Ilang minuto kong tinitigan ang numero ni Kuya sa phone ko bago bumuntong-hininga. Wala pa akong natatanggap kahit isang text o tawag galing sa kanya. Kung totoong nandito na siya sa Maynila, bakit hindi man lang siya magparamdam sa akin? Bukod ba sa pagtalikod niya sa pagiging isang Savage, tinalikuran na rin ba niya ang pagiging magkapatid namin? Masakit isipin pero kung totoo man ito, I guess I shouldn’t be surprised. Baka nangyari na nga ang kinakatakot ko. Ilang taon din siyang nagtiis na siya ang tumatanggap ng parusa nila Mommy at Daddy sa akin. He’s the only one carrying the weight of being a Savage on his shoulders. Palagi niyang inaako lahat ng hirap imbes na mapunta ito sa akin. But I didn’t ask him to do that for me. Siya ang nagkusang pahalagahan ako ng sobra at hindi man

