When Migz and I met again in high school, I didn’t tell him the real reason why I moved to a different school. Hindi ko na rin sinabi sa kanya kung bakit hindi ko siya malabas kahit makailang beses na niya akong pinuntahan sa mansyon. Mabuti na lang din at hindi si Migz ‘yung tipong matanong pagdating sa akin. Hinahayaan niyang ako mismo ang magbukas ng sarili ko sa kanya kapag handa na ako. And I guess, I was never ready to reveal my family’s darkest secrets. Kahit alam kong hindi ako huhusgahan ni Migz, hindi ko pa rin sinabi sa kanya ang pambababae ni Daddy maging ang p*******t ng mga magulang namin sa aming magkapatid bilang paraan ng pagdidisiplina. Mataas ang tingin niya sa pamilya namin. Alam ko ‘yun dahil bukambibig niya si Daddy at ang scholarship na natatanggap niya kahit

