya lang tinaasan niya ako ng isang kilay nang hindi ako nagsalita. May hindi yata ako narinig na sinabi niya kaya dito ko binukas-sara ang mga mata ko. Inisip ko kung pinipilit na naman niya akong tumabi sa kanya sa kama. Kanina pa kasi niya iyon gusto

